Blaire's POV
"See you next year guysss!" Saad ni Ellisse habang isa isa kaming kinakawayan.
Ngayon ang simula ng sembreak namin ngayong December. Nilagay ko ang gamit ko sa loob ng bag at nginitian sya.
"See you next year! Mam-miss kita!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Bye Adam! See you next year!" Ellisse.
Napabaling ako kay Adam ng sabihin yun ni Ellisse. Nginitian nya si Ellisse at ginulo ang buhok. Napasimangot ako sa nakita ko. Hanggang ngayon hindi nga pa rin ako pinapansin. Mag iisang buwan na.
"Bye guys! I love you! See you next year!" Ngiting ngiti kong sabi sabay yakap kay Kiera, Jewel, Arllyx, Arlly at Jae. Hindi naman sya nagreklamo na hindi ko sya niyakap kaya dere deretso ako paglabas ng classroom. Bahala sya dyan.
Lumipas ang ilang araw. Excited akong gumising dahil first monthsarry namin ni Akhiro. Simula ng mag sembreak hindi pa kami nagkikita ulit. Pagsapit pa lang ng alas dose ay inantay ko na ang bati nya sakin pero alas tres na ng umaga wala pa rin.
Hindi ko na lang pinansin dahil baka nakatulog sya. Pagsapit ng alas tres ng hapon ay nagtext ako sa kanya na magkita kami kasi balak ko syang yayain na kumain sa labas. Hindi pa rin nya ko tine-text or tawagan man lang.
Ano bang ginagawa nun?
Sinubukan ko syang tawagan ulit at sa wakas sumagot na sya.
"Wala ka bang naaalala?" Nagtatampo kong bungad.
"Sorry kakagising ko lang. Happy first month, babe."
Napangiti ako at parang tangang nahiga sa kama ko habang kinukulit kulot ang buhok ko sa kamay.
"Kita tayo sa waiting shed dito samin. Kain tayo sa labas?"
"Ha? Di kita marinig,"
Napakunot ako ng umingay sa kabilang linya. Asan ba to?
"Sabi ko kita tayo sa waiting shed ngayon na."
Maingay pa rin sa kabilang linya.
"Asan ka ba?" Tanong ko.
"Sige sige. Tawagan kita mamaya. Ang ingay eh." Sabi nya.
Nainis ako ng bigla nyang ibinaba ang tawag. Pero napangiti ako ulit ng pumayag sya.
Naka ilang bihis na ako hanggang sa mapagdesisyunan ko na pumunta na sa waiting shed. Baka nag aantay na sya dun. Pero pagdating ko wala sya dun.
Ilang tao na ang bumaba at umalis sa waiting shed pero hindi pa rin sya dumadating. Nadagdagan ko na ang mga vandalism sa pader pero kahit text o tawag wala. Humangin ng malakas kaya sandali akong napapikit at napahawak sa skirt ko. Pagtingin ko sa orasan alas singko na ng hapon.
Isang oras pa.... aantayin ko pa sya.
Para saan pa ang waiting shed kung walang taong marunong mag antay diba? Darating yun.
Pero sa paniniwala kong darating sya ay hindi nangyari. Sampung minuto bago mag ala sais ay nakatanggap ako ng tawag. Handa na sana akong magsumbong kay Adam pero nagtaka ako ng makitang si Arllyx pala ang tumatawag.
"Bakit?" Bungad ko.
"Wala ka namang ginagawa diba? Samahan mo ko sa mall," saad nya.
Pagdaan ng jeep papuntang mall ay agad akong sumakay at pagdating ko dun nakita ko agad si Arllyx. Natawa ako ng makitang naka short lang sya at t-shirt tapos naka tsinelas. Halatang wala syang pake kung anong itsura nya kasi ako lang naman to.
BINABASA MO ANG
Let's Fall in Love
Teen Fiction"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng pus...