Chapter 37

3 0 0
                                    

Blaire's POV

"Late ka na huy!" Bati sakin ni Ace ng makita akong kumakaripas ng takbo papuntang College building kung saan gaganapin ang seminar namin.

Nakaipon silang lahat na late sa may gate. Hindi ko na nga sya pinansin dahil late na late na ko. 8 am nagsimula pero 10:30 na kaya ako nagmamadali.

Hunahangos akong napahawak sa magkabila kong tuhod ng makarating ako sa 4th floor. Wala kasing elevator ang college building kaya papayat ka kapag dito ka nag aral.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Cyrell pagkaupo na pagkaupo ko sa likod.

"Di ako nakatulog kagabi," saad ko.

Nilagay nya sa tapat ko ang snacks kaya binuksan ko agad iyon. Nakakagutom tumakbo.

"Nga pala, nagkausap kami ni Adam kagabi," ako.

"Ayyieee," biglang sulpot ni Escarlet.

Kinunutan ko sya ng noo. "Ayyieee ka dyan,"

"Saan? Nag chat sya sayo?" Cyrell.

"Hindi, nakita ko lang sya sa waiting shed kagabi."

Tiningnan nya ko na para bang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Okay," sya.

Bumalik na lang kami sa pakikinig sa nagsasalita. Haaay, maghapong seminar nanaman 'to.


"Uuwi na agad tayo?" Tanong ko kina Cyrell at Escarlet.

Hindi ako makapaniwalang alas kwatro pa lang ng hapon ay magyayaya na silang umuwi.

"Oo, di ka ba napagod?" Escarlet.

"Hindi. Eh ano namang nakakapagod dun?" Ako.

"Di ka kasi nakinig. Bukas na lang tayo maggala kapag andyan si Ace wala rin naman tayong pupuntahan eh,"

Nakasimangot akong umuwi sa bahay. Maghapon din naming hindi nakita si Ace dahil STEM naman yun at ABM kami, wala silang seminar.

Pagdating ko ay nahiga lang ako sa kama. Wala naman akong gagawin at wala naman akong naisip na gawin. Bumangon ako at una kong nakita ang cabinet ko na kalat kalat ang loob.

Aayusin ko na nga lang 'to.

Napangiwi ako habang tinitiklop ang mga damit ko. Cabinet ko ba talaga 'to o basurahan? Mukhang mga basahan sa gusot ang damit ko. Kaya naman pala galit na galit si mama kapag pumapasok dito sa kwarto ko. Kapag daw pinasok ng magnanakaw ang kwarto ko di ko daw malalaman kung may nawala o wala sa sobrang gulo.

Winalis ko na rin ang kwarto ko. Nilagay sa labahan ang mga nagamit na damit. Inayos ang kama ko at hinigian ko ulit tsaka ko ulit inayos. Kulang na lang plantsahin ko yung mga uniform kong naplantsa na ni mama.

Pagtingin ko sa orasan ay pasado ala syete na ng gabi. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at lumabas ako ng bahay. Kitang kita ko agad ang bituin kaya napangiti ako.

"Kapag andyan sya sa waiting shed ngayong oras iisipin ko talagang sya na ang binigay mo sakin," biro ko.

Marami naman kasing posibilidad eh. Malay mo jino-joke lang ako ng tadhana kagabi.

Mabilis akong naglakad papuntang waiting shed at pareho kaming napahinto ng makita ang isa't isa. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Seryoso ba 'to?

"B-bakit andito ka?" Tanong ko. Napaupo ako sa upuan kaya ginaya nya ako.

"Napadaan lang," saad nya.

Kinurot ko ang kamay ko dahil nanginginig ito. Ano bang problema ko? Nagkataon lang lahat para naman akong tanga kung mag assume ako.

Let's Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon