Blaire's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula ng magpasukan. Maraming mga dating mukha pero mas marami ang mga bago. May ibang transferee na naging kaklase ko daw noon. Hindi ko naman sila tanda kaya kapag kinakausap nila ako ngumingiti na lang ako. Ang laki nga daw ng pinagbago ko eh.
Kami ang first batch ng Senior High school. Si Cyrell, Escarlet, Jewel at Ako ay Accounting Business Management ang kinuha. Dalawa lang ang section ng strand namin; section A, Si Escarlet at Ako, B Escarlet at Jewel. Samantalang si Adam, Akhiro, Arllyx, Lae, Ace, Arlly ay Science Technology Engineering and Mathematics ang kinuha. Tatlo ang section nila; A1- Adam, Arllyx at Ace, B2- Akhiro , C- Arlly. Ang kambal naman Humanities and Social sciences ang kinuha.
Mas lalo kaming nagkahiwa hiwalay lahat. Mas lalong nawalan ng oras sa isa't isa. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan sila Adam kaya si Ace, Escarlet, Cyrell at ako na lang lagi ang palaging magkasama.
Math subject kami ngayong umaga. Almusal namin puro numero at letrang pinagsasama at pilit hinahanapan ng sagot. Ang tagal tagal na pero hanggang ngayon hinahanap pa rin ang 'x'
Patingin tingin ako sa labas dahil wala pa rin si Escarlet hanggang ngayon. 7:30 na, madalas naman yung mauna sakin. Pasimple akong lumabas ng room at pumunta ng canteen. Sigurado akong andito sila. At hindi nga ako nagkamali. Nagbubulungan silang tatlo na parang ayaw may makarinig ng pinag uusapan nila.
"Break na sila..."
Pagkarating ako ay saka naman natapos ang kwento ni Ace. Napaisip tuloy ako na kung sino ang pwedeng makipag break sa grupo namin. Eh halos lahat wala namang boyfriend or girlfriend.
"Sinong nakipag break?" Tanong ko.
"Si Arllyx..." Cyrell.
Nagaalangan pa syang sabihin sakin kaya nginitian ko sya. Sa 100 percent na pagm-move on ko siguro 98 sure akong move on na ako at ang natitirang 2 percent malapit ng matapos.
"Hindi naman sila ah?" Ako.
"Kahit na! Sa tagal nyang nanliligaw ngayon pa nagka problema," Escarlet.
"Ano bang nangyari?" Ako.
"Hindi mo alam? Sayo nga kami kukuha ng info kasi akala namin alam mo. Wala ba syang sinabi sayo?" Ace.
Umiling ako. Hindi na kami nakapag usap ulit simula nung graduation.
"Si new bestfriend inaagaw si Arllyx," Ace.
"Si Ivory?" Kunot noo kong tanong. "Sure ba kayo?"
"Hindi pa. Nag aantay lang kami ng tsismis," Cyrell.
"Naniniwala ako na maghihiwalay sila!" Determinadong saad ni Escarlet kaya binatukan ko sya.
"Ang bitter mo bakla, porke't dati mong crush si Arllyx," Ace.
"Oy hindi ah! Noon pa lang alam kong magsasawa rin si Arllyx sa panunuyo sa pakipot na yun! Buti nga nagtransfer na eh," Escarlet.
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Hindi na dito nag aral ng senior high school si Kiera. Lumipat na sya kaya siguro mas lalo silang nagkalabuan.
Love is a choice nga naman. Kahit effort ka ng effort kapag hindi ka talaga nya gusto wala rin. Lahat ng pinagpaguran mo mauuwi sa wala.
"Never say never and never say forever! Di pa man lang sila nag hiwalay na. Tsk. Tsk. Mahirap talaga mag antay, ako nga di ko naantay si Lae kahit sinabi ko noong aantayin kong mahalin nya din ako." Cyrell.
"Eh kasi may reserba ka namang gaga ka kaya naka move on ka agad," pangbabara sa kanya ni Ace kaya napailing ako.
"Ang hirap talagang magmahal. Kahit gaano ka katalino magiging tanga ka," Nakatingin lang sya sa open field habang malungkot ang boses nya.
"Wag kang magdrama dyan. Hindi ka matalino," Ace.
"Pano naman kapag tanga ka talaga tapos nagmahal ka pa? Anong tawag dun?" Cyrell.
"Ultra megang katangahan, girl! Di ka pa nakuntento sa katangahan mo dinagdagan mo pa," Ace.
Napapailing na lang ako habang natatawa sa mga palitan nila ng salita.
Kinabukasan, katulad ng dati late nanaman ako. Kapag martes, PE ang first subject namin kaya naabutan ko ang mga kaklase ko nasa gitna ng open field habang naglalaro.
Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno habang pinapanood ko silang naglalaro. Si Escarlet sumali sa kanila kasi naiinip daw sya kapag wala syang ginagawa.
"Di ka talaga mahilig sa sports no?" Natatawang tanong sakin ni Arlly sabay upo sa katabi ko.
"Ang hilig mo din talagang mag cutting no?" Biro ko.
Tumingin ako sa 3rd floor ng Senior High Building at nakita ko ang mga kaklase nyang pinapanood ang mga naglalaro. Wala pala silang teacher.
"Ryan, handa akong isolve ang pinakamahirap na problem sa math makuha ko lang ang number mo,"
Mula sa kinauupuan namin ay pareho kaming napahagalpak ng tawa ni Arlly ng bumanat nanaman si Escarlet sa kaklase naming si Ryan. Ang gwapo kasi nito kaya maraming nagkaka-crush.
"Kamusta? Naka move on na?" Tanong nya.
Ngumiti ako. "Malapit na malapit na. 98 percent na lang,"
Tumawa sya kasi akala nya siguro nagbibiro ako.
Bumuntong hininga sya. "Hay. Ang bilis ng panahon,"
"Hmm..."
"Naalala ko dati transferee ka lang at akala namin hindi ka tatagal pero tingnan mo nga naman! Nakaabot ka hanggang ngayon," Arlly.
"Naalala ko din dati maloko ka sa babae. Tingnan mo nga naman! Tumino ka?" Ako.
Natawa sya. "Sana naman matapos ang dalawang taon natin sa senior high school na hindi ka mainlove. Ang tagal mong maka move on,"
Ako naman ang natawa. Oo nga naman.
Nanahimik kami pareho ng makita namin si Arllyx kasama si Ivory na papuntang canteen.
"Pano mo malalaman na mahal mo na?" Tanong ko kay Arlly.
"Ang common mo naman," natatawa nyang tanong kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Ehem... Malalaman mo lang na mahal mo ang isang tao kapag kaya mo syang makitang masaya na hindi ikaw ang kasama nya." Tumingin sya sakin.
"Ano mahal mo na?"
Tumango ako at ang 98% na pagm-move on ko ay parang nag pending bigla.
"Wag kang mag focus sa isang tao, Blaire. Tumingin ka sa paligid. Baka may isang taong nag aantay sayo,"
"Blaire! Time na!" Sigaw ni Escarlet.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis na hindi man lang nagpapaalam sa kanya.
Makalipas ang dalawang araw pagkatapos ng pag uusap naming yun, hindi na sya pumasok ulit.
Pagbaba ko ng jeep ay saglit akong napatitig sa malaking vandal ng Let's Fall inlove sa waiting shed. Matagal na simula ng isulat ulit ito dito ni Arllyx.
Kinuha ko ang cellphone ko ng magvibrate ito. Si Arllyx tumatawag. Imbes na sagutin ay pinatay ko ang cellphone ko at saka umuwi sa bahay.
Ayoko ng magulo ang isip ko. Ayoko ng mas mabasag pa ako.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...