Chapter One

15.7K 378 285
                                    

Tenebrous Affection
Chapter One

Ayumi

"Happy birthday Avan," I whispered as I put down his favorite flower - lavender.

Mag-iisang taon na simula noong umalis siya sa bahay namin para kumuha ng damit, mula noon hindi na siya bumalik pa. Nakita ko nalang siya sa hospital... walang buhay. God knows how sad and devastated I was mula no'ng araw na 'yon.

Sinabi sa akin ng mga magulang niya na car accident daw ang sanhi ng pagkamatay niya. Kung alam ko lang... kung alam ko lang na hindi na siya makakabalik sa akin ng buhay, hindi ko sana siya pinilit na pauwiin sa kanila.

Nagsisisi akong sinigawan ko siya, nagsisisi akong hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal, nag-sisisi ako sa lahat. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong bumalik dito sa puntod niya. Nabawalan na nga ako ng mga magulang niya, ang kaso makulit talaga ako. Wala na rin silang nagawa sa huli.

Sila na rin mismo ang sumuko. Alam kong ako ang sinisisi ng mga magulang niya, hindi man nila sabihin pero nararamdaman ko iyon, na para bang sinasabi nila na malas ako. Lahat kasi ng taong napapalapit sa 'kin namamatay.

Pati nga yung pusang kinupkop ko kamakailan lang, namatay. Nadatnan ko nalang siya sa sala, wala ng buhay. Pinunasan ko ang mga luhang walang pakundangan tumulo mula sa mga mata ko.

"Nakakainis ka, ang daya daya mo! Ang sabi mo hihintayin mo muna akong mamatay bago ka sumunod, pero bakit ikaw iyong nauna?! Hindi ka kasi nag-iingat, kaya ayan!" I cried. I just want this pain to go away like what he did.

Halos matanggal na lahat ng damo dito sa puntod niya dahil sa pagkakahawak ko, but who cares? I do what I want to do. I just want to let my pain go away dahil baka mabaliw na ako nang tuluyan kung hindi ko 'to mailalabas. Naiinis ako, hindi sa kanya kun'di sa sarili ko.

Pinaglandas ko ang palad sa puntod niya, "bakit kasi ang malas ko? Nakakatawa lang, feeling ko naman sasagutin mo ako e 'no?" I sobbed until I couldn't cry no more. I was hoping that he would arise from his grave. He was so precious to me that's why I just can't easily accept that he's gone.

"Magpapahinga kana nga lang, panghabang-buhay pa," I muttered, then looked up to the sky. I

tried to commit suicide before but when I saw my little brother, saka ko nalang na-realized na may dahilan pa ako para mabuhay. Plus, I promised Avan na hindi ko gagawin 'yon. I just can't broke that promise dahil may isang salita ako.

"Avan, I love you... so-" naputol ang pag-i-emo ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. I saw my Tito's name as I gazed at the screen.

"Tito?" Panimula ko as I gently wiped the tears from my cheeks.

"Yes Tito, I'll be there in 15 minutes," I replied, before I turned it off.  Bakit? 'yan ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Kinakabahan si Tito kanina nang makausap ko siya. No... no... not this time.

Kaagad akong nag-panic nang pumasok sa isip ko ang nakababata kong kapatid. Ito ang kadalasan na nangyayari sa 'kin, Hindi ko maiwasan mag-overthink matapos lahat ng nangyari.

Ang pagkamatay ng magulang ko at ni Avan ay tila bangungot pa rin, kahit anong pilit kong gumising mula dito, hindi ko na magawa. Dahil tuluyan na akong nakulong.

"Calm down, Aya," pagpapakalma ko sa aking sarili. Yes, this is what I've turned into after almost a year, traumatized and always scared na baka mawalan na naman ako ng mahal sa buhay.

Tenebrous AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon