Chapter 27: Luke

1.6K 30 3
                                    

NAGSIMULANG tumugtog ang musikang isasayaw ng grupo. Mas lalong kumabog ang puso ni Alex. Apat na minuto. Mayroon na lamang siyang apat na minuto bago umalis. Ngunit hindi niya pa rin alam kung paano.

Bahala na.

Sa unang bilang ay dahan-dahang lumapit ang mga babae sa nakalinyang lalaki sa kabila. With their hands on their dress, they bowed. Ganoon din ang ginawa ng mga lalaki. Dumating ang pangalawang bilang. Hinawakan ni Luke ang nanginginig na kamay ni Alex at hinila ito papunta sa kanilang pwesto. Pagdating doon ay humawak na siya sa bewang at kamay ni Alex samantalang sa balikat naman nakahawak ang babae.

"Are you nervous?" Mahinang tanong ni Luke sa kanya. Tumingin na lamang siya sa binata na bahagyang namula.

"Medyo." Mahina ding tugon niya.

Idinipa siya ni Luke. Maayos nila iyon nagawa kaya napangiti si Alex. Nagpalit sila ng formation kung saan nakabilog ang lalaki samanatalang nakapabilog naman ang babae sa labas ng ginawang bilog ng mga lalaki. Dumating ang cue sa kanta. Gumalaw ang mga babae at lalaki sa magkaibang direksyon. Dito magiging partner niya si Zero ng panandalian. Pagkatapos ay gagalaw muli sila pabalik sa dating pwesto.

Pinisil ni Zero ang kamay ni Alex nang mahawakan niya ito. Hindi niya alam pero malakad ang kutob niyang may binabalak ang babae at hindi niya iyon magugustuhan. Napatingin lsmang si Alex ng saglit kay Zero bago gumalaw pabalik kay Luke.

2 minutes.

Ilang ikot, dipa, at pagpalit pa ng formation ang ginawa ng grupo bago marating ang huling bahagi ng sayaw. Muli ay nagpalit-palit sila ng posisyon. Ngayon ay nasa unahan sina Alex at Luke samantalang nasa likod lamang nila si Zero at Selene.

Habang nagsasayaw ay panay ang tingin ni Alex sa kanyang kasamahan. Sa loob lamang ng ilang linggo ay magaan na ang loob niya sa mga ito. Itinuring niya agad ang mga ito na mga tunay na kaibigan. Ngunit kapag naiisip niyang aalis siya ay nalukungkot siya. Tiyak kasing magagalut ang mga uto sa kanya sa biglaan niyang pag-alis na wala man lang paalam.

Pero kailangan niya umalis. She has to. Kailangan niyang mailigtas ang kanyang lola. Humingi ito ng saklolo sa kanya at ayaw niyang baliwalain ito.

I'm sorry guys. I have to go. I'll come back, I promise.

Tumambol muli ng malakas ang kanyang puso nang marinig na niya ang huling bahagi ng kanta. This is it.

Sa huling bahagi ay umikot ng isang beses ang mga babae bago huminto paharap sa kanilang mga partner. Muli silang yumukod saka dahan-dahang naglakad paatras, pabalik sa kanilang linya sa pinaka unang bahagi ng sayaw.

Thunderous claps and shouts were heard. Nagpasalamat ang buong grupo saka bumalik sa kanilang mga upuan.

"That was magical. Thank you so much A-list! Now to give her appreciation speech, let's call the celebrant and our beloved head of school. Ms Eila Noxrien!" Muli namang nagpalakpakan ang mga estudyante at staff ng buong school.

Namawis naman ang kamay ni Alex. Tapos na ang sayaw. Wala nang oras. She has to go. Habang di pa tapos ang programme. Habang wala pang estudyanteng pakalat-kalat sa labas. She really has to go. Now.

Alam niyang nagsasalita sa unahan si Ms. Noxrien, at pasimple siyang luminga-linga. Lahat ay nakatutok at nakikinig sa speech ni Ms. Noxrien.

"Ayos ka lang Alex?" Napansin ni Sierra na panay ang lingon ng kanyang kaibigan. Nakita niyang sumulyap sa kanilang gawi si Zero na kanina lang ay taimtim na nakikinig sa nagsasalita sa unahan.

"Ayos lang ako, pero saang banda ang cr dito?" Mahinang tanong ni Alex. Relief was all over Sierra's face. Akala niya kasi ay may problema.

"Akala ko kung ano na." Mahina niyang tinampal ang kaibigan. "Left side malapit sa pinto kung saan tayo pumasok. Bilisan mo ah?" Nginitian niya ang kaibigan. Hindi napigilan ni Alex na yakapin si Sierra.

"O-kay." Hindi maiwasan ni Sierra ang magtaga pero isinaqa-ang bahala na lang niya iyon.

Maingat namang tumayo si Alex. Hawak ang kanyang asul na gown ay lakad-takbo ang ginawa niya papunta sa banyo. Nang marating niya ang pintuan papasok ng banyo ay nilingon niya ang mga kaibigan. Nakita niyang ang grupo ay nakaharap kay Ms. Noxrien na mukhang patapos na magsalita. She smiled sadly.

Goodbye.

Mabilis naman siyang lumabas sa maliit na pantaong pintuan nggym saka isinara muli ito. She sighed. Ngayo'y nasa labas na siya. Ang kailangan na lang niya gawain ay pumunta sa dulo ng gubat ng paaralan at lumabas mula sa barrier nito. Ngunit dahil sa atake ng mga demons, siguradong pinalakas pa ito. Hindi na siya nag isip pa. Agad siyang tumakbo papasok ng gubat.

Ang kanyang damit ay panay sabit sa iba't ibang halaman sa gubat na yun. Nasabit pa ito at halos matumba siya nang hindi niya agad nahila ang damit. Nakarinig siya ng yabag kaya dali-dali niyang hinila ang damit. Napunit tuloy ito, ngunit hindi na lang niya iyon pinansin. Agad siyang tumakbo palayo.


Sa tabi ng isang kulay pulang narra  siya tumigil. Nakikita na niya ang barrier. Nagtagumpay siyang makarating sa dulo ng gubat at mahanap ang barrier ngunit hindi na niya alam ang gagawin. Wala ang kanyang pusa. Hindi rin siya maaaring bumalik dahil tiyak hindi siys palalabasin.

What should I do?

Isang yabag ang kanyang narinig kaya lumingon siya. Ganoon na lamang ang kanyang gulat nang makita si Luke sa kanyang harapan.

Nahuli niya ba ako? Pipigilan niya ba ako?

"A-anong ginagawa mo dito?" Kumuyom ang kamay ni Alex.

"I'm here to help." Tila nabingi si Alex sa sinabi ni Luke.

"Anong sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaki.

"I know your plan. Come on we don't have much time!" Agad na ginamit ni Luke ang kanyang kapangyarihan. He waved his hand in front of the barrier. Nagkaroon ng maliit na butas ang barrier, tama lang para makalabas silang dalawa. Agad hinawakan ni Luke sa pulsuhan si Alex. He was about to drag her when they heard a voice. Napatigil ang dalawa gumalaw.




"We shouldn't have accepted you, Alex." Sabay na lumingon ang dalawa at nakita nila ang nakapamulsang si Sir Mike. He looks furious. Annoyed, even.


"S-sir?" Nanginginig si Alex sa loob-loob niya. Sanay siyang kutyain at ayawan ng iba pero kapag inayawan siya ng mga taong naging malapit sa kanya ay masakit. Pinisil ni Luke ang kamay ni Alex upang ayain na itong umalis ngunit parang naging estatwa ito sa kinatatayuan.


"Accepting you was a huge mistake. Payapa ang buong paaralan, not until you came. Students' lives were in danger nang sumugod ang halimaw para lang makuha ka. Even your friends suffered because of you."


Nanggigilid na ang mga luha ni Alex. Please stop.



"Kung sakaling magtagumpay ka man o hindi, huwag ka na sanang bumalik. Everyone will be spared. Everyone will be safe." Naghalukipkip ito at tinignan ng masama ang dalawa.


Luke took this as a cue. Muli niyang pinisil ang kamay ni Alex at hinila na ito palabas. Nagpaubaya naman si Alex at nakayukong sumunod kay Luke. Tears started to fall as she took the steps away from the school. Away from her friends. Away from him.





---

Updated. Votes and comments please. Gusto kobg magbasa ng mga comments niyo. Ang saya ( ̄▽ ̄)~■□~( ̄▽ ̄)

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon