Chapter 17

1 1 0
                                    

Blaire's POV

"Baka nagka emergency?" Tanong ni Arlly habang busy sa pakikipagtalo sakin sa tetris battle.

Nasa computer shop kami malapit sa village namin kasama si John. Katulad ng dati wala nanaman syang imik habang nakasuot ng headphones. Si Jae naman kasama daw ng mama nya.

Sabado ngayon. Next week exam nanaman namin.

"Kapag magkasama kami laging may emergency?!" Inis kong tugon.

Si Akhiro ang pinag uusapan namin ngayon. Magkasama kasi kami kaninang at habang nasa gitna kami ng panunood ng sine bigla na lang syang nag excuse at hindi na bumalik.

Ang galing diba? Tinatawagan ko pero out of coverage ang number nya.

"Nagka emergency lang yun. Wag kang mag alala itatanong ko sa kanya mamaya." Arlly.

"May inaalam lang yun kaya yun ganun." Biglang singit ni John kaya namali ako ng lagay ng blocks sa tetris.

K.O ako. Kainis.

"Ano namang inaalam nya sige nga?" Tanong ko.

"Ano ba John. Malay mo may surpirse sayo! Lapit na kaya birthday mo. Ayyieee." Pang aasar nya.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Next year pa birthday ko tigilan mo ko." Sabi ko kaya bumalik sya sa paglalaro nya.

Hindi sya sumagot kaya nag next game ulit kami. Eto lang naman ang alam kong laruin sa facebook eh bukod sa friv and y8.

"K.O!!!" Sigaw ko.

Napasabunot sya sa sarili sya. Talo nanaman kasi sya.

"Money down!" Sabay lahad ko ng palad ko. Binigyan nya ako ng 100 pesos. May pustahan kasi kami at ako ang panalo.

"Next game! Gusto kong mabawi ang pera ko." Sabi nya.

"Baka manalo ka!" Sabay belat ko sa kanya.

Pinagtitinginan na kami ng ibang nasa computer shop at yung iba nagugulat pa kapag napapasigaw kami ni Arlly. Buti nga hindi kami napapagalitan eh.

"Pasalamat ka na lang wala akong girlfriend ngayon kung hindi, di ako tutupad sa usapan." Sabi nya.

Bigla kong nai pause ang laro.

"Hoy diba usapan na walang magp-pause satin!" Reklamo nya.

"Di nga? Wala ka talagang girlfriend ngayon?!" Di makapaniwala kong sabi.

"Wala nga! Tanong mo pa si John!"

"Naks! Apir!" Sabi ko sabay taas ng kamay ko. Napangiwi sya sa ginawa ko. Kinuha ko ang kamay nya at itinaas din yun sabay apir sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalaro.

"Buti tumigil ka na sa pangloloko." Sabi ko.

"Pahinga muna."

"Ikaw sobrang lakas mong manloko mukha ka namang lababo." Pang aasar ko. This time sya ang nag pause ng laro.

"'Tong mukha to?!" Itinuro nya ang mukha nya at pinanlakihan ako ng mata. "Seryoso ka?! Di ka ba marunong tumingin ng gwapo? Mas gwapo nga ako kay Akhiro eh." Sabi nya.

Hindi nya namalayan na tapos na ang oras ng pag pause nya kaya na-K.O ko nanaman sya. Pinasingkitan nya ako ng mata.

"Hindi na ako magpapaloko sayo." Saad nya pero binelatan ko lang sya.

Nagpatuloy pa rin kami sa paglalaro. Maya maya lang nagsalita si John kaya pareho kaming natigil.

"Papunta daw dito si Arllyx."

Let's Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon