3rd Person's POV
"Kaloka! Nag confess sayo si Adam?!" Gulat na tanong ni Blaire.
Kasalukuyang nasa CR si Blaire at Ellisse. Pagkatapos kausapin si Adam na hanggang ngayon ay nagd-drama sa hagdan ay mabilis syang tumungo sa classroom nila Ellisse. Kahit ang assignment nya ay nakalimutan na nyang ipasa.
Tumango si Ellisse.
"Oh eh bakit nireject mo?"
"M-may iba kasi akong gusto... ayoko namang gawing panakip butas si Adam!" Rason nito.
Napasapo na lang si Blaire sa noo nya.
"Umiiyak sya sa may hagdan,"
Napamulagat si Ellisse sa sinabi ni Blaire. "Hala?! Seryoso?!"
"Eh hindi naman sa umiiyak... basta! Ang lungkot nya habang nakaupo sa may hagdan."
"Sorry talaga ha... Okay naman sya eh. Gwapo, loyal tsaka mabait kaso may iba talaga akong gusto eh. Sinabi pa nga nyang tutulungan na lang nya kong mag move on..."
Nakapamewang si Blaire habang pinapakinggan ang dahilan ni Ellisse.
"Sige na. Ako na lang magsasabi sa kanya..."
"Sige, thank you. Hehehe,"
Nanatiling nakatayo si Blaire sa CR ng iwan sya ni Ellisse. Napailing ito at natawa ng marealize na nafriend zoned ang kaibigan. Hindi nya inaasahan na nagkagusto pala ito kay Ellisse.
Pagpasok ni Blaire sa classroom ay agad syang tumabi kay Jewel na nagsusulat.
"Guess what?" Umpisa nya.
"What?" Jewel.
"Nag confess si Adam sa crush nya,"
"Oh anong sabi mo?"
"Ha? Anong sabi ko na ano?"
"Diba sabi mo nag confess?"
"Oo nga! Sa crush nya kay Ellisse!"
This time napatingin si Jewel kay Blaire at pansin ang gulat sa mga mata nya.
"Seryoso? Kay Ellisse?! Oh anong nangyari?"
"Na-reject ex mo," biro nya.
Napailing sya at natawa.
Biro yun oo pero sana nag react sya dahil nareject ang ex nya.
"Kaya pala iinom sila mamaya,"
"Niyaya ka rin ni Adam?" Ako.
"Hindi. Narinig ko lang 'nung nag CR ako. Lakas kaya ng boses nila," sabi nya.
Natigil ang pag uusap nila ng pumasok ang guro sa room kaya napaayos na ito ng upo.
Pagdating ng hapon ay nagpaalam si Akhiro na dadamayan daw nila si Adam kaya pumayag na lang si Blaire. Hindi na sila sumama dahil boys only lang daw yun sabi ni Jae. Pinasasama nga nila si Ace pero ayaw naman niito dahil girl daw sya.
Hindi na rin sya pumasok kinahapunan dahil nakaramdam ito ng antok. Monthsarry nila ngayon pero di na sya nag abalang pilitin si Akhiro na kumain sa labas dahil nagcelebrate na sila kahapon; na para sa kanya, ang pinakamasayang araw kasama si Akhiro.
Naalimpungatan si Blaire at pagtingin sa labas ay malapit ng magdilim. Pagtingin sa wall clock ay malapit ng mag 6:30. Naagaw ng atensyon nya ang cellphone at pagtingin ay may isang missed call si John.
Agad syang nagbihis at napagdesisyunang puntahan ang boyfriend sa bahay nila Arlly kung san sila umiinom ngayon.
Wala naman talaga syang balak ngunit nakaramdam sya ng kaba dahil kain kailan ay hindi naman tumawag si John sa kanya.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...