Blaire's POV
"Hala? Baka hindi sya maka graduate dahil sa hair color nya,"
"Isang buwan na lang eh. Di nya pa inantay ang bakasyon para sa kaartehan nya,"
"Wag ka ngang maingay baka mamaya masuntok tayo nyan eh,"
Napangisi ako ng marinig ang kaliwa't kanan na komento sakin. Nginguya ko ang bubble gum habang naglalakad sa gitna ng hallway. Lahat sila napapalingon sakin sa pagdaan ko.
"Ms. Cruz, proceed to my office. Now." Matigas na saad ng adviser ko.
Tumingin ako sa loob ng classroom at nakita ang pag aalala sa mukha ni Cyrell.
"You know you are not allowed to dye your hair like that, remember? Lalo na yang kuko mo! Alam na alam mo na bawal ang nail polish and lipstick dito."
Nakahalukipkip lang ako habang bored na nakatingin sa kanya.
"Then why are you using matte lipstick right now?" Sagot ko.
Napapikit sa inis ang teacher ko. "What is happening to you?"
"Nothing. I just feel like dyeing my hair like this, blonde." Saad ko.
"Kung ayaw mong mahirapan sa clearance, ibalik mo sa dati ang kulay ng buhok mo." Matigas nyang saad at pinalabas na ako.
Paglabas ko ay lahat sila naka abang sakin kung anong nangyari. Tinaasan ko lang silang lahat ng kilay dahil hindi nangyari ang suspension na inaasam nila. Pagdating ko sa classroom, nagl-lesson na.
"Dahil month of love ngayon, I will ask you random questions." Mam.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nakahalukipkip.
"Mam nasa exam ba yan?" Tanong ni Ivory.
"Wala. Tapos na ang lesson ko kaya magtatanungan na lang tayo." Mam. "Common question, What is love?"
Napairap ako sa tanong ni Mam. Wala na bang bago kapag valentines? Puro na lang what is love.
"Love is a choice." Earvin.
Minsan bilib din ako dito kay Earvin eh. Madalas kasi pareho kami mag isip.
"Pero di nya ako choice," Singit ni Cyrell.
"Choice nya yun." Earvin.
Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Earvin. Dadalhin at ililipad ka sa rurok ng pag ibig at pag asa, pagkatapos 'nun babye na. Tapos hindi ka pa rin choice, pero choice nyang paasahin ka.
Kung ano ano pa ang pinag usapan nila hanggang sa umalis na lang si Mam. 10 minutes bago sya magtime ay umalis na sya kaya nagkaron kami ng vacant.
"Alam nyo ba kung bakit maraming bitter kapag valentines?" Tanong ni Earvin sa buong klase.
"Bakit?" Sagot ng isa naming kaklase.
"Kasi maraming nagmamahal ng di tapos." Saad nito.
Naramdaman kong tumabi sakin si Cyrell at sinundot ang tagiliran ko.
"Anong nangyari? Bakit ganyan ang kulay ng buhok mo? Para ba bagay sa outfit mo sa party bukas ng gabi?" Tanong nya.
Tinutukoy nya ang Prom bukas ng gabi.
"What? Diba ito naman talaga ako? I just kinda miss myself the way I used to be." Sagot ko at natulala sya bigla sakin.
"Guys!! Wala daw si Mam!" Sigaw ng kaklase ko. Nagsitayuan ang mga ito para lumabas ng classroom pero kami ni Cyrell nanatili lang nakaupo. Maya maya lang pumasok si Escarlet.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teenfikce"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...