Chapter 40: Purity

379 13 6
                                    

Everything looked scary.

Madilim ang langit.

Madalas ang pagkulog at pagkidlat.

Makakapal at maiitim ang ulap.

Malakas ang ihip hangin.

Nakadagdag sa takot ng mga estudyante at ng buong faculty nang sa isang iglap ay nasa harapan ng kanilang paaralan ang demonyo.

"Hello, children." Sabi nito sa nakakatakot na boses.

Agad na naging alerto ang buong A-Team, sa tulong ng bagong kapangyarihan at lakas na ibinigay ng Enchantress.

Kitang ng lahat kung gaano kabilis nakabuo ng isang malaking enery ball ang nilalang saka itinutok sa barrier.

Pero hindi hinayaan ng Enchantress na may mangyari sa kanila. Agad itong tumalima, at sa isang iglap ay nahawakan ang kamay nito.

The energy ball quickly disappeared.

Para namang napaso ang demonyo at mabilis na napalayo.

"Huwag mo akong pigilan!" Nanggagalaiti nitong sabi.

Tumitig lamang ang Enchantress.

"Huwag mong idamay ang mga bata sa labang ito. Sa nagdaang mga taon, nakontrol mo ako at ang kapangyarihan ng Puti na ipinagkaloob mismo ng Maykapal."

Itinaas ng Enchantress ang kamay nito, at liban sa kaalaman ng lahat ay tumigil ang oras. Ito ay para mapigilan ng Enchantress ang mga karagdagang pinsala na maaring gawin ng kaniyang kaharap.

"Ngayon ay alam ko na ang totoo. Hindi na ako papayag na magamit mong muli-"

"Ginawa ko lamang iyon para sa lahat ng nasasakupan ko, Enchantress!"

The Enchantress was taken aback. Hindi niya inaasahang ang galit sa pahayag ng demonyo.

"They suffered far more than those brats! Naiintindihan mo ba ako? Sa ilang libong taon na paninirahan sa ibaba, nakita at naramdaman ko ang hirap sa kanilang kaluluwa."

Naglakad palayo ang demonyo na agad naming sinundan ng Enchantress ng tingin.

"There are souls down there.. they just wanted to vent out anger. Nais lamang nila mailabas ang panghihinayang at pagkabigo noong sila ay nabubuhay pa."

Ikinuyom ng demonyo ang kaniyang mga kamay. "Gusto ko sa kanila ibigay iyon, Enchantress. Bilang isang pinuno."

Huminga ito ng malalim. "Demonyo ako, oo pero ang mga kaluluwang naipapadala sa ibaba ay dapat hindi ko pamunuan. Hindi sila kabilang sa masasama." Makahulugan nitong sabi.

"Pero mali din ang gambalain ang mga mortal para lamang sa nais ng kaluluwa." Nakataas pa rin ang kamay nito.

"At hindi mo dapat sila pagbigyan."

Sa sinabi ng diwata ay ibinaba nito ang kamay, at agad na nabalot ang katawan nito ng isang liwanag na na hindi kayang tignan ng mga masasama.

The demon quickly looked away and screamed in pain.

It was the deity's healing light.

Her most powerful purifying rays.

"This is not the end, Enchantress. Soon.. you will need me." Makahulugang pahayag ng demonyo. "Kakailanganin mo ang aming tulong.."

Huling sabi nito bago dali-daling umalis at bumalik sa baba. Pati ang lahat ng kampon nito ay naglaho bigla. Walang natira kahit abo.

Naiwan ang Enchantress sa lugar nang nakatigil ang oras.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon