Blaire's POV
"Mam, pwedeng mag cr?" Sabi ko habang nakatayo at pilit pinipigilan ang ihi ko.
"No one is allowed to go outside during examination." Matigas na sabi ni Mam.
Mas lalo akong nagpaawa sa kanya pero hindi man lang sya natinag. Namimilipit na ko dito sa harapan nya kakapigil ng ihi ko pero wala man lang syang pakialam. Bumalik ako sa upuan ko at inaantay na matapos ang oras.
"Tiisin mo muna. 30 minutes na lang oh," nag aalang saad ni Cyrell.
"30 minutes?! Sa tingin mo hindi na ko naihi dito na hindi natatapos ang oras?!" Pabulong kong saad.
Kahit sa pagsagot sa exam ay hindi ko na naggawa pa. Pinagsisihan kong hindi nagbanyo kanina. Pano ba naman kasi? Dalawang linggo na ang nakalipas pero si Adam tanong pa rin ng tanong sakin tungkol dun sa chat ko.
Ang tanga na nya kapag hindi nya pa nahalatang may gusto ako sa kanya.
Tumingin ako sa orasan. 25 minutes na lang.
"Blaire..."
Inihagis sakin ni Earvin ang maliit na papel na may lamang sagot. Hindi ko yun kinuha at hinayaang magpagulong gulong sa sahig. Kapag umalis ako sa pwesto ko siguradong maiihi na ko dito.
"Kunin mo," walang boses nyang sabi. Halatang kabado sya dahil sulat nya ang makikita dun sa papel.
Bago pa man ni Mam makita ang papel ay mabilis ko itong kinuha sabay takbo palabas ng room at deretso sa CR.
Wala na akong pakialam. Alam kong pagkatapos nito sembreak na kaya next year ko na si Mam ulit makikita. Next year na lang ang sermon nya.
Nagbigay ng 15 minutes break time. Dumeretso kaming tatlo sa canteen dahil bawal dumaan sa hallway kapag nage exam. Makakaabala daw sa mga estudyanteng nagsasagot.
Sus! Baka maabala ang mga nanghihingi ng sagot.
"So, kamusta? Napagplanuhan mo na ba ang OPERATION: Agawin si Adam?" Bungad ni Escarlet pagkaupong pagkaupo nya sa harapan ko.
Umiling ako. Wala na kasi akong plano. First of all, ayokong masira ang pagkakaibigan namin at ayokong mareject.
"Thank you sa lahat ng tulong pero hindi ko talaga kaya." Saad ko.
"Kaya mo pero ayaw mong gawin. Yun, yun." Cyrell.
"Hindi ka na maghahabol?" Escarlet.
Umiling ako ulit.
She snapped her fingers. "Hindi ko magets yung ibang naghahabol. Bakit kaya hindi na lang sila sumakay, maabutan na malalampasan pa!" Escarlet.
Isinubo ni Cyrell ang fries sa bibig ni Escarlet para manahimik ito.
"Mas maganda kang kausap kapag nakainom ka kapag hindi naman puro walang kwenta pinagsasabi mo," Cyrell.
"Anong habol habol ang pinag uusapan nyo?" Biglang sumulpot si Ace sa harapan namin.
"Wala." Chorus naming sabi.
Tumingin sya saming tatlo at sinusuri kung wala lang ba talaga ang pinag uusapan namin.
"Sige na nga. Ako na lang ang maga adjust sa usapan nyo tutal ako naman yung maganda," sabi nito.
Pabiro syang dinaganan ni Escarlet at Cyrell kaya nangibabaw nanaman ang tawanan namin dito sa loob ng canteen.
Pagkauwian ay pare pareho kaming naglalakad. Hindi naman masyadong mainit kaya feel na feel namin ang paglalakad. Half day lang kami tuwing exam kaya napagdesisyunan namin na gumala ngayon.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...