4.
Of breakdowns and Ice cream
Agatha's Point of View
Mag-aalas onse na pero nakatitig parin ako blankong pader ng kwarto ko. Ayokong matulog, natatakot akong matulog kasi baka paggising ko mag-iba na naman ang lahat.
"Agatanga kung ayaw mong matulog, magpatulog ka. Ang lakas ng music, di ako makatulog." Napapitlag ako nang bigla na lamang sumulpot ang ulo ni Cooper sa bahagyang nakabukas na pinto.
"Cooper uso kumatok!" Saracstic akong ngumiti sa kanya.
"Talaga? Eh hindi yun uso sa akin eh." Giit niya at sarcastic rin na ngumiti. Ewan ko ba pero tuluyan akong natawa dahil sa mukha niya, siguro dahil nagmukha siyang asong timang.
"Teka bakit mo ako pinagtatawanan?!" Pumasok siya sa kwarto ko habang nakapamewang, halata sa mukha niyang naiinis na siya. Gaya kanina, siya na mismo ang pumatay ng ipod ko.
Napabuntong hininga nalang ako, "Wala. Natatawa lang talaga ako sa mukha mo."
Nakunot ang noo niya at agad niyang tinuro ang mukha niya, "Anong nakakatawa dito? Ang sabihin mo kinikilig ka!" Giit niya kaya lalo akong natawa.
Sa sobrang tawa ko namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha mula sa mga mata ko. Tumigil ako sa pagtawa at napabuntong-hininga ako.
Napahawak ako sa bibig ko, hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili kong umiyak. Masyado nang mabigat ang pakiramdam ko, pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa lungkot kung hindi ako iiyak ngayon.
"Teka anong nangyayari sayo?! Nababaliw ka na ba talaga?!" Nanlaki ang mga mata ni Cooper habang sumisigaw.
Kahit na patuloy ang pagbuhos ng luha ko ay pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Umiling-iling ako, "Pasensya ka na, bumalik ka na ulit sa kwarto mo." Sinenyasan ko siyang umalis na at agad naman niya itong sinunod.
Nang mag-isa nalang ulit ako sa kwarto ko ay tuluyan na akong napahagulgol. Nanginginig na ang labi at mga kamay ko pero wala akong pakialam, gagaan lang siguro ang kalooban ko kung hahayaan ko ang sarili kong umiyak ngayon.
Nakapagod nang ngumiti sa lahat. Araw-araw akong ngumingiti kahit na unti-unti nang namamatay ang puso ko. Nakakapagod natong nararamdaman kong 'to.
Akala ng lahat okay lang ako, akala nilang lahat matatag ako, hindi nila alam na araw-araw akong nagtitiis at nasasaktan.
"Mocha-flavored ice cream always makes me feel better. Subukan mo." Nagulat ako nang mapansing nakatayo na pala si Cooper sa gilid ko. May hawak-hawak siyang isang malaking bowl na puno ng ice cream at dalawang kutsara.
Pinunasan ko nalang ang luha mula sa mga mata ko at agad na kinuha ang kutsarang iniabot niya sa akin. I love ice creams, hinding-hindi ko hihindian 'to.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...