Blaire's POV
"Nakakainis wala man lang nagbigay ng bulaklak sakin kahapon!"
Natawa ako ng marinig ang reklamo ni Escarlet. Nasa ilalim kami ng puno dito sa open field. Valentines day kahapon kaya todo reklamo sya.
"Parang hindi ka naman sanay," biro ko kaya sumimangot lang sya.
Valentines kahapon pero tulog lang ako maghapon. Ayoko ngang pumasok maiinggit lang ako sa mga kaklase ko nyan eh.
"Bili kayo ng ticket," alok ni Jae samin.
"For what?" Cyrell.
"Battle of the bands bukas ng gabi,"
"Magkano?" Ace.
"30 isa pero kapag dalawa binili mo 60 na lang," pangs-sales talk nya.
"Tara bili tayo!" Escarlet.
Napailing ako ng maniwala si Escarlet habang si Cyrell at Ace naman napa-seriously-Escarlet-Look na lang sila.
"Sino namang kakanta dyan?" Tanong ko.
"Banda nila Arllyx," Jae.
"May banda sila?"
Tumango sya. "Oo, drummer sya kaya dali na. Bili na."
Kumuha kami ng tig iisang ticket para mamaya. Alam kong nagm-move on ako pero ngayon ko lang nalaman na may banda pala sila.
Pag uwi ko sa bahay ay umupo ako agad sa study table ko at tinapos ang story na ginawa ko. Katulad ng kay Akhiro ginawa ko ring Happy ending yun rin kasi ang wala kaming dalawa.
"Blaire anak?"
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng kumatok doon si Papa.
"Bakit po?" Tanong ko pagbukas ko ng pinto.
"Bilhan mo ng pagkain sa 7/11 'tong bisita ko." Saad ni Papa.
Kinuha ko ang 300 daan na binigay nya at bumaba kaagad para mabilhan sila ng pagkain. Mabilis akong utusan kapag may involve na pera sakin na rin kasi ang sukli.
Paglapag ko sa cashier ng binili ko ay napa what the hell look na lang ako ng kulang ang binigay ni Papa. Marahas akong napakamot dahil akala ko may kupit ako pero mag aabono pa pala ako.
Dala ang dalawang paper bag da magkabilang kamay ay naglakad ako pabalik. Awtomatiko akong tumigil sa paglalakad ng makita ko si Arllyx kasama si Kiera sa waiting shed.
"Arllyx don't kapag nahuli tayo mapapagalitan tayo nyan eh," saad ni Kiera habang pinipigilan si Arllyx na sulatan ng spray paint ang vandal sa pader. Yun pa ang nilagay doon ni Akhiro.
"Wala namang makakaalam na ako naglagay nito eh," Arllyx na walang balak magpapigil kay Kiera.
"Arllyx stop." Seryosong saad nito pero hindi tumigil si Arllyx.
Sinulat nya ulit ang salitang Let's fall in love na medyo nagp-fade na.
"Don't worry. Si Arlly ang mapagbibintangan na naglagay nito dito. Dati na kayang nahuli yun,"
"Look," sabay turo nito sa ATD sa baba ng let's fall in love.
"Hindi lang naman ako ang ATD samin," sabi nya at sinulat ulit ito.
Nakayuko ako habang pasimpleng dumaan sa may gilid nila pero tinawag ako ng bruha.
"Blaire!" Kiera.
Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Pagsabihan mo nga 'tong kaibigan mo. Ang kulit eh baka mapagalitan kami,"
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...