Chapter 39: The Enchantress of Enchant Forest

1.2K 23 14
                                    

MULING tumilapon papalayo si Zero at tumama siya sa isang puno na agad namang naputol.

He grunted in pain but still stood up.

"Still alive, eh brother?" Pang aasar sa kaniya ni Lust bago siya nito bigyan ng isang malakas na suntok.

Tumumba si Zero.

"Give up, wala na kayong magagawa." Sabi niya saka muling sinuntok ang kapatid kahit nawalan na ito ng malay.

Nakaka awa ang sinasapit ng mga estudyante ng paaralan. Tila lumakas kase ang pitong sins na walang awang umaatake sa kanila.

Ang ilang estudyante naman na ipinakalat sa buong syudad ay wala na ring nagawa nang dumating ang isang kahindik hindik na nilalang at nanira sa mga bahay at gusali.

Napuno ng iyak, sigaw at takbuhan ang siyudad habang ang halimaw ay walang humpay sa pagsira ng kahit anong nakapaligid dito.

Nahirapan ang mga estudyanteng pigilan ito dahil sa dami ng mga halimaw.

All hope seems lost. Mukhang wala nang pag asa ang labang iyon. Maski ang kalapit na paaralan sa Noxrien ay hindi na rin nakatulong dahil maski sila ay inatake na rin.

It's like the darkness started from the school and it is spreading.

"We will take this realm.." isang suntok ang muling iginawad ng Lust kay Zero.

"..and we will rule." Ngumisi ito at bumuo ng isang itim na bola. Mukhang balak na talaga nitong tuluyan ang kinikilalang kapatid.

Napatigil gumalaw ang Lust at nawala ang ginagawa nitong bola nang may maramdamang kakaiba.

Pati ang anim pang Sins ay napatigil din, at sabay sabay na napatingin sa kanilang reyna.

Sa kanilang reyna mismo nagmumula ang kakaibang enerhiya.

Kumunot ang noo ng Reyna ng Kadiliman. Napatayo ito mula sa matinik na trono at pinakiramdaman ang sarili.

"Hindi ito maaari!" bigla na lang nitong palahaw. Napaluhod ito sa lupa habang nakahawak sa dibdib nito.

Ang pitong sins ay parang tuod at walang nagawa. Hindi nila alam ang gagawin. Everything stood still. Walang nakagalaw sa mga nilalang nang maramdaman ang enerhiya. Kinuha itong pagkakataon ng iba upang tumakas at magpakalayo layo mula sa kaguluhan. 

Di nila alam ang gagawin o ikikilos dahil naroroon at nararamdaman nila ang enerhiya ng kanilang reyna, ngunit naroroon na rin ang isa pang enerhiya.

Ang dalawang enerhiya na magkalaban. Ang kabutihan at ang kasamaan.

Ang dalawang ito ay parehong nasa katawan ni Alex.

"Taksil ka! Hindi! Ahh!" Patuloy sa pagpalahaw ang reyna. Kasaluyan na ito nababalot sa kalahating itim at puting liwanag.

"Ano pong nangyayari?" tanong ng isang estudyante nang makita ang nangyayari.

Bahagyang napanganga si Ms. Noxrien sa nasasaksihan.

Sandaling napatigil ang lahat. Tanging ang palahaw ng Enchnatress ang maririnig, habang ito ay nababalot sa tila nag aagawan na puti at itim.

"Hindi ako makapaniwalang masasaksihan ko ito ngayon." Nanatili silang nakatitig sa senaryo.

"Ang pag aagawan ng Itim at Liwanang sa katawan ni Alex."

Sa sinabing iyon ni Ms. Noxrien ay muling nabuhay ang pag asa sa puso ng mga estudyante, lalo na sa A-list.

Hindi nila alam kung paano, ngunit ramdam nilang ang kaibigan na si Alex ang Liwanag na pilit na kinakalaban ang kadiliman.

Ang tila pagtatalo ng dalawang pwersa ay natapos sa isang napakalaking pagsabog. Nagkaniya-kaniya namang protekta ng kanilang sarili ang mga taong nakapaligid sa senaryong iyon. 

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon