Chapter 23: Lines

1.8K 35 1
                                    

Happy New Year!

Dedicated to windyclaire. Thank you for the support! ❤

Ps. From this point, nasa Third Person's POV na lahat ng succeeding chapters, means ako (author) ang magnanarrate ng story. Pag-iisipan ko pa if sa ending ay POV ni Alex or ni Zero, pero hanggat wala pa akong sinasabi, ako muna ang magnanarrate okay?

Third Person's POV

NATULALA si Alex sa sinabi ni Zero. Nalaman na ba nito na may balak talaga siyang umalis para hanapin ang kanyang lola?

Magsasalita na sana si Alex nang biglang bumukas ang daanan. Mukhang dumating kung sinuman ang gumagamit ng silid na iyon.

Agad na hinawakan ni Zero si Alex sa bewang nito at walang kahirap-hirap na binuhat. "A-anong gi-"

"Find the book!" Mukhang natauhan si Alex sa sinabi ni Zero kaya dali-daling hinanap ang libro. Nakita niya ang nag-iisang puting libro sa itaas. Agad niya itong kinuha. "Nakuha ko na!" Bulong nito. Walang paalam namang nagteleport palabas ng silid na iyon si Zero habang buhat parin si Alex.

Naramdaman naman ng matanda ang isang kapangyarihan na nagmumula sa kanyang tagong silid. Nagmadali siyang makababa ng hagdan at ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang makitang wala ng tao sa silid. Mukhang kakaalis lang nito mula sa silid. Agad naman niyang chineck ang mga kagamitan doon, tinignan niya ito isa-isa, ngunit mukhang wala namang nawawala. Isinawalang bahala na lang niya ito saka sinimulang maghalu-halo ng mga sangkap. Kailangan niya kasi ng isang mas makapangyarihang face alteration magic. Mukha kasing nakilala siya ng isang estudyante kani-kanina lang.

Samantala, napunta naman sa labas ng library sina Alex at Zero. Hawak pa rin siya nito sa kanyang bewang habang yakap niya ang puting libro sa kayang dibdib.

"Zero?" Pagpupukaw niya sa lalaki. Hindi kasi ito gumagalaw sa kanyang posisyon. Nakayakap pa rin ito sa kanya mula sa likod. Uminit ang kanyang pisngi nang hapitin pa siya lalo ni Zero palapit sa kanya, at ipinatong nito ang ulo sa kanyang kanang balikat.

"Z-Zero?" Halos bulong na naisambit ni Alex. Dahil sa kanilang posisyon ay hindi na normal ang pagtibok ng kanyang puso. Nagsimula itong tumibok nang mabilis, sa katunayan ay mabilis na talaga ang tibok nito simula nang maramdaman niya ang maiinit na kamay nito sa kanyang bewang at buhatin siya.

"Ilikeyouasdfhjkl." Narinig niyang bulong nito ngunit hindi naman niya naintindihan ang mga kataga nito.

"A-ano?" Nagulat siya nang biglang bumitiw si Zero. Inilagay nito ang kanyang kamay sa bulsa at yumuko ng konti. "Tara na." Bigla nitong sabi saka tinalikuran siya at nagsimulang maglakad palayo.

Nagtataka namang sinundan niya ng tingin ito. Nangunot ang noo niya. What was that?

Napako siya sa kanyang kinatatayuan nang bigla naman siyang lingunin nito, at sa isang iglap ay napunta ito sa tabi niya. "I said, let's go." Sabi nito saka hinawakan ang kanang kamay niya at hinila siya. Wala namang siyang nagawa kundi ang magpadala sa kanya.

6:30 na ng gabi nang makabalik sa dorm ang dalawa. Inihatid pa talaga siya ni Zero sa tapat ng girl's room nang magkahawak ang kamay, kaya hindi mawala-wala ang pamumula ng pisngi nito.

Nang matapat sila sa pinto ay bigla na lang kinurot nito ang dalawa niyang pisngi. Agad din naman nitong binitawan ang pisngi niya. "Cute." Sabi nito saka umalis na.

Sa estadong iyon siya naabutan ni Sierra at Amber, tulala at namumula. Kung hindi pa siya tinapik ni Sierra ay hindi siya makakagalaw. Tumingin siya sa dalawa na humahagikhik na. "Magkwento ka dali!" Sabi ni Sierra saka hinila na siya papasok ng kanilang kwarto.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon