Blaire's POV
Habang nagt-take kami ng exam ay rinig na rinig sa apat na sulok ng room ang kantang Without You ni Aj Rafael. Pumayag yung teacher namin na magpatugtog habang nage-exam para din daw hindi kami mapresurre... sa pangongopya.
Isang hakbang lang ang pagitan namin ni Arllyx at Adam. Nasa gitna nila ako at inaantay lang namin ni Arllyx si Adam sa pagcompute. Matalino sya sa math eh.
Ang mga flying answers at Bluetooth answers na kanina pa nangangalat sa room ay hindi man lang napapansin ni Mam. Mga ninja kami eh.
Habang nag aantay ng sagot ay binasa ko ang math question. Seryoso? Si Mam ba ang laging absent o ako? Hindi ko to alam eh.
Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin kay Adam at inaantay syang magbigay ng sagot. Ang tagal nya namang magsolve.
"Troy... magi- engineer ka ba?" Tanong ko.
Hindi man lang sya tumingin sakin kahit tinawag ko na sya sa pangalawa nyang pangalan.
"Bakit?"
"Ang galing mo sa math eh," sabi ko at napa ayos ako ng upo ng lumapit ang upuan ni Arllyx sakin. May dala syang maliit na papel na may solution.
"Tama yan?" Tanong ko dahil nagsisimula nya nang kopyahin ang sagot.
"Mangongopya ka na lang magtatanong ka pa." Arllyx.
"Huy ano yan?" Bulong ni Adam sa kaliwa ko.
"Sagot daw." Walang lingon lingon kong sabi at kinopya na ang nasa kodigo.
"Sigurado kayo dyan? Iba yung sagot ko eh," sabi nya. Nakita nya pala ang sagot.
Nagkibit balikat ako at hindi na sya pinansin. Malapit na kasing mag time kaya kung ano ang andyan yun na ang nilagay ko.
"Last 2 minutes," tugon ni Mam. Isang problem na lang ang kulang ko kaya dahil ayaw kong maperfect pinagtripan ko na lang ang sagot ko.
"Mam, hindi nyo po tinuro 'to "
~
3rd Person's POV
Uwian na. Nagkanya kanyang uwi na ang iba ngunit naiwan si Jewel at Adam sa loob ng classroom.
Wala pang sinasabi si Jewel pero alam na ni Adam kung san pupunta ang usapan nila. Sumandal sya sa pader at inaantay ang sasabihin ng kasintahan na ngayon ay nakayuko at hindi makatingin sa kanya.
"Ayoko na, Adam. Totoo na to." Sambit ng dalaga.
Kahit pala mahal nyo ang isa't isa kung hindi kayo, hindi kayo. O baka sya lang ang nagmamahal kaya sya lang ang nasasaktan.
"Alam mo hindi naman tayo imposible eh, takot ka lang." Saad ni Adam habang nakatingin pa rin sa dalaga.
Umiling iling si Jewel. "H-hindi si Papa ang dahilan nito..."
Kahit masakit sa wakas ay narinig din ni Adam ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila.
"Minahal.... minahal mo ba ko?" Nag aalinlangangang tanong ng binata.
O baka sya lang ang nag iisip, nakakaramdam at nasasaktan.
Sa ngayon, tumingin si Jewel na may luhang tumutulo sa mga mata nya. Unti unti itong tumango kaya napangiti ng tipid ang binata.
"Lahat ng sinabi ko sayo. Totoo yun, Adam."
"Totoo pala yung fall out 'no?" Natatawang saad ni Adam.
"Sana sinabi mo na lang na hindi mo na ko mahal, kaya ko naman magparaya eh. Kaya kitang palayain. Pero kasi sabi mo mahal mo ko, kaya lumaban ako. Umasa ako." Patuloy nito. Tumingala sya upang wag matuloy ang nagbabadyang luha sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...