Chapter 48

10 0 0
                                    

Blaire's POV

"Huy," sinundot ni Earvin ang tagiliran ko pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Huy," ulit nya pero di ko sya inimikan.

"Hey," ulit nanaman nya.

Naramdaman kong umalis sya sa katabi ko kaya nilibot ko ang paningin ko sa buong library para hanapin sya pero hindi ko sya nakita. Nabagot na ata kakakulit sakin.

"And I also keep you in my heart because I love you. Blaire, papayag ka bang maging boyfriend ako?"

Tumigil ako sa pagsulat ng maalala ang sinabi nya sakin last week. Hindi ko sya sinagot at iniwan na lang sya basta. Masyadong unfair kung papayag ako sa alok nya. Sa tagal naming hindi nagkita at alam kong coincidence lang lahat ng 'to imposibleng hindi nagbago ang nararamdaman nya sakin.

Kinwento nya sakin na plano daw talaga nyang dito mag aral sa Canada kasama ang pamilya nya. Kaya pala pagkatapos ng graduation hindi ko na rin sya nakita at nawalan ako ng balita sa kanya. Nagtataka rin ako kung bakit halos sabay kaming nag enroll dito sa University kung matagal na sya dito.

Sinabi nyang nakita nya daw ako sa Park at hindi man lang daw sya nag alangan kung ako ba 'to o hindi.

"Hi, Ms. Are you with someone? Can I share a table with you?" Umangat ang tingin ko sa pamilyar na boses na nagsalita sa harapan ko. Nilapag nya ang makakapal na libro sa tapat ko.

"Ang daming bakanteng mesa, Earvin." Sabi ko.

Ngiting ngiti syang umupo sa tapat ko at nakapangalumbaba na nakatingin sakin. Sa loob ng isang linggong pag iwas ko sa kanya, lapit sya ng lapit sakin. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ko.

"Naalala ko 'nung bata pa ako..." umpisa nya. Inaantay kong ipagpapatuloy nya ang sasabihin nya kaya tiningnan ko sya.

"Ano?"

"Maliit pa ko 'nun kasi nga bata pa ako, Hahaha." Mahinang pagtawa nya dahil nasa library kami. Napailing na lang ako at niligpit ang gamit ko at saka sya iniwan.

Mahina nya pa kong tinawag pero napangisi na lang ako at hindi na lumingon pa. Mahilig kasi syang kumuha ng mga libro as props para makatambay sya doon. Kaya ayun, hindi nya tuloy maiwan ang mga kinuha nya para masundan ako.

Pagdating ko ng room ay umupo ako agad sa gitna. Ang dami na kasing nakaupo sa unahan kaya dito ko na lang naisipan sa gitna. Wala rin akong katabi.

Nagr-roll call na ang prof namin at hinanda ko na ang notes sa mesa ko. Hinalungkat ko kaloob looban ng bag ko ng di ko makita ang ballpen ko.

"Gosh. Naiwan ko ata sa library," saad ko.

Napatingin sakin ang mga nasa unahan ko dahil hindi siguro nila ako naintindihan o naweirduhan sila sakin.

"Oh," tumingin ako sa taong nagbigay sakin ng ballpen. Si Earvin. Seryoso ang mukhang nakatingin sa prof namin. "Nakalimutan mo sa library kanina." Kinuha ko ang ballpen.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

Pareho kami ng course pero magkaiba kami ng schedule kaya nakakapagtakang sumulpot nanaman sya sa katabi ko. Hindi nya pinansin ang tanong ko sa halip ay nakangiwing palipat lipat ang tingin sakin at sa notes na nasa mesa ko.

"Kelan ka pa naging competitive?" Earvin.Tiningnan ko sya ng nagtataka.

"Bakit? May problema ba na nag aaral ako?"

"Hindi naman. Di lang ako sanay," Sya. Titig na titig sya sakin kaya itinuon ko ang atensyon ko sa unahan.

"Nagm-move on ka ba talaga? Bakit walang kulay ang buhok mo? Wala ka ring nail polish katulad ng dati. Hindi ka rin maarte magsalita." Saad nya na hindi matanggal ang tingin sakin.

Let's Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon