Chapter 3: Cracked

2.7K 49 2
                                    

Agad kaming nakarating sa bahay. Mukhang wala namang nagbago dahil wala akong nakikitang kakaiba. Walang mga sirang halaman o kung anu-ano pa man. Hindi na ako kumatok at basta ko na lamang binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si lola na nakaupo sa sala at nagbuburda. Nagbuburda? Kailan natutong magburda si lola? Hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin saka lumapit sa kanya."Lola!" Sabi ko at inayakap siya. "Apo, ang aga mo ata. Wala ka bang pasok?" Tanong niya. Umiling na lang ako bilang sagot. "Akala ko po kasi may masamang nangyari sayo kaya nagmadali kaming umuwi." Pagpapaliwanag ko. "Lola Den!" Bigla namang singit ni Gust saka nagmano sa lola ko.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga malapit sa hagdan samantalang si lola at si Gust at nakatayo, nakatitig sa mga mata ng isa't isa. "Nasaan si Lola Den?" Tanong ni Gust sa lola ko. Tinignan ko naman ang lola ko at napansin kong nag iba ang kulay ng kanyang mga mata. Naging pula ito. "Ako pa rin ito, Gust. Hindi mo ba ako nakikilala?" Sagot naman ni lola, ngunit sa nakakatakot na boses. Hindi iyon ang lola ko!

Pero kung hindi siya ang lola ko, nasaan ang tunay na lola ko?

Nagsimula na akong kabahan sa posibleng kinanalagyan ni lola. Dahan- dahan akong tumayo. "Nasaan si lola?" Tanong ko. Napatingin sakin si Gust ay ang impostora.
"Nandito ako apo. Gusto mo ba akong mayakap?" Sabi niya at inilahad ang kanyang mga braso para yakapin ako. Humakbang siya ng isa palapit sakin ngunit isang malakas na hangin ang nagpatigil sa kanya. Unti-unting may nabubuong isang wind barrier sa paligid ng impostora. Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Totoo ba ito? Tinignan ko naman si Gust at nakita kong ang seryosong itsura nito habang isiniwasiwas ang kamay na mukhang kino-control ang wind barrier.

"A-anong nangyayari Gust? S-sino ka ba talaga?" Tanong ko. Narinig ko ang paggaralgal ng boses ko. "Ipapaliwanag ko sayo lahat, pero hindi ngayon. Please umalis ka na. Hindi ka nila dapat makuha!" Sigaw niya. Ngunit sa isang iglap lang ay nawala ang malakas na wind barrier na ginawa ni Gust. Tumawa sa nakakatakot na bosea ang impostora saka tumingin sakin. "Nasa akin ang pinakamamahal mong lola. Kung gusto mo siyang makita ay sumama ka sakin." Sabi niya at nakangisi. Bigla naman siyang sinugod ni Gust ng makatayo ito. Isang malaking eapada na gawa sa hangin ang inilabas niya at saka inatake ang impostora.

"Umalis ka na Alex!" Muling sigaw ni Gust. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa nakikita ko, ngunit hanggat hindi ko pa nakikita si lola ay hindi ako mapapanatag. "W-wala si lola!" Sagot ko sa kanya. Nakita kong papunta sa direksyon ko ang isang kutsilyong umaapoy. Agad ko itong naiwasan. "Alex ano ba, umalis ka na." Pagmamakaawa ni Gust. Aalis na sana ako ngunit ng makita kong hawak na ng impostora ang nanghihinang si Gust sa lalamunan nito ay napatigil ako. Nakita kong nahihirapan na si Gust huminga kaya agad among humanap ng maaarung ibato. Nakita ko ang gunting na itinutok ko kanina kay Gust. Agad ko itong kinuha at walang alinlangang itinapon ito papunta sa impostora. Tinamaan ito sa kanyang lalamunan kaya nabitawan niya si Gust na ngayon ay hinahabol ang hininga. Ginamit ko ang pagkakatong iyon para tulungang tumayo si Gust at makalayo mula sa impostora.

Paika-ika kaming tumakbo papasok sa kagubatan. Saulo ko na ang pasikot-dikot ng gubat na ito kaya alam kong hindi kami maliligaw. May nahanap akong isang kweba malapit sa isang maliit na talon sa gitna ng gubat. Doon kami pupunta. Malapit na kami sa kweba ng tuluyang bumigay ang mga paa ni Gust at bumagsak kami. "Gust! Konti na lang." Sabi ko ngunit umiling siya. Nagpasya akong iupo na lamang siya sa isang puno ng narra. Tinignan ko ang kanyang katawan at mukha na ngayon ay puno ng dugo mula sa kanyang sugat. "G-Gust, please ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong ko sa kanya. Nararamdaman ko na ang mga namumuong luha sa mata ko. Una ay dahil hindi ko alam kung nasaan si lola, pangalawa ay sugatan at sobrang naghihina na si Gust at pangatlo ay may kapangyarihan si Gust at may impostora si lola na balak akong kunin.

