Chapter 25: Reading

1.8K 38 6
                                    

ISANG simpleng waltz dance lang ang itinuro ni Selene. Paulit-ulit lang ang step nito ngunit nag-iiba ang mga formation kaya mabilis natutunan ito ng buong grupo.

"I think Luke has a crush on you Alex." Biglang sabi ni Sierra habang nagsusuklay ng buhok. Nasa room na kasi sila at naghahanda na para matulog. Maaga pa sila bukas dahil may final practice pa sila sa umaga para ma-recall ang sayaw na puro ikot at dipa lamang.

Tumingin si Alex sa repleksyon ni Sierra sa salamin at sumimangot. "Wala iyon. Kakakilala ko lang sa kanya Sierra." Kalmado niyang sabi.

Ngumisi si Sierra at may sasabihin sana nang pumasok si Amber na tila naiinis. Kaagad nitong inalis ang suot na tsinelas at basta na lamang dumapa sa kanyang kama.

"Anong problema Amber?" Tanong ni Alex saka umupo sa kama ni Sierra na katabi naman ng kama ni Amber.

"Damn him for bringing the past." Maanghang na sabi nito saka nagtalukbong ng kumot.

"Let her be. Baka pagod lang yan kaya mabilis mairita." Sabi ni Sierra saka pumwesto sa kanyang higaan. Tumayo naman at lumipat sa kanyang kama si Alex. "Good night Alex." Dugtong nito saka humiga na. "Good night din." Sagot niya saka pinatay ang nakasinding lamp sa uluhan niya.

Ilang oras na ang nakalipas ngunit mukhang hindi talaga dinadalaw ng antok si Alex. Naghintay pa siya ng ilan pang minuto, nagbabakasakaling aantukin na siya dala ng pagod ngunit wala pa rin. Sinilip na lang niya ang katabing orasan. Malapit nang sumapit ang hatinggabi pero heto siya't gising na gising pa.

Katulad kagabi ay maliwanag ulit ang buwan. Nagdasal na siya ng paulit-ulit na sana'y nasa maayos na kalagayan ang kanyang lola. Isang malalim ngunit tahimik na buntong hininga ang pinakawalanan niya bago lumingon sa kanyang dalawang kaibigan. Nang makitang tulog na tulog ang mga ito ay dahan-dahan niyang kinuha ang libro sa ilalim ng kanyang kama. Tumayo siya saka dahan-dahang naglakad palabas ng terasa upang doon muling basahin ang libro.

Grapes? Tawag niya sa kanyang pusa. Akala niya kasi'y naghihintay lang si Grapes sa terasa katulad nung una ngunit wala ito ngayon.

Nagkibit-balikat na lamang siya. Baka nakatulog ito sa isang sulok kaya nagpasya siyang huwag na lamang itong istorbohin.

Isang ilaw ng flashlight ang nahagip ng kanayang paningin kaya agad niya itong sinundan ng tingin. Yumuko pa nga siya sa pag-aakalang isa itong guwardiya na rumuronda sa paligid. Ngunit mukhang hindi. Ang ilaw kasi ng flashlight na nagmumula sa ibaba ay naka steady lang at nakatutok ang hawak niyang libro. Kinabahan siya. Pinatay na nito ang flaslight at ibinaba ang kamay. Naaninag niya ang isang pigura ng taong nakasuot ng hood. Hindi niya makita ang mukha nito kaya hindi niya rin matukoy kung lalaki iyon o babae.

I can help you.

Isang malalim na boses ang kanyang narinig sa kanyang isip. Napalingon pa nga siya ngunit nang mapagtanto niyang galing iyon sa tao sa baba. Sinubukan niyang kausapin ito gamit ang kanyang isip.

S-sino ka? Tanong niya ngunit tumalikod na ito at nagsimulang maglakad ng dahan-dahan papunta sa kagubatan na sakop pa ng paaralan. Nataranta si Alex. Kung totoo ngang kaya nito basahin ang hawak niyang libro ay maaari na niyang mahanap ang kanyang lola.

Pero paano kung patibong ito? Paano kung isa itong kalaban?

Bahala na!

Mabilis ngunit walang ingay na naglakad pabalik sa loob si Alex. Dala ang libro at tsinelas niya ay dahan-dahan siyang lumabas ng kanilang kwarto.

Pati pagbaba niya sa hagdanan ay naging mabilis din ngunit tahimik. Baka may magising at bigla na lang maglaho ang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Narating na niya ang main door. Pinihit niya ang seradura ngunit naka lock ito.

Nasaan ang susi?

Natataranta siya. Hindi siya maaaring matagalan ng husto dahil baka umalis na ang taong iyon. Ang taong makakapagturo kung nasaan ang kanyang lola.

Luminga-linga siya at nakita niya ang isang mesa na may apat na drawers.  Inisa-isa niya niya ito ngunit wala pa ring susi. Napatitig siya sa maliit ng statue na nakapatong sa ibabaw nito. Binuhat niya ito at laking gulat nang makita niya sa loob ng statue mismo ang susi. Ngumiti siya at dali-daling binuksan ang pinto.

Walang ingay na lumabas siya. Suot na niya ang kanyang tsinelas at lakad-takbo ang ginawa niya papasok sa gubat kung saan niya huling nakita iyong tao.

Tumigil siya sa tapat ng isang matayog na puno saka luminga-linga para hanapin ito.

Where's the book? Agad na napalingon si Alex sa kanyang likuran. Isang lalaking may asul na mga mata ang tumambad sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito at halata sa mukha nito na malaki ang agwat ng edad nilang dalawa.

Napakurap-kurap siya dahil sa takot na agad lumymob sa buong sistema niya. Nakakatakot ang kakaibang titig ng lalaki sa kanya. It's as if he's burning her soul.

"N-nandito." Kabado niyang sabi saka inilahad ang puting libro. Kinuha ito ng lalaki saka binuklat.
Ngumisi ito saka umusal ng ilang kataga.

Umilaw ang libro sa ere saka unti-unti itong natatanggal mula sa pagkaka-bind nito. Nagtanggalan isa-isa ang mga pahina hanggang sa ang mga linya sa libro ay makabuo ng isang malaking mapa.

Hindi isang istorya ang libro. Isa itong mapa!

Nawala ang liwanag at bumagsak sa kamay nito ang isang malapad na mapa. Binigay ng lalaki sa kanya ang mapa saka agad na tinignan iyon.

Ang mga linyang pula, asul at itim na inaakala niyang walang pahiwatig ay nagkadugtong at nagturo sa kanya ng direksyon. 

Kaya pala walang kahit anong salita ang nakalagay noong una sa libro.

Tinignan niya itong mabuti. May mga salita nang lumabas sa mapa kaya nang mapagtanto niyang alam niya kung saan iyon ay nangunit ang noo niya.

"Sa likod ng dati kong paaralan?" Tanong niya ngunit hindi ito sinagot  ang lalaki.

Kailangan mo siyang mailigtas sa lalong madaling panahon. Sabi nito saka unti-unting naging abo at tinangay ng hangin. Ni hindi na nakapagsalita pa si Alex.

All these time she knew where to go. Naikuyom niya ang kanyang kamay saka nagpasyang bumalik sa kanilang kwarto.

Desidido na siya. She will leave tomorrow.

--

Sumapit ang umaga. Hindi nakatulog si Alex dahil sa nalaman niya. Kinakabahan siya ngunit hindi rin niya maiaalis na natutuwa siya dahil maaari na niyang makita ang kanyang lola.

Alas siyete ng umaga ang kanilang usapan. Bago pa man magising ang dalawa ay handa na si Alex. Nakapagligo na ito at nakapag ayos na. Hindi na kasi talaga siya makatulog matapos ng encounter na iyon.

Ang mapa naman ay bumalik na sa dati nitong  anyo na libro ngunit kapag binuksan ay kusa itong nagiging isang mapa. Itinago niya iyon sa ilalim ng kanyang unan.

Nagulat naman sina Sierra at Amber nang magising silang bihis na bihis na si Alex at mukhang nakapagligo na. "Nagising lang ako ng maaga. Hindi na ako muling nakatulog kaya naisipan kong maghanda na lang para mamaya." Paliwanag ni Alex sa dalawa.

Hindi na sila nagtanong pa at naghanda na rin. Nang sumapit na ang alas siyete ay sabay-sabay silang bumaba para sa last-minute practice.




Thank you sa support my beloved readers!

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon