Chapter 1

24 1 4
                                    

Nanuntok ako ng kaklase. Babae. Dahilan? Sinampal ako dahil inagaw ko daw ang boyfriend nya. Resulta? Na expel ako.


Sa pagpasok ko sa bagong school ko. Hindi ko alam na dito pala mag uumpisa ang bagong kwento.


~


"Pang ilang transfer mo na ba to?! May balak ka ba talagang tumino, Anak?!"


Hindi pa kami halos nakakapasok sa loob ng bahay pero dinadakdakan nya na ako. Napairap ako at napaupo na lang sa sofa na nakatapat sa pinto namin. Kitang kita yung mga dumadaan na napapatingin sa loob ng bahay. Dito sa village namin hindi naman magkakakilala ang mga tao pero dahil sa halos araw araw akong pinapagalitan ni mama malamang kilala na nila ako.


"Kababae mong tao nanununtok ka?! Manang mana ka talaga sa tatay mo!"


Napa smirk ako. Well, I don't pull hair I punch faces. Tsaka hindi lang naman yun ang offense ko sobrang dami pa! Buti nga yun eh, ang toxic kaya ng mga tao dun.


"Anak, gusto mo pa bang mag aral?" Sa ngayon malumanay na ang boses ni mama pero nakapamewang pa rin sya sa harapan ko.


"O--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita nanaman sya.


"2nd year High School ka pa lang jusko naman anak. Ano, mag aaral ka pa ba?"


Hindi ako sumagot kay mama ng makita ko ang isang estudyante na kaedad ko lang na nakatingin sakin mula sa labas. Nagulat sya ng tingnan ko sya ng masama kaya napatakbo sya paalis.


Taga dito ba yun?


"Ano hindi ka ba sasagot sa mga tanong ko?!" Napalingon naman ako kay mama.


"Kasi ma ang dami mong follow up question!" Sagot ko sabay simangot at kamot sa ulo ko.


"Si teacher nga walang follow up question sa recitation tapos ikaw ang dami!" Saad ko pa.


"Aba sumasagot ka talaga sakin ha?!"


Tumayo ako at umakyat papunta sa kwarto ko. Hindi ako tatantanan nito ni mama for sure.


"Magbihis ka! Mage-enroll tayo ngayon sa bago mong school," sigaw ni mama mula sa sala kaya napahinga na lang ako ng malalim.


~


Itinakip ko ang unan sa dalawang tenga ko ng marinig ang sunod sunod na katok ni mama sa pintuan.


"Blaire Alisha! Ala syete na! Mal-late ka na!" Sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.


Marahas kong inalis ang unan sa mukha ko at saka tiningnan ang oras sa cellphone ko.


October 2, 2014
6:00 am

Let's Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon