Chapter 38: Sicario Balentin

1.1K 30 10
                                    

Napaatras si Alex sa takot na muli siyang sakalin ng kaharap.

"Narinig mo kung gaano kasama ang mga tao, hindi 'ba?"

Pero parang may mali sa kwentong iyon, at ramdam iyon ni Alex. May kung anong kulang sa kwento at maaaring hindi iyon alam ng kaniyang kaharap.

"Ginabayan ko sila, binantayan. Ibinigay ko din ang lahat ng kanilang pangangailangan, pero nagawa pa rin nila akong pagtaksilan. Naiintindihan mo na ba Alex?" tanong ng Enchantress sa nakaawang boses.

Alex was taken aback. Hindi niya akalaing maririnig niya ang nakakaawang boses nito. Tila ba humihingi ng simpatya sa kaniya.

"Ilang taon ko itong dinala. Ilang taon akong naghintay na mawala itong poot na nararamdaman ko, pero tila ba nadagdagan lamang iyon."

Unti-unting lumapit ang Enchantress sa kaniya, at sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi nakaramdam ng takot si Alex maski pa'y nasa 'demon form' ito. Hinayaan niya itong makalapit sa kaniya ng ilang pulgada.

"Sa totoo'y napapagod na ako, Alex. Nararamdaman kong unti-unting nauubos ang kapangyarihan ko."

Tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata ng Enchantress na labis niyang ikinagulat.

"Gustong-gusto ko nang sumuko, Alex. Pero sa di ko malamang kadahilanan ay hindi ko ito mahinto. Hindi ko na alam.."

Bumagsak sa lupa ang Enchantress nang paluhod sa harap niya. Agad namang natuyo ang damuhan na kaniyang kinasadlakan. Mahina itong humikbi.

Parang pinipiga naman ang puso ni Alex sa nasasaksihan niya.

"Mahina na ang katawan mo at may ilang araw na lamang ito." Mahina nitong dugtong.

Naluha si Alex sa narinig, ngunit alam niya sa sariling darating ang panahong iyon. Darating ang panahong tuluyan talaga siyang mawawala.

Lumuhod rin si Alex kaharap ng Enchantress na kasalukuyang nakasadlak pa rin sa lupa. Malayong-malayo sa babaeng kinatatakutan sa kanilang mundo.

Tumulo ang kaniyang mga luha. Wala siyang ibang nasabi sa kaharap.

She can feel it. Her anguish, regrets, fear and even loneliness.

Masyadong mabibigat ang mga emosyong iyon na maski siya'y hindi kakayaning dalhin. Pero ang Enchantress ay dala-dala iyon hanggang ngayon.

"Enchantress.."

Napatingala si Alex nang makarinig ng isang boses.

Laking gulat niya nang makitang si Lolo Riyo iyon.

"May aaminin ako saiyo.."

TATLONG ARAW ang mabilis lumipas sa mundo. Sa bawat araw ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman ng buong paaralan, lalong lalo na ang grupo ng A-list.

Sa tatlong araw na iyon ay nanatiling hindi nakakagalaw ang pitong sins, at kinuha nila iyong pagkakataon upang maisa ayos ang paaralan, pati na rin ang mga sira na natamo ng bayan na nadamay sa paglusob ng masasama.

Nang maibalik nila ang lahat sa maayos ay saka sila nagpasyang magpalit-palitan sa pagbabantay sa pitong sins, pati na rin sa Enchantress na nananatiling nakapikit at kalmadong nakaupo sa matinik nitong upuan.

Malapit na mag umaga ngunit hindi man lang tinablan ng antok si Zero at nanatili ang mga mata nito sa Enchantress.

Nag aalala rin siya sa kaibigang si Faunt. Hindi pa kasi ito nagigising mula nang mawalan ito ng malay.

Naubos na kase nito ang power sa kagagawa ng mga kidemona, pati ang life source nito ay nagamit. Hindi tuloy nila alam kung kailan magigising si Faunt, o kung magising pa ito.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon