Chapter 7: Warm-up with the Elites

2.1K 49 2
                                    

Kumunot ang noo ko ng may mapansin akong kakaiba. Inilapit ko pa ang aking mukha sa salamin para masiguro ang nakikita ko. "Okay ka lang Alex?" Tanong ni Sierra pero hindi ko siya pinansin.

Ang mata ko. There's a little shade of violet in my eyes. Natural brown ang mga mata ko, at nagiging light brown ito kapag nasisinagan ng araw. Ngayon ay parang nahaluan ito ng violet. Bakit ngayon ko lang ito nakita? "Alex?" Napalingon na ako kay Sierra. "May mali ba?" Tanong niya sakin. She looked worried. Ngumiti na lang ako para hindi na siya mag alala. "Okay lang ako. Tara na?" Pag aaya ko sa kanya. "Sige!" Masigla niyang sabi saka hinila na ako pababa ng basement.

Nasa isip ko pa rin ang mga mata ko. Hindi lang mata ko ang nagbago, pati ang kutis ko. Kuminis ito at mas lalong pumuti. Nahalata ko lang ito apat na araw na ang nakakalipas. Tanda ko pa kasi na may kaunti akong pimple marks sa pisngi, pero bigla na lang itong nawala at parang hindi ako nagkaroon ng ganon. Natagalan pa nga ako nun sa banyo dahil talagang di ako makapaniwala.

Hindi ko napansin na nakarating na kami sa basement. Nakaramdam ako ng isang mabilis na bagay na paparating sa direksyon ko mula sa kanan kaya agad kong hinila paatras si Sierra. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. "Hindi ko naramdaman iyon!" Sabi niya at sinamaan ng tingin si Gust. Sa kanya pala nanggaling ang patalim na ngayon ay nakatusok sa dingding sa kaliwa namin. Pati ako ay nagulat ng maramdaman ko iyon. Hindi agad ako nakakaramdam ng panganib, pero ngayon ay oo. Parte ba iyon ng pagbabago sa katawan ko?

Is it because of my powers?

"You're 5 minutes late. I told you, you're dead." Sabi ni Gust at walang pasabi na sinugod si Sierra. Tumakbo ako papunta sa kanan para sana ay maiwasan ang dalawang naglalaban, pero mukhang nagkamali ako.

Umikot ako pakaliwa at tumalon para maiwasan ang sunod-sunod na patalim na pinakawalan mula sa kanan ko. Nanggaling pala ito kay Zero na ngayon ay katunggali ang isang ancient beast na sa tingin ko ay si Faunt. "Move little girl. You'll get hurt." Pang aasar ni Zero sakin. Susundin ko sana siya, ngunit naisip kong nandito ako para magpractice. Palagi na lang akong minamaliit ng mga tao sa paligid ko,probably because of my height and my physique. Well I'll show him!

Pinulot ko ang isang patalim malapit sa paa ko at mabilis na tumakbo palapit kay Zero na ngayon ay umiiwas sa atake ng beast.  Itinapon ko ito papunta sa kanyang direksyon na agad niyang naiwasan. Nadaplisan naman si Faunt sa braso dahil sa tira ko. Nagtinginan ang dalawa saka ngumisi. "Fine girl, fight us." Sabi ni Faunt sa malalim na boses na agad tumakbo papunta sa akin. Si Zero naman ay umakyat sa ceiling ng basement at mula doon ay nagpakawala ng mga patalim papunta sa direksyon ni Faunt. Ang kinalabasan ay Zero vs. Faunt vs. Me. Iniwasan namin ni Faunt ang mga patalim na iyon, pero dahil hindi naman ako ganun kagaling ay nadaplisan pa rin ako. Ginamit ko ang isang patalim na nakatusok sa dingding para maging tapakan para makaakyat ako kung nasaan si Zero. Sa huling tapak ko ay bumigay ang isang patalim kaya napilitan akong talunin na lang ito ng mataas. Inabot ko ang binti ni Zero sa pagtalon kong iyon. Hindi iyon inaasahan ni Zero kaya agad siyang nahulog kasabay ako.

Sa huling segundo ay niyakap niya ang katawan ko at inikot niya ang katawan niya. Siya tuloy ang nasaktan sa pagkakahulog samantalang ako ay maayos na bumagsak sa ibabaw niya. He groaned. Agad akong tumayo at inilahad ang kamay ko para sana tulungan siya pero naramdaman ko ang paparating na atake ni Faunt mula sa likod ko.

Tuloy pa rin pala ang laban.

Tumalon ako para sana umiwas pero may kamay na humawak sa paa ko kaya tumumba ako sa sahig. Agad umibabaw sa akin si Zero na ikinagulat ko. Tinutukan niya ako ng patalim saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa lapit ng mukha niya. Bumagal ang mga pangyayari sa paligid.

What is this?

"Now we're even." Sabi niya na nagpabalik sakin sa realidad. Biglang nabalot ng itim na usok ang kanyang patalim na hawak saka itinapon kay Faunt na agad naiwasan ito. Ginamit ko naman ang pagkakataong iyon na makaalis sa ilalim ni Zero. Sinuntok ko siya pero agad niya itong napigilan gamit ang kanyang kamay. Pinisil niya ang kamay ko saka hinila ako patayo. "Practice is over!" Napatigil ang lahat sa biglaang pagsigaw ni Zero. Nawala agad ang malakas na hangin at ang kaunting tubig na bumasa sa sahig ng basement. "Hey I haven't killed my sister yet." Sabi ni Gust na agad binatukan ni Sierra. "Just make sure you come out alive." Sabi niya at agad nawala sa paningin namin. "That's my line." Sabi ni Faunt. Bumalik siya sa dati niyang anyo at lumapit sakin. Nagulat sa amo ng mukha niya, taliwas sa kanyang beast shapeshifter abilities. Iniwasan kong mapatingin sa kanyang katawan. Naka pants lang siya ngayon at walang damit pantaas. "I'm Faunt." Sabi niya saka inilahad ang kamay para makipagshake hands. Tinanggap ko ito at agad niyang inilapit sa bibig niya ang kamay ko at hinalikan ito. Agad akong namula sa ginawa niya. "Hoy magdamit ka nga!" Sigaw ni Gust saka tinapunan ng itim na shirt si Faunt. "May sugat ka." Biglang lapit ni Sierra sakin at hinawakan ang braso ko. Doon ko lang nakita na dumudugo na pala ang braso ko. "Let's head back. Goodluck sa exam bukas Alex. Hope you can join our crazy team." Faunt then patted my head like a kid. Agad kaming sumunod kay Faunt palabas ng basement.

"You got Faunt's approval. That's rare." Sabi ni Sierra habang nililinis ang sugat ko. Maliit lang naman ito kaya hindi ako gaanong nag aalala. "Rare?" Tanong ko. Nakapagbihis na ako ng pambahay kaya komportable akong nakaupo ngayon sa kama. "Oo. Si Faunt kasi ang leader namin." Si Faunt? Akala ko si—
"No, hindi si Zero ang leader kung iyon man ang iniisip mo. Tinapos niya lang kaagad ang practice dahil may kasunduan sila ng girlfriend niya." Nagulat ako sa sinabi ni Sierra. May girlfriend na si Zero? Bakit parang nalungkot ako sa narinig ko?

"Selene is her name. Dapat ay nasa A-list din siya, but Faunt didn't approved her. " Didn't approved?

"Bakit?" I asked her.

"Because Selene played with Faunt's feelings. Ginamit niya lang si Faunt para makuha si Zero." Casual na sabi ni Sierra sakin. Napatango naman ako. Wala man ako alam sa mga ganyan pero ramdam ko na masakit sa parte ni Faunt ang mapaglaruan lang.

Matapos malinis ni Sierra ang ilang sugat ko ay pinatay na niya ang ilaw at inaya na akong matulog. I prayed first, bago humiga. Ilang oras na siguro akong nakahiga pero hindi ako makatulog. Kinakabahan ako para bukas. I don't know what will happen in that exam. Base na rin sa warm-up na ginawa namin kanina, hindi written exam ang gagawin namin kundi isang battle exam.

Ipinikit ko na ang aking mga mata saka pinilit na makatulog.

Gamitin mo ako, Alex.

Rinig ko sa isang boses sa isip ko, pero tuluyan na akong nahila ng antok.

❄❄❄❄❄❄

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon