Blaire's POV
"Blaire, hindi ka nanaman ba papasok? Aba anak December na! Kung kailan ka graduating saka ka nanaman tinamad," bulyaw ni mama sa may pinto ng kwarto ko. Hindi ako natinag sa pagtitig sa kisame sa kwarto ko.
"Pumasok naman ako 'nung monday ah?" Saad ko.
"Friday na ngayon Blaire Alisha! Bumaba ka na dito at kumain ka na," Mama.
Bumuntong hininga ako. Wala namang kaaya aya sa kisame ng kwarto ko pero kanina pa ko dito nakakatitig. Humingi kasi ako ng sign na kapag may butiking sumulpot na lang bigla sa kisame it means pareho kaming may gusto sa isa't isa at kapag wala naman gusto nya ako.
Napabuntong hininga nanaman ako ulit. Niloloko ko nanaman ang sarili ko. Sarili ko na nga lang ang karamay ko niloloko ko pa.
Sa totoo lang, ayokong humingi ng sign. Natatakot ako na baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Natatakot ako na malaman ang totoo. Natatakot akong marealize na tanga nanaman ako.
Ilang araw na kong nagkukulong dito sa kwarto ko. Sa isang linggo ata dalawang beses na lang akong pumapasok. Hindi ko kasi kaya... Araw araw gigising akong malungkot at hirap pumasok. Takot akong masira nanaman lalo ang araw ko na pinaghirapan kong buohin.
Bumangon ako at umupo sa study table ko. Kinuha ko ang limang nagkakapalang notebook na pinagsulata ko ng storya tungkol kay Akhi at Arllyx. Iniscan ko ang bawat notebook at napangiti ako ng makita ang nakalagay dito.
Kinuha ko ang math notebook na nasa bag ko. Halo halong notes ang andito pero hindi ko inalis pa. Nagsimula akong magsulat sa may bandang gitnang page ng notebook.
Makikilala mo lang ang sarili mo kapag ikaw na lang at ang mundo. Ilang araw akong tulala at walang ibang inisip kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko. Siguro nga gusto ko lang maghanap ng taong mamahalin ako kasi kahit ako mismo hindi kayang mahalin ang sarili ko. Baka inaasa ko lang sa iba ang responsibilidad ko.
"Hey, mag almusal ka na!" Sulpot ng kapatid kong bunso sa may pinto.
Tumayo ako at mabilis na tinago ang notebook. Matamlay akong umupo sa hapag kainan na hindi man lang nila napansin.
"Tamlay mo ah?" Ate.
"Masakit ulo ko," rason ko.
"Anong balak mo sa birthday mo? Hindi nabibili ang happiness pero kaya ni mama na bumili ng plane ticket and pareho lang yuuuun!" Ate.
"Travel na lang ako, Ma." Sabi ko.
"O diba! Sama kami!" Ate.
"Nilason mo nanaman ang utak ng kapatid mo, Bea! Hindi ka ba magd-debut anak?" Mama.
"Pag iisipan ko pa. Wala namang pupunta eh," saad ko.
Pagkatapos kong mag breakfast ay nagbihis ako agad. Papasok ako, may dalawang subject pa ngayong umaga at isa pa ayokong ng mag stay dito sa bahay. Ang ingay ni ate!
Pagdating ko sa room saktong kararating lang din ng teacher namin sa Philosophy. Umupo ako agad sa katabi ni Cyrell. Tulog ang bruha kaya hindi nya napansin na andito ako. Buong lecture nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
"Sir, wala bang word of the day?" Tanong ni Ivory.
Pabida nanaman ang isang 'to.
"Bago yan. Anong hindi nyo naintindihan sa lesson?" Tanong ni Sir.
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang ako..." nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Earvin pero ako nanatiling nakatingin sa labas. Gusto ko sanang makipag apir sa kanya dahil pareho pala kami ng pinag dadaanan pero ayaw kong alisin ang tingin ko sa mga dahon na sumasabay sa ihip ng hangin.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...