Chapter 22

1 0 0
                                    

Blaire's POV

"Ready, my princess?"

Tumingin ako kay Akhiro ng bumukas ang pinto sa back seat. Ngumiti sakin ang Daddy nya at nginitian ako kaya ngumiti rin ako pabalik.

Inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko para alalayan ako pagbaba ng kotse kaya tinanggap ko naman iyon.

"Enjoy," pahabol na saad ng Daddy nya.

Nung sinundo nya ako sa bahay ay dumeretso kami sa bahay nila bago dito sa school. Ipinakilala nya ako sa parents nya. Nung una ayaw ko dahil binigla nya ako pero nung andun na kami at nagustuhan ako ng parents nya naging ayos na rin naman ang pakiramdam ko.

Valentines Party namin ngayon. Hindi ko alam kung andito na ba sila Cyrell kasi hindi ko naman sila natawagan kanina.

Nasa entrance pa lang kami ay rinig na rinig ko na ang napakalakas na tugtog. Malayo pa lang ay nakita ko na agad ang mga kaibigan ko na naka dress at tuxedo.

"Ganda natin ah?" Bati ni Jae. Samantalang napatingin naman sakin ang iba.

Agad humarang sa harapan ko si Akhiro. Problema nya?

"Bawal syang tingnan!" Akhiro. Pabiro ko syang hinampas sa likod kaya napa aray naman sya.

"Baliw 'to!" Natatawa kong sabi.

Wala upuan at pare pareho lang kaming nakatayo. Para kaming nasa bar. Hayst. Miss ko na mag-bar. Tagal tagal ko na ring hindi nakakapunta dun.

Simula ng maging kaibigan ko sila, nawala ang dating ako.

Nung mag sweet dance, syempre si Akhiro ang first dance ko. Para nga silang baliw dahil nang aasar pa rin sila hanggang ngayon. Nung nasa kalagitnaan na kami ng pagsayaw ay nagulat ako ng isayaw ni Lae si Cyrell. May ibang kaklase ako na sinayaw nila Arlly at Jae. Si John at Adam ayun, babantayan daw nila ang base para walang umagaw. Si Arllyx si Keira ang isinayaw. Si Jewel hindi rin sya nakipagsayaw sa iba. Si Escarlet nakita kong hinihila paalis sa table namin si Ace para isayaw sya.

Pareho kaming humahagalpak sa tawa habang pinagmamasdan ang mga kaibigan namin. Para silang mga baliw.

"Tara na?" Pag aya ko kay Akhiro na umalis na sa gitna. Medyo kanina pa kami sumasayaw eh.

Bumitaw na ako sa balikat nya at akmang aalis na ng pigilan nya ako. Tumingin ako sa mata nya habang inaantay syang magsalita. Parang may gusto syang sabihin sakin.

"Pwede ko bang isayaw si Sheena?"

"H-ha?"

"Tropa tropa lang. Naging kaibigan ko rin kasi yun eh," sabi nya.

Kahit naguguluhan ay unti unti akong tumango at pumagitna kay Adam at Arlly. Nakatulala lang ako kay Akhiro at Sheena na sumasayaw sa gitna ngayon.

"Bakit ka pumayag?" Seryosong tanong ni Adam.

Lumunok ako bago magsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. Magpasalamat dahil ako ng first dance nya?

"I... I dont know..." sabi ko.

"Gantihan mo! Kanina pa nakatingin sayo yung 4th year na manliligaw mo," sabi ni Arlly.

Tiningnan ko sya ng masama pero hindi sya natinag.

"Oh kaya isasayaw kita! Tara!" Arlly.

"Tigilan mo nga ko Arlly. Wag mo kong piliting magloko. Player ka pa lang coach na ako. Alam ko ibig mong sabihin, baliw ka ba?" Sabi ko.

"Weh? Sige ngaaa," pang aasar nya ulit.

"Baka nakakalimutan mo kung bakit ako nanuntok noon?" Paalala ko sa kanya.

Itinaas nya ang kamay nya na para bang sumusuko na at dali daling umalis sa katabi ko. Pag alis nya ay napahinga ako ng malalim.

