Blaire's POV
"Aba aba! Perfect attendance ka ngayong linggo ah?" Hindi makapaniwalang sabi ng President namin na nagc-check ng attendance.
Ngumisi lang ako at nag flip hair. Syempre, may dahilan na kaya araw araw akong pumapasok. Hindi pa naman ako masyadong umaasa, konti pa lang para kapag hindi naman pala nya ko gusto edi hindi masyadong masakit, diba?
"Alam ko kung bakit palagi kang pumapasok!" Sulpot ni Earvin sa harapan ko.
Tinaasan ko sya ng kilay at nag crossed arms.
"Sige nga, bakit?"
"Para makita ako!" Sabay kindat kaya inambahan ko sya ng suntok.
"Oh si Adam!" Napatingin ako sa tinuro nya. Napangiti ako ng palihim ng makitang para syang may hinanap dito sa room habang naglalakad.
Sino pa bang hinahanap nya? Edi ako!
"Bro!" Tumayo si Earvin sa kinauupuan nya at inakbayan si Adam. Sa CR siguro punta nila.
"Akala ko di ka papasok," bungad ni Cyrell sakin pagpasok nya.
"Alam nyo napaka judgemental nyo! Kapag friday kailangan absent ako?" Ako.
"Hindi naman, Hehehehe."
Pumasok na yung Teacher namin sa Philosophy kaya nagsiayos na kami ng upo. Katulad ng dati, titingin lang ako sa labas ng bintana para hindi ako antukin sa lesson. Mas okay na ang hindi nakikinig kesa naman harap harapan kang natutulog, katulad ni Earvin.
For some reason, naalala ko ang panaginip ko kay Akhiro 'nung araw na nagka gusto ako sa kanya. May chinito kaming nakita at ngayon ko lang naisip na si Adam ang hinanap ko sa panaginip kong yun. Posible kayang may gusto na ko 'nun kay Adam?
"Gusto mo?" Kinuha ko ang chocolate na binigay sakin ni Cyrell.
"San galing 'to?" Tanong ko sa kanya habang kumakain.
"Sa bag nya," sabay turo sa bag ni Earvin na nakabukas. Binuksan nya rin ang chocolate na nakuha nya sa bag.
"May bottle ka ba?" Tanong ko ng bigla akong mauhaw. Binigay nya sakin ang bottle na walang laman. Bigla tuloy akong napangiti ng maalalang dadaan muna ako sa room nila Adam bago bumaba.
Tumayo na ako at napatingin din ako kay Cyrell ng tumayo din sya.
"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Sasamahan kang kumuha ng tubig,"
"Wag na. Ako na lang, kaya ko na."
"Sure ka?" Nag aalangan nyang tanong kaya tumango tango ako at lumabas na ng room.
~
"Guys, samahan nyo ko pag exam next week," saad ko habang binibigyan sila isa isa ng form.
Next week na kasi ang entrance exam sa school na papasukan ko dito lang din sa probinsya namin. Binigyan ko rin sila para may kasabay ako.
"Sure ka bang dito ka talaga mag aaral?" Escarlet at tumango lang ako.
Dumami ang tao dito sa canteen kaya medyo lumakas ang ingay.
"Andyan na sila," Ace.
Napatingin ako sa tiningnan nila. Yung mga dating transferee na gwapo na sure akong crush na crush nilang tatlo.
"Ang gwapo nya talaga. May girlfriend kaya yun?" Escarlet.
Nagtatawa lang ako habang kilig na kilig sila sa mga crush nila.
"Gabi gabi na lang akong di nakakatulog.." saad ko.
Nagdecide na ako na sabihin sa kanila ang feelings ko kay Adam. Baka magtampo nanaman ang mga to eh.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...