Chapter 20: Sic/k

1.8K 41 1
                                    

Alex's POV

Matapos ang klase ay agad akong lumapit kay Sierra. "Kain muna tayo bago bumalik sa dorm." Sabi niya.

"Uhm. Ano kasi.. Magpapasama sana ako sainyo sa library. Hindi ko kasi alam kung saan iyon." Sabi ko na ikinangiti naman siya.

"Sure. Pero kakain muna tayo. 7 pm naman nagsasara yung library kaya marami pa tayong oras." Sabi niya saka hinila na ako papasok sa canteen kasama ang iba. Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya at umupo sa harap ni Zero. Agad naging malikot ang mga mata ko saka tumingin sa ibang direksyon.

Bakit ba kasi dito ako napaupo?

"Anong inorder niyo para samin, Faunt?"  Tanong ni Sierra pero di sumagot si Faunt. Nakatingin lang siya ng direkta kay Amber na nakayuko at nagbabasa.

"Faunt?" Muling tawag ni Sierra. Doon pa lamang napatingin samin si Faunt at ngumiti ng pilit na parang napahiya. Magtatanong na sana siya nang dumating ang order. Isang bilao ng spaghetti, limang turon at isang malaking bote ng softdrink ang inilagay sa mesa namin. Agad naman akong nagutom sa nakita ko.

"Woah. Libre mo Faunt? Himala." Komento ni Amber na ikinayuko ni Faunt. Ano bang meron sa kanilang dalawa?

Sa inyo ni Zero, anong meron?

Walang meron samin!

Meron eh. Kinikilig ka kapag malapit siya o ngumingisi sayo.

Aargh! Wala nga!

Naputol ang pakikipag away ko sa sarili ko nang mapansin kong nilalagyan ni Zero ng spaghetti ang plato ko. Nakatingin naman sa amin ang apat.

"There. Stop staring and start eating." Sabi niya saka pinagpatuloy ang pag kain niya.

Napatikhim naman ako. "H-hindi kita tinititigan ah."

"Whatever, just eat. Sasamahan kita sa library." Nangunot  ang noo ko sa sinabi niya. Paano niya nalamang pupunta akong library? Narinig niya ba ang usapan namin?

"Were you eavesdroppi—" Naputol ang sasabihin ko nang may narinig akong hagikgik. Napatingin ako kay Sierra na parang kinikilig.

"Sorry. But you two are cute together!" Sabi niya.

Uminit na naman ang pisngi ko. Yumuko na lang ako saka kinain ang spaghetti. Tumawa naman silang apat saka nagpatuloy sa pinag uusapan nila.

Maya-maya ay naramdaman ko ang kaunting kirot sa bandang puso ko. Mukhang umaatake na naman ang sakit ko. Napatigil akong kumain.

Pasimple kong tinignan sina Sierra na masayang nagkukwentuhan sa bandang kanan ko. Pati si Zero na kaharap ko ay sinulyapan ko rin. Nakikisama siya sa usapan nila Faunt. Nang makita kong wala ang atensyon nila sakin, pasimple kong diniinan ang ilalim ng dibdib ko sa bandang puso ko. Nagpapalpitate na naman ang puso ko na nagpapahirap sa akin huminga.

Ilang mabababaw na hinga lang ang nagagawa ko. Bakit ngayon pa kasi ako inaatake? Wala pa naman si Grapes.

"Okay ka lang ba?" Agad kong naialis ang kamay ko sa puso ko nang marinig ko ang boses ni Faunt. Nag angat ako ng tingin at nagtama ang paningin namin ni Zero bago ako tumingin kay Faunt. "A-ayos lang ako." Pilit kong ngiti habang nagfofocus sa paghinga. Makirot pa rin kasi at mababaw lang na hinga ang kaya kong gawin kaya kaunting salita ko lang ay nauubusan na ako ng hininga.

"Sigurado ka? Namumutla ka—"

Biglang sumulpot sa ibabaw ng mesa si Grapes at natabig nito ang baso ng softdrink malapit sakin. Nabasa tuloy ang uniform ko.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon