Chapter Four

8.8K 325 213
                                    

Tenebrous Affection
Chapter Four

Ano bang isusuot ko? Kanina pa 'ko paikot-ikot dito sa kwarto, pero hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung anong isusuot ko. Papasok lang naman ako sa opisina, hirap na hirap pa ako sa pamimili.

Ilang sandali pa, nakarinig na ako ng mga katok mula sa labas. Tapos na ata ang boss ko, nakakahiya na nang sobra kung siya pa iyong maghihintay.

"P-patapos na 'ko," I shouted. Nagsuot na lamang ako ng itim na pencil skirt na hindi kaiksian at pinarisan ng puting blouse saka pinatungan ng itim na blazer. Inipitan ko rin ng maayos ang buhok.

That's it, you're so gorgeous Aya! Lumabas ako ng kwarto ng may ngiti sa mga labi. I saw Xyren standing in front of the door, halatang naiinip na siya sa paghihintay sa akin. Lagot ako!

"Xy," pagtawag ko.

"What took you you so lo-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang tuluyan na niya akong lingunin.

"Sorry, hindi ko kasi alam kung ano ang isusuot ko," pagpapaliwanag ko sa kanya habang nakayuko. Nahihiya ako, dapat akong umayos. Naiipon na ang mga utang na loob ko sa kanya, tapos ganito pa ang igaganti ko.

"It's fine, basta wag mo ng uulitin. Ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako," he replied. Halata sa boses niya ang pagkainis. He turned his back on me and marched.

Bad, Aya. Unang araw mo palang, late kana kaagad!

I sighed, "yes Sir." Iyon nalang ang tanging naisagot ko. Nakakatakot kasi yung aura na ipinapakita niya.

NASA elevator na kami ni Xyren, masasabi kong na-late nga kami ng konti dahil may mga iilang empleyado na ang nandito. Paglabas na paglabas palang namin ng elevator, panay na ang tinginan sa amin.

Ngayon ko lang din napansin na kakaunti lang ang mga babaeng nagt-trabaho dito, karamihan sa kanila lalake.

Muli kong sinulyapan si Xyren, nakabungisngis ito at hindi pinapansin ang mga bumabati sa kanya. Ang mga kababaihan naman ay nakaawang ang bibig. They were almost drooling in front oh him.

"Sir," tawag ko sa kanya. Pero wala man lang akong nakuhang tugon. Napabuntong hininga nalang ako. This is all your fault Ayumi Anastasia, sinira mo ang mood niya.

Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng opisina niya, pero hindi pa din niya ako pinapansin.

"Sir, saan po iyong opisina ko?" Pagbasag ko sa katahimikan na namamagitan sa'min.

Dinapuan niya ako ng tingin. "Dito," tipid niyang tugon. Saka niya kinuha ang isang swivel chair sa isang sulok para ibigay sa 'kin. Umupo na lamang ako doon.

OKAY, I'm pissed, ayoko na. Alas dose na ng tanghali pero wala man lang akong ginagawa ni isa. Wala man lang akong narinig na utos mula kay Xyren, ganoon ba siya kagalit sa akin? Hindi pa rin kami kumakain. Gutom na gutom na kaya ako.

"Sir Xyren hindi pa ba tayo kakain?" Tanong ko sa kanya habang busy siya sa pagtitipa sa computer niya.

Tumigil ito saglit para mag-isip pero nagpatuloy rin kaagad. "Later, kapag natapos ko na 'to," he said without even looking at me.

Napasimangot ako sa sagot niya, "hmm... Pwede namang ako nalang ang bumili sa baba tapos dadalhin ko nalang dito," muli kong saad since gutom na talaga ako.

"No!" He shouted saka padabog na binitawan ang mouse na hawak niya.

Nagulat ako sa pagsigaw niya pero hindi ko nalang ipinahalata. Kasalanan ko naman kung bakit bad trip siya so iintindihin ko nalang.

Tenebrous AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon