Prolouge
Habang nakatayo ako sa waiting shed at pinagmamasdan ang mga taong nagtatakbuhan dahil nagsisimula nang lumakas ang ulan ay parang biglang bumagal ang paligid.
Yun bang tipong nasa teleserye ka at nakita mo na ang lalakeng hinahanap mo. Kaso ang pinagkaiba nga lang sakin ang mga tao sa paligid ko ang bumagal.
Pinagmasdan ko ang mga taong dumadaan sa harapan ko.
Napatingin din ako sa ibang tao na nag aantay sa waiting shed. May ibang nagmamadali at may iba ring nag aantay.
Ano bang inaantay nila? Ang pagtila ng ulan, bus, jeep o tao? Pinagmamasdan ko pa lang ang mukha nila halata mo ng may iba't iba silang pinagdadaanan. Sabi nila, mahirap mag antay sa wala pero para sakin mas mahirap mag antay sa parang meron.
Lalo na ako. Hindi ko alam kung anong inaantay ko dito sa waiting shed na to. Malapit lang ang bahay namin dito kaso mas pinili kong tumayo dito at mag antay.
Araw araw akong ganto hanggang sa minsan naaabutan na lang ako ng ulan. Minsan nga naisip ko siguro may mga alaala pa rin ako ng kahapon na hanggang ngayon hindi ko maitapon.
Sa dami ng nagtatakbuhan hindi sinasadyang mabangga ng isang lalake ang babaeng katulad nya nagmamadali rin.
Bakit kaya may mga taong hindi naman pala para sa isa't isa pero pinagtatagpo pa? Katulad nila ate at kuya na nagkabanggaan. Sila kaya para sa isa't isa?
Kinuha ko ang isa sa notebook na dala dala ko. Math notebook ko 'nung high school. Ewan ko ba kasi kay Cyrell dahil pinakuha nya sakin ang mga gamit ko nung high school sa kanila.
Hindi ko alam kung anong meron sa mga notebook na to at gustong gusto nyang makita ko. Hindi ko nga alam kung pano napunta sa kanya ang mga to eh. Binuklat ko ang math notebook ko at nadismaya ako ng makita ang mga nakasulat dito. Halo halong mga subject. May english, math, filipino, science. May mga drawing din.
Seriously? Notebook ko ba talaga to noon?
Kinuha ko ang nakasipit na papel sa gitna ng notebook.
Flames
Yan pa lang ang nababasa ko ng muntik kong mabitawan ang notebook ng bigla akong mabangga ng babaeng nasa likod ko. Nagsimula na ring mag alisan ang ibang tao dito sa waiting shed. Tumigil na pala ang ulan.
Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko pero wala pala akong dala.
"Ate, anong araw po ngayon tsaka oras na rin? Hehe," tanong ko sa babaeng paalis na. Tatlo na lang kami dito eh.
"October 2 po ate tsaka 7:30 pm na po," sagot nya at saka umalis.
Isang buwan na lang...
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sakin ni Cyrell.
"Basahin mo ng maiigi ang mga yan. Araw arawin mo hanggang sa maalala mo lahat ng kinalimutan mo. Hanggang sa maalala mo yung saya, sakit at lungkot. Hanggang sa maalala mo sya."
Napahinga ako malalim at tiningnan ang mga notebook na dala dala ko. Kinuha ko ang higit sa sampung notebook sa upuan kaso lang bigla ko itong nabitawan. Dali dali akong tinulungan ng lalakeng kasama ko ngayon sa waiting shed.
Nakaupo kami habang isa isang kinukuha ang mga nagkalat na papel. May iba pa palang nakasipit sa mga notebook. Binigay nya sakin ang mga kinuha nya.
Patayo na sana ako pero natigil ako ng iangat ko ang ulo ko at napatitig bigla sa kanya. Katulad ko nakatingin lang din sya sakin.
"S-salamat..." tanging nasabi ko.
Napatingin ako sa likod nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ko ang isa sa mga vandalism na nakasulat sa pader. Araw araw ko naman itong nababasa pero bakit ngayon lang tumibok ang puso ko ng ganto kabilis?
Let's fall In love
- ATD
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...