"Mas maganda naman ako sa kanya diba?"

Tumitig sakin si Adam na para bang sinusuri ang mukha ko.

"Oo, syempre... mas maganda sya. Aray!" Hinampas ko sya sa balikat at sinamaan ko sya ng tingin.

"Adam naman eh!"

"Ayan ka nanaman sa insecurities mo eh. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Mag usap kayo pagkatapos nito." Sabi nya.

Pinanood ko lang hanggang matapos isayaw ni Akhiro si Sheena. Nagulat nga ako nung isayaw nya din si Jewel eh. Nung matapos sila ay nakangiti syang naglakad papunta sakin kaya ngumiti ako ng pilit.

"Sayaw tayo ulit?" Yaya nya.

"Ulit? Di ka ba napapagod?" Tanong ko.

Ngumiti lang sya at hinila ako papunta sa gitna.

"Huy tama na yan aba!" Biro ni Escarlet.

"Kotang kota na kayo oy!" Ace.

Napailing na lang ako habang tumatawa.

"Bakit mo ko niyaya dito ulit?"

"I want you to be my last dance for tonight,"

Kinilig ako sa sinabi nya. Sus bumabawi lang to kasi alam nyang nagtatampo ako.

Nagulat ako ng ilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. Anong... gagawin nya?

"Akin ka lang ha?" Bulong nya.

Tumitig ako sa mata nya at hindi nakapagsalita. Dahan dahan akong tumango dahil hindi ko alam ang dapat kong ireact. Ngumiti lang sya at niyaya na ako sa table namin para kumain.

Mabilis na lumipas ang araw. Namalayan na lang namin clearance na. Tuwang tuwa ang mga teacher sa pakikipag taguan at habulan para lang mahirapan kami sa pagkumpleto.

May iba na ang arte pa sa kulay ng ballpen na ipang pipirma nila. At dahil dakilang tamad ako, hindi ako nagclearance. Bayad naman ang tuition ko kaya sigurado akong sa pasukan Grade 10 na rin ako katulad ng mga kaibigan ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag enjoy ng summer ng magkita kita kaming magkakaibigan. Kahit si Akhiro sa tawag ko na lang nakakausap. Sa ibang lugar kasi kami nagbakasyon kaya hindi ako nakakauwi.

"Break na kayo?!" Naibuga ni Jae ang iniinom nyang mango shake kay Lae.

"Badtrip ka naman eh!" Lae.

Hindi ako umimik pa dahil busy ako sa pagnguya ng sandwhich ko.

"Bakit kapag magkakasama tayo laging heartbreak ang topic no?" Akhiro.

"Sino bang girlfriend mo?" Arlly.

"Yung ka blind date nya dati pa. Naging sila pala," Arllyx.

"Tsk. Tsk. Tsk." Sabi ko habang umiiling iling.

Napatingin ako kay Cyrell at kalmado lang ang itsura nya. Naks! Malapit na talagang matauhan ang gaga.

"Eto rin eh! Isa ring gaga to," sabat ni Ace at tinuro si Escarlet. Umirap naman ito sa kanya.

"Move on na oy! Summer na. Sundin nyo na lang lahat ng utos ng mga nanay nyo ewan ko lang kung di nyo  yan makalimutan," Adam.

Lahat kami ay napatingin kay Adam. Wow! *slow clap* naka move on na nga talaga sya.

"Proud ako sayo," John.

"Omg. Finally, naka move on ka rin," sabay punas ni Ace ng luha nyang invisible.

Nag smirk lang si Adam at uminom sa shake nya.

"Dahil summer mas masarap pumasok sa freezer kesa sa buhay ng ibang tao. Ang init kaya!" Arlly.

"Oh cheers!" Pahabol nya at inangat ang shake nya sa ere.

"Cheers for Grade 10!" Jae.

"Sana classmates na tayo!" Ace.

"Sana barkada pa rin tayo," John

Napangiti ako at saka sinabing, "Cheers!"

Malapit na kaming grumaduate. Sana hindi kami magkahiwa-hiwalay. Eto ang mundong gusto ko. Magulo pero kahit kailan hindi masisira....

Let's Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon