Tenebrous Affection
Chapter Two"May appointment po ba kayo kay Mister Avajero?" Tanong ng babae sa harap ko. She's not wearing a smile on her face. Seryoso lang itong nakatingin sa'kin, probably scanning my unfamiliar face.
"I'm applying as an assistant secretary of Mister Avajero," saad ko ng nakangiti. She furrowed her forehead and gazed at me.
"Ano bang sinasabi mo miss? Hindi tumatanggap ng sekretarya ang boss namin dito," masungit na sagot niya.
I rolled my eyes at her, and at the same time, clenched my fist trying to control my temper. Hindi ako mataray na tao pero hindi ko maiwasang tarayan ang babaeng nasa harapan ko.
I drew my face near her, "do you think pupunta ako dito nang hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yan? I am not that stupid Miss. Bakit ko papagurin ang sarili ko sa pagpunta dito kung sa huli i-re-reject lang din ako. Come on, let me talk to him," I almost shouted.
Sinunod naman niya ang sinabi ko, kinuha niya ang telepono at nag-dial ng ilang numero. Ilang minuto pa bago ulit siya nagsalita.
"Your name please?" Now she's calm as a cat? Wow, bipolar lang, o baka naman takot lang sa boss niya?
Bigla akong nakaramdam ng kaba because of that thought.
Gano'n ba talaga ka-terror si Mister Babaero? Tama ba 'yon? Ano ulit surname niya? Jesus, I forgot!
"Ayumi Anastasia Brenner," I replied softly.
Kumalma na rin ako dahil ayokong sirain yung poise ko nang dahil lang sa babaeng 'to. It's not worth it.
Narinig ko nalang na binanggit niya ang pangalan ko sa telepono. Shocked was written on her face, ano na namang reaksyon 'yan?
Alinlangan itong tumingin sa 'kin, probably shy. "Pinapapatuloy po kayo sa loob ni Mister Avajero," she weakly said.
The woman was still in the state of being dumbfounded. Saka ko lang na-realize kung bakit ganyan siya kung maka-react.
Sino ba naman ang hindi magugulat kapag nalaman nilang isang araw bigla nalang tumanggap ng sekretarya ang boss nila, at ang mas nakakagulat pa siya rin ang kauna-unahang trabahador sa kumpanya ang makakakita dito.
As if naman na ginusto ko 'to, kung may pera lang sana ako, 'di ko na sana kailangang pagtrabauhin yung utang na iniwan ng mga magulang ko. Ang kaso, wala. Ayoko naman gamitin 'yong mga natitirang pera sa bank account ko, gagamitin ko iyon para sa pag-aaral ng nakababata kong kapatid na si Neon.
Hindi ko man lang namalayan na nasa harap na ako ng opisina ni Mister Whatever.
Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko, bumilis din ang pagtibok ng puso ko. God! Bakit ba ngayon pa ako kinakabahan? Relax, Aya!
Huminga ako nang malalim before I knocked. Pull yourself together Aya, ngayon ka pa ba aatras? Nandito kana, there's no turning back.
"Come in," saad ng isang baritonong boses. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, kulang na nga lang kumawala na ito sa dibdib ko.
Unti-unti kong ipinihit ang door knob ng pinto hanggang sa tuluyan ko na itong mabuksan.
Bakit ang dilim?
I roamed around the office, "hello?" Pagtawag ko pero wala akong narinig na tugon.
Inilibot ko ang paningin ko sa ibang sulok ng kwarto. Black and silver ang theme nito, simple but elegant ika nga nila.
Nasaan na ba 'yon? Imposible namang wala siya dito, e narinig ko pa nga lang siya kanina noong pinapapatuloy niya ako.
Ilang sandali pa nakarinig ako ng kaluskos. What the hell? Minumulto na ba 'ko?
"H-hello! May tao ba dito?" Pagtatanong ko ulit at nagbabakasakaling may sumagot. Hindi naman ako nabigo.
I felt a presence behind me. "So you're excluding yourself as a human?" Ayan na naman ang baritono niyang boses. Imagine Thor of Asgard's voice, parang gano'n.
"I mean bukod sa akin, may ibang tao pa ba dito?" Pagtatama ko kahit obvious naman ang meaning ng sinabi ko.
He grinned, "well... I'm neither a human."
Huh? I raised my right eyebrow in confused. He suddenly turned on the lights. Bumungad sa akin ang ocean blue niyang mga mata and golden brown niyang buhok. Halata rin ang kakisigan ng binata kahit na may suot itong pang-amerikana.
Hindi nga siya tao!
Ngumisi ako at pinantayan ang tingin niya. "Then, what are you?" Masungit kong tanong sa kanya, kahit na halata naman ang paghanga ko. Sino ba naman ang hindi hahanga sa gwapong nilalang na ito? Abnormal ka nalang siguro kung hindi.
"A God who had fallen from heaven," he replied while curving his lips upward.
I frowned in disbelief. Wala akong kaide-ideya na ganito pala ang boss ko.
Madaming nagsasabi na pinaglihi raw siya sa sama ng loob, kung makapagsungit daw sobra. Kahit na sa telepono lang nila ito nakakausap.
He lend me his hand asking for a shake, "btw, I'm Xyren Clifford Avajero. Your very, very soon to be boss." Kamuntik na akong matawa doon sa 'very very soon to be boss' niya. Hindi ko aakalain na may ganitong side pala siya.
Pero ang ganda ng pangalan niya, pang-mayaman talaga e. Kaso nga lang mukhang mahangin. May balak yatang talunin ang bagyo sa sobrang hangin niya.
I cleared my throat para makuha ang atensyon niya. Ayoko nang magtagal pa dito, na-su-suffocate ako sa atmosphere na meron sa pagitan namin.
"Kailan ang start ko?" I asked him.
Hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa, atat na talaga akong makauwi.
"Hindi ka man lang ba magpapakilala sa soon to be boss mo?" Kunot noo niyang tanong. Alam na niya ang pangalan ko so bakit ba tinatanong pa niya.
"Fine, I'm Ayumi Anastasia Brenner. Aya for short," sabi ko nalang para matapos na ang pag-uusap namin.
"Aya, hmm..." Pag-uulit niya habang hawak hawak ang baba niya. Nilalasap pa ata ang nickname ko. Masarap daw kasi pakinggan kahit na napaka-common na noon. I laughed inside.
"Bukas na ang start mo. Bago ka umalis, sasabihin ko muna yung mga rules na kailangan mong tandaan:
I hate late.
I know you were already informed that I really hate taken people here in my company, don't even bother to ask me why.
I hate gossips too, especially kung ako ang pinag-uusapan.
And lastly...
I hate revealing clothes, so... you better dress nice.
Now, you may leave and have a lot of rest," he said in a commanding tone of voice.
"Thank You, Sir," I muttered. Nakangiti pa ako niyan kahit tensyonadong tensyonado na ako.
I'm fine with the rules, wala akong problema. Madali lang naman kasi gawin. Ang kaso, makakaya ko kaya siyang pakisamahan?
Mas okay pala iyong loko loko siya. Back to serious mode kasi siya kanina nang sabihin niya iyong mga rules na dapat kong sundin at tandaan. Ang dami pa naman ding nagsasabi na sobrang terror daw niya pagdating sa trabaho. Palagi rin itong nasigaw sa mga staff niya.
Hindi na rin mabilang ang mga taong pinahiya at pinaiyak niya. Hindi pa personal yan ah, sa telepono palang. Paano pa kaya ako na araw araw siyang makakasama at makikita sa personal? Baka isang araw makita nalang nila akong nasa himlayan at wala ng buhay. Seriously, kinakabahan na ako para bukas.
Dasal lang Ayumi, may awa ang Diyos. Hindi ka niya pababayaan!
minmonstaxxx
BINABASA MO ANG
Tenebrous Affection
Romance[COMPLETED / UNEDITED] 𝙒𝙖𝙧𝙣𝙞𝙣𝙜: Mature Content | R-18 Two weeks after Ayumi Anastasia Brenner's parents died, her fiance, Avan, followed. He died in a car accident, according to what she was told. Her devastation led her to believe that she w...