Chapter 13

1 0 0
                                    

3rd Person's POV

Matalim na nakatingin si Cyrell kay Lae. Nasa ikalawang row ito ng room at kitang kita nya na hindi ito nakikinig at panay lang ang cellphone na may pangiti ngiti pa.

Sa inis halos gusto nyang isumbong ito sa guro na nagtuturo sa unahan. Napangisi sya ng maglakad patungo kay Lae ang guro.

Yess!! Macollect sana phone mo!

Pero ang iniisip nya ay hindi nangyari. Mabilis na naitago ni Lae ang cellphone nya ng tumapat sa pwesto nya ang guro. Nagtaka si Cyrell ng pasimpleng tumayo si Lae at tumabi sa kanya. Napataas tuloy sya ng kilay.

"Ba't andito ka?"

"Bigla na lang sumusulpot si Mam eh." Rason nito at bumalik sa dati nyang ginagawa.

Padabog syang tumayo kaya napansin agad sya ng guro na nagulat sa ginawa nya.

"Where are you going Ms. Cyrell?" Inis na tanong ng guro.

Napangiti naman ng inosente si Cyrell.

Sorry na. Nadala sa damdamin.

"Hehehe, cr po."

Napairap si Cyrell ng lumabas sya ng classroom at dumeretso sa open field kung saan nagp-PE ang ibang section.

Dere deretso sa paglalakad dahil malayo pa lang ay kita na nya sila Arlly na nakasilong sa ilalim ng puno habang ang mga babae naman ay nagv-volleyball. Napatigil sya sa paglalakad ng makarinig sya ng malakas na buntong hininga.

"Bakit andito ka? Wala kayong teacher?" Tanong nya kay Escarlet.

Hindi sya nito nilingan at nanatiling nakatingin mula sa malayo.

"Dahil mas masarap magpahangin kesa magpakatanga."

"Break na kayo?!"

Tumango tango si Escarlet. Pareho silang napabuntong hininga. Pareho pa silang nasasaktan ngayon.

"It's okay we're here," sabay tap nito sa balikat ng kaibigan.

"Eh ikaw ba't ka andito?" Tanong naman ni Escarlet kay Cyrell.

"Kasi mas masarap magpahangin kesa magpakatanga," panggagaya nito sa sinabi ni Escarlet.

Wala ng umimik sa kanila at pinanood na lang si Blaire sa paglalaro.

~

Blaire's POV

Napapikit ako habang inaantay ang pagtira ni Jewel sa bola sa kabilang team. Kinakabahan ako dahil hindi naman ako marunong maglaro. Pag serve nya ay kasabay ng paglunok ko ang pagtira ko sa bola. Ngiting ngiti ako ng walang naka tira nito pabalik.

"Crush ko yan!!"

Awtomatiko akong napatingin sa mga kaibigan ko ng makita ko dun si Akhiro na sumigaw. Nang asar naman sila agad kaya hindi ko maitago ang ngiti ko. September na ngayon. Ang bilis lang.

"Di naman namin aagawin eh!" Pang aasar ni Jae.

Simula ng mamatay mamatay si Tito ay halos hindi pumapasok si Jae at John. Lahat kami ay pinupuntahan pa sila sa bahay nila para lang pumasok. At di nga nagtagal, ayun naging okay din sila. Nang aasar na nga rin eh.

Si Jewel at Adam naman nagkabalikan na rin. Bumalik ang dating saya ni Adam simula ng mangyari yun. At ako? Ayun, malapit ng sagutin si Akhiro. Sinabi ni Mam na time out na dahil time na kaya lumapit ako agad kila Akhiro. Binigyan nya naman agad ako ng panyo.

"Sweet!" Arllyx.

Binelatan sya ni Akhiro kaya natawa ako. Papunta kaming canteen ng makita namin si Cyrell at Escarlet na parehong nakatulala sa loob ng canteen. Kanina lang nakita ko sila sa ilalim ng puno eh.

Let's Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon