12

17 3 0
                                    

Sachimie's pov

" you sure ayaw mo talagang pumunta muna sa dorm mo?" Ani ni azury...

Napa iling ako..

" hihintayin ko pa si lith " ako

Kinunutan nya ako ng noo.. " delikado para sayo ang mag isa hindi ba? " medyu na iinis na nyang sabi pero tinawanan ko nalang iyon.

" dito lang naman ako sa canteen eh" ako

" kahit na.. pumunta ka nalang din sa------"

" kuya ury!!!! Naantok na ako!! Mauuna na ako sa dorm ahh!!" Rinig kong sabi ni zapy " gusto mong sumama sach?" Ani nya at umiling ako.. " isama mo nalang si azury" ako

Hinila na naman ni zapy si azury .. sinenyasan ko nalang ito na okay lang talaga... matutulog kase si zapy sa dorm ni azury gawa nga ng mag ka away sila ni erida.. last time ay nag away sila at muntikan ng magpatayan kaya paminsan ay pinag i-istay nalang ni azury si zapy sa kwarto neto.

Inis na binaling ni azury ang kanyang atension kay zapy at napa buntong hininga ako... hihintayin ko nalang si lith dito dahil wala din naman akong magagawa sa dorm kung saka-sakali...

Hangat sa naka lipas na ang ilang oras ay naka upo parin ako ngayun.. siguro mamaya maya ay nandito narin si lith.

" hi miss!" Ani ng isang lalaking may katangkaran at magulo ang kulot nyang buhok..

" ikaw si sachimie diba?"

Nagulat ako dahil kilala nya ako... pero tumango nakang din ako.

" ako nga pala si lorenz " sabi nya at inabot ang kamay saakin..

Inabot ko ang kamay neto at ngumiti nalang din...aabutin ko palang sana ang kamay nya ng maramdaman ko nalang na may humihigit na sa aking buhok...

Bigla nya akong tinulak at napa sandal ang aking katawan sa pader.... dahan dahan akong napa upo dun habang iniinda ko ang sakit ng aking katawan...

" IKAW!!!" Sabi nya at kasunod nun ay ang isang malakas na sampal sa aking pisnge... sa sobrang sakit ay naluluha na ang aking mata...

" ikaw ang dahilan kung bakit napahiya si ate kanina!!"

Tinayo ako ng dalawa nyang kaibigan at mahigpit nilang kinabigan ang aking mga braso... tinatakpan ngayun ng aking buhok ang muka ko at nanginginig ang aking mga tuhod..

Nilapitan ako ng babae at hinawakan ang aking baba... " at bakit ba dikit ka ng dikit sa mga valdemor? Sino kaba?" Naiinis nyang sabi at pinangingilan ang baba ko.

Mabibilis na hininga ang aking pinakawalan.. nagawa ko pang tumawa kaya mas lalo syang nainis.

" insecure ka lang kase!" Sigaw ko sakanya ... lumapit sya saakin at tinaasan ako ng kilay...

" insecure? Hindi .... masyado ka lang talagang papansin.. naiinis kami sayo alam mo yun? At gustong gusto ka na naming patayin ngayun!" ani nya at naging green blue nanaman ang kanyang mata..

Natatakot ako? Oo.. pero mas naiinis ako... at nasasaktan ako..

Dinuruan ko sya at kitang kita kong napunta yun sakanyang muka.. pula na ang dura ko ibig sabihin ay dugo iyon... dahan dahan nya ito pinunasan at galit nya akong tinignan...

Kahit may umaawat sakanila ngayun ay diko na marinig ng maayos ang boses nila..  nakikita ko si lorenz na inaawat ang mga babae pero waepek.

" KYAHHH!!!" Sigaw nya at naka tangap ako ng isang malakas na untog sa pader...

Marahas nila ulit akong pinatayo.. nahihilo na ako at sa tingin ko ay isang pitik nalang saakin mamatay na ako..

" ANU!? NASAN ANG GALING MO?! ILABAS MO! ANU!?"

THE FORBIDDEN  USWhere stories live. Discover now