Blaire's POV
"Para po!" Sigaw ko. Awtomatikong tumigil ang jeep sa tapat ng waiting shed dito sa village namin. Inabot ko ang bayad sa driver at bumaba.
Napatingin ako sa kulay puting waiting shed na wala ng vandal na nakasulat. Kapapalit lang ng pintura pero hindi na katulad ng dati na may mababasa kang malaking Let's Fall in Love na nakasulat. Umupo ako saglit at napatingin sa relo ko.
October 2, 2019
8:30 pmNaalala ko dati kapag umuupo ako dito, nagsusulat ako ng kwento pero ngayon nag aantay ako.
Halos isang taon na ang nakalipas pero araw araw akong nag antay. Dito mismo sa waiting shed na 'to, dito nya sinabing antayin ko sya. Wala kaming ibang connections basta ang pinanghahawakan ko lang ang mga sinabi nya at mga nakikita ko sa social media accounts nya.
2nd Year College na ako at kumuha ng Business Administration. Nag aaral na ko hindi katulad noong high school. Kahit nga sila mama nagtaka kung bakit mas lalo akong tumino ngayong pag-College ko. Si Cyrell, Escarlet, ang kambal, Lae, Akhi, Arllyx, Arlly at Adam pare pareho silang nag aral sa Maynila. Si Ace andito pa rin sya pero minsan na lang kami magkita. Minsan na lang din sila magkita kita dahil sa busy ang schedule nilang lahat.
Humangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili ko.
Maraming beses kong sinubukang sumuko. Maraming beses kong inisip na takbuhan na lang at wag ng mag antay. Pero kapag naaalala ko na babalik sya nawawala ang pagod ko. Excited na kong dumating yung araw na ako naman ang pipiliin nya. I know one day, meeting him won’t only happen in my dreams.
Napahinga ako ng malalim.
Kailan ka ba babalik Adam? Ilang kwento na ang gusto kong ikwento sayo. Simula ng pumasok ako sa College at wala akong ibang kaibigan. Nasanay kasi ako na kayo ang kasama ko. 'Nung may nanligaw sakin pero sinabi kong boyfriend kita kasi babalik ka naman diba? At kapag bumalik ka magiging tayo na. Adam pagod na ko, gusto kong tumakbo pero hindi naman ako lalayo baka bumalik ka kasi at hindi mo ko maabutan. Aantayin kita at kung sakaling mapagod man ako babalikan ko ulit ang araw na sinabi mong babalik ka at mag aantay pa rin ako.
Napapitlag ako ng tumunog ng malakas ang cellphone na nasa bulsa ko. Dali dali ko itong kinuha dahil baka si Adam ang tumatawag pero ng tingnan ko si Cyrell pala.
"Bakit?" Bungad ko.
"Huhulaan ko kung asan ka." Cyrell.
"Asan ako?"
"Nasa waiting shed ka nanaman. Di ka ba napapagod? Overwait ka ng masyado! Sa tuwing tumatawag ako andyan ka palagi!" Sermon nya sakin.
"Bakit ka ba kasi tumawag, Ma?" Biro ko.
"Ma ka dyan! Wala nangamgamusta lang..."
"Nangangamusta eh gabi gabi ka tumatawag! Daig mo pa boyfriend ko!"
"Wala ka 'nun!"
"Oo, hindi pa dumadating." Hindi nya ko nakikita pero nakangiti ako. Tumahimik ang kabilang linya.
"Ba-bye na." Ako.
"Blaire..."
"Bakit?" Tumayo na ako nagsimulang maglakad pauwi.
"Your long wait is over..." saad nya kaya napatigil ako sa paglakad sa gitna mismo ng daan.
~
Pabalik balik ang tingin ko sa orasan at sa prof namin na nagd-discuss sa unahan.
"Bakit ba atat na atat kang makauwi?" Tanong sakin ng kaklase ko, si Erla.
"Dadating kasi yung boyfriend ko mamaya kaya mag aayos pa ko." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...