Blaire's POV
"Bakit kasi hindi mo ipinapanalo yun?" Escarlet.
"Gaga ka ba? Edi tinatawag na ko ngayong Mr. Intrams!" Ace.
"Ayaw mo 'nun para lalake ka na?" Cyrell.
"Jojowain kita kapag naging lalake ka!" Biro ko.
Napapatingin samin ang ibang estudyante habang palabas ng gate. Tapos na ang intramd kaya balik na kaming lahat sa dati. Paglabas namin ng gate ay nakita namin sila Arllyx.
"Huy, tara andun sila Arllyx oh!" Escarlet sabay turo nya sa kanila habang nag aantay ng jeep.
Wala akong naggawa ng hinila nya ako palapit sa kanila. May kausap syang 3rd year student na kaibigan nya rin ata.
"Papasok ba kayo mamaya?" Tanong ni Cyrell.
"Oo, kaka lesson lang ulit aabsent ka nanaman?" Lae.
"Duh?! Nagtatanong lang," pagsusungit nya.
Hindi ako nakikisama sa usapan nila dahil hindi ako mapakali. Andito kasi si Arllyx. Napatingin sya sakin dahil medyp magkatabi kami. Nagulat ako ng hilahin nya ang braso ko at mas lalo akong nagulat ng mag holding hands kami.
"B-bakit?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya at humarap sa lalakeng kaibigan nya.
"Babe ko," pakilala nya.
Napamulagat ako ng sabihin nya yun. Ngumiti ang kaibigan nya sakin at tiningnan sya ng pang asar.
"Ah, yan na yung babe mo? Nice to meet you, Blaire." Sabay lahad nya ng kamay nya.
Aalisin ko sana ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko pero mas lalo nyang hinigpitan.
"Bawal kayong mag shake hands," saad nya kaya natatawang inalis 'nung kaibigan nya ang kamay nya.
Paanong ang isang pagkakamali ay maging tama sa paningin ko? Ganito ba ang nararamdaman ni Jewel noon?
"Hoy ano yang kamay na yan?!" Sulpot ni Escarlet.
Pinilit kong alisin ang kamay kong hawak nya. Buti na lang binitawan nya na.
"Wala! Tara na andyan na yung jeep," sabi ko.
Sumakay ako agad kaya sumakay na rin sila. Sinundan ako ng tingin ni Arllyx habang paalis ang jeep. Medyo niluwagan ko ang butones sa may leeg ko dahil iniinitan ako.
Bakit kailangan nya kong tawaging babe sa harap ng kaibigan nya? Baliw ba sya?
Pagpasok ko ng hapon ay nasa isip ko pa rin ang nangyari kanina. Hindi talaga maalis sa isip ko lalo na ng maalala ko ang sama ng tingin samin ni Akhiro.
Hay! Ano nang gagawin ko? Umiiwas na nga ako pero sya naman 'tong lapit ng lapit. Simula 'nung finals, napagdesisyunan kong iwasan na sya. Para rin naman sakin to eh.
First subject namin sa hapon. Napahikab ako habang nakatingin sa kanya at napatiklop ako agad ng bibig ko ng makita nya ako. Tiningnan nya lang ako pero hindi nya ko pinagalitan.
Mabait kasi yang teacher namin na yan eh. Si Cyrell ngang natutulog na hindi nya pinapagalitan ako pa kaya? Si Lae naunang magcutting kesa sakin kaya gagayahin ko na lang sya.
Lumabas ako ng room at pagdaan ko sa room nila Arllyx nakita ko silang naglalaro ng uno. Wala silang teacher kaya pumasok ako.
And yes, kakasabi ko lang kanina na umiiwas ako pero sa bawat iwas ko doble 'nun ang pagkagusto kong makita sya.
"Sali ka?" Yaya ni John kaya tumango ako. Ang tagal na rin simula ng kinausap nya ako.
'Nung nakita ako ni Akhiro na sumali ay sumali rin sya kaya numero uno nanamang nang asar si Escarlet.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Dla nastolatków"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...