"H-huwag kang s-sasama sa kanila. Gagami—"

Isang malakas na pagtawa ang narinig namin ni Gust na nagpatigil sa kanyang pagsasalita. Agad na lumitaw sa harap namin ang impostora habang tumatawa. Tumayo ako at hinarap siya kahit ang mukha ko ay punung-puno na ng luha.

"Just come with me, and the boy will be spared." Sabi niya. "Huwag mo na siya saktan. Wala siyang kinala—"

"Wala nga ba?! Isa kang hangal! Wala kang alam!" Pagpuputol niya sakin. Agad nagsigalawan ang mga puno. Ang isa ay tuluyang tumayo at akmang susuntukin ako. Damn! Naiwasan ko ito ngunit may isa pa palang nilalang sa likod ko. Tinamaan niya ako at tumilapon na lang ako malapit sa impostora. "A-Alex!" Narinig kong sigaw ni Gust. Napadaing na lamang ako at napahawak sa balikat ko. Puno na ito ng dugo at hindi ko na ito maigalaw.

Ito na ba ang katapusan ko?

Akmang hahawakan na ako ng impostora ng biglang hindi ito nakagalaw. Pati ang mga puno na kanina'y gumagaalw ay tumigil din. Sinubukang pumalag ng impostora ngunit hindi siya makatakas mula sa pwersang iyon. "Huwag niyong kukunin ang apo ko." Ang boses na iyon! Nilingon ko ito at nakita ko si lola na puno ng galos sa braso, binti at mukha. Nakalahad ang kanyang mga kamay, na tila sa kanya nanggagaling ang pwersang iyon. Sandali, may kapangyarihan din si lola?

Tumayo ako upang salubungin si lola. Ngumiti siya, parang sinasabing magiging maayos din ang lahat. Ngumiti din ako sa kanya, telling her that I'm okay. Napawi lang ang ngiti ko ng makita ko ang isang anino sa likod ni lola. Sa kamay nito ay isang kulay ube na bola. Agad kong nahulaan ang gagawin niya kaya dali-dali akong tumakbo papunta kay lola.

Everthing seems to slowed down. Nakikita ko ng malinaw kung paano tumama ang bolang iyon sa katawan ni lola, ilang segundo lang matapos ko siyang mayakap. Malakas ang pwersa ng bolang iyon dahil pareho kaming tumilapon ni lola. Hindi ko na inalintana kahit sobrang sakit na ng katawan ko ay pinilit kong gumapang upang makalapit kay lola, na ngayon ay naghihina na rin. Muli kong narinig ang tawa ng impostora na tila tuwang tuwa pa sa pagdurusa naming lahat. "L-Lola, ikaw po ang magpapaliwanag s-sa akin ng lahat ng ito ah?" Sabi ko sa kanya para magkaroon siya ng rason para hindi bumitaw sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Sasagot na sana siya ng bigla akong lumutang sa ere. Nabitawan ko ang kamay ni lola. Ngayon ay nasa isang malaking bula ako na gawa sa salamin. "Lola!" Sigaw ko sa loob ngunit mukhang hindi naman niya naririnig.

"You will come with us. Matagal na kaming naghihintay sa iyo. Limang daang taon ay masyado ng matagal." Sabi ng impostora. Ano ba talaga ang meron sa akin? Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang kumirot iyon. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kirot na iyon. Kumakalat igon sa bawat parte ng katawan ko.

Pinilit kong imulat muli ang aking mata. Sa pagmulat ko ay nakita ko ang lalaking may kulay ube na bola sa kamay kanina. Palapit siya sa lola kong pilit na nilalaban pa siya. "Lola! No, huwag niyo gagalawin ang lola ko! Sasama ako kung gusto niyo! Please!" Pagmamakaawa ko, ngunit hindi nila ako pinakinggan, bagkus ay tinawanan lang ako ng impostora. "Manuod ka! Panuorin mo kung paano mamatay ang iyong lola sa kamay ng aking tauhan." Sabi niya. "No, please. Huwag ang lola ko!" Tumingin ako, at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang unti-unting panghihina ni lola habang pikit na nilalabanan ang atake ng kaaway, hanggang sa mapaluhod siya. Tuluyang bumagsak ang aking mga luha ng walang alinlangan niyang saksakin sa puso ang lola ko. Kasabay ng pagbagsak ng wala ng buhay na katawan ng aking lola ay ang pagbagsak ng aking kwintas sa bolang salamin na gumawa ng kakaibang ingay.

The amulet turned completely black, and fell on the glass bubble, cracked.



❄❄❄❄❄❄❄❄❄




Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon