Blaire's POV
"Adam Troy pakopyaaaa, hihi." Hindi pa sya pumapayag ay kinuha ko na ang papel nya.
Dali dali namang tumabi sakin si Arlly at Arllyx para kumopya rin. Si Jae naman kanina pa tapos kumopya kay Adam. 2 weeks na ang nakalipas simula ng birthday ko at bati na kami.
"Alisin mo kamay mo di ko makita," sambit ni Arlly kaya binigay ko na ang papel sa kanya ni Adam at pinasa na ang papel ko dahil tapos na akong kumopya.
"Hoy wag mong solohin!" Sabay agaw sa kanya ni Arllyx ng papel.
Umupo ako kaagad sa katabi ni Adam pagbalik ko. Absent nanaman si Jewel kaya ako ang tumabi sa kanya.
"May calculator ka naman bakit di ka magcompute?" Tanong sakin ni Adam. Umaga kasi ang schedule ng math namin ngayon.
"Adam, may calcu o wala di ko masasagutan yun. Di ako marunong!" Sabi ko at sinandal ang ulo ko sa mesa.
Nakakaantok sobra!
"Bye, class!" Rinig kong paalam ni Mam pagkatapos nyang kunin ang quiz namin.
Nag alisan ang mga kaklase ko dahil wala raw ang next subject namin. Naramdaman ko rin na nagrereklamo na ang tiyan ko.
Iniingat ko ang ulo ko at hinanap sila Arlly pero palabas na sila ng pinto.
"Adam, tara samahan mo ko sa canteen,"
Tumayo ako at kinuha ang pera sa bag ko. Katulad ko kanina nakahiga lang ang ulo nya sa mesa. Hindi man lang sya tumingin sakin.
"Eh sasamahan ko gf ko eh," sabi nya.
Napa face palm ako. Tsk. Tsk. Malala na talaga ang kaibigan ko.
"Gags! Wala ka nun," singhal ko.
Tumayo sya sa upuan nya at mas nauna pang lumabas sakin sa pinto.
"Ay oo nga pala buti pinaalala mo,"
Natawa ako at tinulak ang likod nya para bilisan nya ang paglalakad. Gutom na talaga akoooo.
Nasa may pinto pa lang kami ng canteen ay amoy na amoy ko na agad ang banana que. Napatakbo ako dahil minsan lang sila magluto nun.
"Libre mo ko!" Nakanguso kong sabi kay Adam.
"Ikaw nagyaya dito tapos pera ko gagastahin mo?" Reklamo nya.
"Sige naaaa," pagpupumilit ko.
"Ate dalawa po," sabi nya sa tindera.
Bibili rin pala magrereklamo pa eh. Umupo kami kasama sila Arlly na kumakain din.
"San kayo magl-lunch? Tara sabay sabay tayo mamaya," Jae.
"Hindi kami makakasabay ni Akhiro. Second monthsarry namin ngayon. Sabay kaming magl-lunch," sabi ko.
"Daya! Sama kami!" Arlly.
Tiningnan ko sya ng masama kaya nanahimik sya. Maya maya lang ay sabay sabay na pumasok sila Akhiro kasama sila Cyrell sa canteen.
"Hay! Ang bilis ng araw! Next week lang march nanaman!" Saad ni Escarlet.
Natawa kami dahil February pa lang next week. Masyado syang bitter.
"Ikaw yung bitter na may lovelife!" Ace.
Nag smirk lang si Escarlet habang si Cyrell naman busy sa phone nya.
"Huy sino yan!" Pag uusisa ko. Tiningnan ko kung sino ang katext nya pero agad nya itong tinakpan.
"Secret!" Sabay belat nya sakin.
"Kanina pa yan sa room. Ang lakas ng ringtone kahit may teacher," Lae.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...