Chapter 3

3 1 0
                                    

Dahan dahan akong pumasok sa pintuan ng classroom. 1 hour and 30 minutes na kong late. Nakayuko akong naglalakad para hindi mahalata ng teacher na ngayon ay busy sa pagl-laptop nya sa unahan.


"Blaire, ba't ka late?" Nangibabaw ang tanong ni Arlly sa buong room.



Napatingin sakin lahat ng kaklase ko pati na rin si Mam. Tiningnan ko sila ng masama na ngayon ay nagtatawanan sa dulo. Pwera na lang kay Jewel na kasama ang ibang group of friends nya.


"Hehehe, Good morning Mam!" Bati ko.


"Next time na malate ka di ka na makakapasok," banta nya kaya tumango na lang ako.



Hahampasin ko sana sya ng bag pero agad syang umilag.


"Pahamak ka bwisit ka!" Sabi ko.


Umupo ako sa katabi ni Adam dahil yun lang ang walang nakaupo. Kahit kasi may seating arrangement kami dito sa room kami pa din ang nasusunod kung san uupo lalo na kapag nag iba na ng subject teacher.

"Ba't hindi sayo tumabi si Jewel?" Tanong ko kay Adam.


Nagkibit balikat lang sya. Isang linggo na kaming may pasok at kahit kailan hindi ko nakitang tumabi si Jewel sa kanya kahit dito sya sa inuupuan ko mismo naka assign. Hindi lang kasi kami ang kaibigan nya. May isa pa syang group of friends na pwede nating sabihing original nyang mga kaibigan. Isang linggo na kaming puro vacant dahil wala pang nagtuturo. At sa isang araw may Acquaintance party kami. Hindi ko to naabutan last year kaya excited ako ngayon. Nilibot ko ang paningin ko sa buong room. May mga kaklase ako na hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala.



"Adam, attendance oh," sabi ng babaeng nakasalamin sabay abot kay Adam ng isang sheet ng papel.

Kinuha naman agad ito ni Adam. Tiningnan ko yung babae sure akong kaklase ko to last year eh. Hindi pa rin sya umaalis at nakatingin lang sya sa pagsulat ni Adam sa papel. Pagkatapos nyang magsulat binigay nya sakin agad.



"Nakatingin ba si Jewel?" Tanong ni Adam na ipinagtaka ko kaya napatingin ako kay Jewel na ngayon ay nakatingin samin --- or sa kanilang dalawa.


"Oo,"



Naweirduhan ako sa kanya ng bigla syang ngumiti. Naks! Pinagseselos ang girlfriend.


Nagsulat ako ng pangalan ko at binigay sa kanya ang papel.


"Hoy kwento! Sino yun?" Tanong ko.


"Di mo kilala?!" Gulat nyang tanong kaya napailing iling ako.



"Seryoso?! Kaklase naten sya last year!"



Let's Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon