"Ate may small ba kayo nito?" Tanong ni Escarlet sa sales lady.
Nasa mall kami at naghahanap ng damit para sa Acquaintance party namin mamayang gabi. Ibinigay ng sales lady ang pang limang damit na hiningian ng size ni Escarlet. Samantalang kaming tatlo naman nakatayo sa harapan ng fitting room at inaantay syang lumabas.
"Kaya siguro fit yang si Escarlet kasi laging nasa fitting room," Saad ni Ace kaya agad ko syang sinaway pero kahit ako ay natawa rin.
"Hindi nya naman yan bibilhin," ani Cyrell.
"Hoy di ah! May nagustuhan na kong isa!" Pagtatanggol ni Escarlet sa sarili nya.
Maya maya lang lumabas sya na suot ang isang dress.
"Okay na yan teh," sabi ko sabay thumbs up para matapos na kasi kanina pa kami andito.
"Bagay sayo kaya bilhin mo na!" Cyrell.
"Gora na girl," Ace.
Hindi pa rin sya nakuntento kakasukat ng dami kaya kumuha pa sya ng iba.
"Nahiya ka pa ng very light kunin mo na kaya lahat?!" Asik ni Ace.
"Good idea badeng!" Saad nya at pumasok ulit sa fitting room kaya pare pareho kaming napabuntong hininga.
Matagal pa kaming nag antay at sa wakas natapos din sya. Sa dami ng sinukat nya dalawang damit lang naman ang binili nya.
"Tara kain tayo! Nakakagutom mag antay sa labas ng fitting room!" Cyrell.
"Hehehe, sorry guys. Nagtext yung boyfriend ko eh. Kakain daw kami," saad ni Escarlet at agad na pinara ang tricycle na dumaan.
Hindi kami nakaimik hanggang sa makalayo ang sinakyan nya.
"Kung magd-date lang rin naman pala sila bakit nagpasama pa sya satin bumili ng damit?!" Asik ni Ace.
Oo nga naman.
Kaya sa huli kaming tatlo lang ang kaumain. Alas dos na din ng hapon kaya siguro pagkatapos nito uwian na rin para makapag ayos kami agad para sa party mamayang gabi.
"Nagka boyfriend ka na ba?" Curious na tanong ni Ace sabay inom sa Milk tea nya.
"Bakit gusto mong maging boyfriend ko?" Asar ko kaya napangiwi sya sakin na para bang nandidiri kaya binato ko sya ng chips.
Umiling ako. "Nope. Never pa."
"Seriously?!" Cyrell.
"Yep. Pero may nakaka fling na ko pero walang feelings kaya walang nauuwi sa boyfriend," saad ko.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Dla nastolatków"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...