Chapter 11

1 0 0
                                    

Blaire's POV

Pare pareho kaming nakapabilog at nagk-kwentuhan. Andito din sila Akhiro sa room dahil walang pumasok na teacher dahil may meeting daw. Si Jewel at ang kambal lang ang kulang sa grupo namin. Nagtatawanan sila at nagk-kwentuhan habang ako tahimik lang sa isang tabi at nakikinig.

Hindi ko rin alam kung bakit di ko kayang makipagsabayan ngayon sa kalokohan nila. Kahit ang presensya ni Akhiro hindi nakatulong sa pagbawas ng kalungkutan ko.

Ewan ko ba nagising na lang ako kanina na hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Yung pakiramdam na hindi ka malungkot pero hindi ka rin masaya. I just feel really empty kahit na noong mga nakaraang araw ay masaya naman ako.

Tumayo si Arlly mula sa pagkakaupo at lumabas ng pinto ng room pero maya maya lang ay bumalik din sya na may dalang bote.

"Truth or dare tayo!" Saad nya.

"Saliii!" Sabat ni Ellisse na kanina pa pala nanonood samin.

Nagsitanguan naman ang iba kaya pinaikot nya ang bote. Pagtigil ng bote ay sumakto ito kay Ace.

"Truth or dare?" Arlly.

"Truth."

"Sinong magta---"

"Ako magtatanong!!!" Excited na sigaw ni Escarlet habang tinataas taas pa ang kamay na para bang gusto nyang magrecite.

"Pag sa recitation ni hindi mo magawang tingnan ang teacher tapos pag dito ikaw pa ang nagb-volunteer." Biro ni Akhiro.

Tumikhim si Escarlet bago nagsalita.

"May pag asa bang manligaw ka ng babae?"

"Bakit gusto mong ligawan kita? Asa ka pa!" Nandidiring saad ni Ace.

Natawa ako sa sinabi nya. Gwapings naman talaga si Ace yun nga lang gwapo din ang gusto.

Pinaikot ulit ang bote at sakin ito tumama.

"Truth or dare?" Arlly.

Sasagot na sana ako ng biglang sumabat si Lae.

"Teka teka! Wag na tayong gumamit ng bote. Jack 'n poy na lang tayo. Girls Vs. Boys. Ang manalo mamimili kung truth or dare. Ano, game?" Lae.

"San ako belong?" Ace.

"4 vs. 4. Papanig ka sa dalawang grupo. Kaya kapag pinarusahan ang isa sa grupo kasali ka." Lae.

"Game!!" Sabay sabay na pag sang ayon si Escarlet at Ellisse samantalang nagkatinginan naman kami ni Cyrell.

Hindi ko alam kung magiging maganda to.

Nag jack n poy si Escarlet at Arlly. Halos gusto kong sabunutan si Escarlet ng matalo sya.

"Ano magd-dare ba tayo?" Tanong nya.

"Nooo, Truth!" Ellisse.

"Sige, truth daw kami." Ace.

"Ehem ehem. Sinong crush nyo sa grupo natin?" Ngiting ngiting tanong ni Arlly.

Nagkatinginan nanaman kami ni Cyrell. Patay na talaga.

"Sabihin nyo na. Wala namang malisya eh," Akhiro.

"Si Jae." Ellise.

"Si...." hindi tinutuloy ni Escarlet ang sasabihin nya. Masyado pa syang pabitin.

"Sino?!" Atat na saad ni Arlly.

"Sige na nga ikaw na lang masyado kang atat eh." Escarlet.

"Ikaw, Cyrell?" Lae.

Let's Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon