Chapter 29: Bayan

1.6K 35 2
                                    

Tahimik na umiiyak si Alex habang naglalakad sila ni Luke sa gitna ng syudad. Karamihan ay napapatingin sa kanila dahil sa suot ni Alex. Mukha silang umattend ng JS Prom at tumakas kahit hindi pa tapos ang programme.

Nauunang maglakad si Luke ngunit hawak nito ang kanyang kamay. "Malapit na tayo, Alex." Mahinang tugon ni Luke. Huminto siya nang di sumagot si Alex. Nilingon niya ito at nakita niyang nakayuko lang ang babae.

Nilapitan niya si Alex at iniangat ang mukha nitong napupuno ng luha. Sandaling napatigil si Luke. Something tugged in his heart. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay saka pinunasan ang luha sa mga mata nito.

"Malapit na tayo sa paaralan, Alex. Malapit mo nang makita ang iyong lola." Tumingin sa kanyang mga mata si Alex. He held his breath. What is this feeling? Why am I hurting?

"T-tama ka, Luke. Pasensya na, hindi ko lang maiwasang malungkot sa sinabi ni Sir Mike." Pag-aamin ni Alex.

Muli silang naglakad hanggang marating nila ang paaralan. Walang kahirap-hirap na nakapasok ang dalawa dahil na rin sa kapangyarihan ni Luke.

"Bakit mo pala ako tinutulungan Luke? P-paano mo nalaman ang plano ko?" Kanina pa gustong itanong ito ni Alex.

Hinarap siya ni Luke at huminga ito ng malalim. Kinabahan siya sa maaaring sabihin ng lalaki ngunit mas nangibabaw ang tiwala. Kahit papaano'y magaan ang loob niya kay Luke kaya hindi niya naiisip na isa pala itong traydor. Ito ang lalaking kukuha sa kanyang buhay. Na ito ang lalaking maghahatid ng kapahamakan sa kanya.

"Nandito ako para ihatid ka sa 2nd Gate Of Hell. Naroroon ang iyong lola. Kailangan mo siyang mailabas bago sumapit ang ikatlo ng umaga. Sa oras na yan nagsasara ang portal. Sa ibang lugar naman iyon nagbubukas at maaaring matagalan ka pa sa paghahanap nun." Hinawakan niya ang kamay ni Alex.

"Nasa bayan ng San Terraza ang lola mo, Alex. She needs you." Dahan-dahang tumango si Alex. Right. All that matters is that she saves her grandmother. Saka na niya iisipin ang iba psng bagay.

Tipid na ngumiti si Luke saka hinila muli si Alex. Their hands were intertwined, and it causes Luke's heart to palpitate. Parang may kung anong bagay ang nagpapawala ng hangin sa kanyang baga. Bagay nahindi maramdaman ni Alex ngayon. Magkahawak-kamay sila ni Luke ngunit wala siyang maramdaman.

Naging pamilyar kay Alex ang daang tinatahak nila, hanggang sa napanganga na langvsiya nang huminto sila kung saan siya tumatambay noon. Tiningala niya ang punong dati-rati'y inaakyat niya para magpahangin. Nandoon pa rin ang sangang kakaiba ang hugis na dati'y sinasabitan niya ng bag.

Hindi siya makapaniwalang ang tinatanaw niya noon ay isang lagusan.

Iniharap ni Luke sa kanya si Alex saka niyakap. "I can't come with you, Alex."

Bumitiw sa yakap si Alex saka tinignan ang kaibigan. "B-bakit?"

"Hindi ito ang misyon ko Alex, at kapag nilabag ko ito ay maaaring mawala ako."

Hindi makapagsalita si Alex. Mawala?

"Wala ng oras. Lakarin mo ang daanang iyan. Makakapasok ka sa bukana ng bayan. Hanapin mo ang iyong lola at umalis kaagad kayo. Huwag kang lilingon Alex. Kahit anong mangyari ay huwag kang lilingon." Pagbabanta ni Luke. Sasagot na sana siya ngunit itinulak siya nito palakad. Pag lingon niya'y wala ng Luke ang nakatayo doon.

She exhaled loudly. Kaya ko 'to.

Sa parehong kamay ay iniangat niya ang suot na dress saka tinahak ang daan. Kahit matalib ang daan ay dire-diretso lang siyang naglakad.

Apo...

Napatigil si Alex. Narinig niyang muli ang boses ng kanyang lola. Base sa boses nito'y nanghihina na ito, kaya minabuti na lang niyang tumakbo. Tumakbo siya kahit halos madapa na siya at sumubsob sa damuhan dahil sa kaniyang sapatos. Tumugil siya saglit upang alisin ang sapin sa paa bago ipinagpatuloy ang pagtakbo.

Walang naramdamang kakaiba si Alex. Basta ang alam niya'y nakatayo na siya sa harap ng isang mataas at malapad na poste. Nag iba na rin ang kulay ng langit. Naging kulay kahel at pula ang langit dahil papaulbog na ang araw. Pamilyar ang posteng iyon kaya minabuti niyang lumapit. Nakita na niya iyon.

"San Terraza" basa niya sa posteng iyon. Ito na iyon. Sigurado siyang iyon na ang palatandaang nasa bukana na siya ng bayan ng San Terraza.

Muli ay tumakbo siya papasok. Mas tumaas ang mga talahib kaya nahirapan siya lalo na't nakadress pa rin siya. Sugat-sugat na rin ang kanyang paa dahil nakayapak na lang siya pero wala siyang pakialam. Basta mahanap niya lang ang kaniyang lola.

Narating ni Alex ang gitna ng bayan. Pamilyar rin dahil nakita niya na ito sa panaginip. Inilibot niya ang kanyang paningin. Kahit matagal na ang bayang iyon ay may natitira pa ring bakas ng sibilisasyon. May mga haligi pa ng mga bahay na may bakas ng sunog ang nakatayo. Sa hindi maipaliwanag ay naipreserve ang munting bayan. Sa dulo ay nakikita niya ang tira ng sa tingin niya ay ang dating simbahan. Iyon ang unan niyang pinuntahan.

Sinilip niya ang simbahan. Kalahating bahagi nalamang nito ang may bubong at wala na ang mga imahe.

"Lola?" She called out, but no one answered.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Alex. Agad niyang nilisan ang simbahan at naglakad-lakad pa, ngunit ang natira na lang doon ay mga bahay na sira-sira.

Inilibot niya pa ang tingin. Ang sabi ni Luke, nandito si lola. Pero saan?

Napahawak si Alex sa kanyang dibdib nang bahagya itong kumirot. Mabilis din naman itong nawala.

Apo..

Napalingon si Alex sa gawing kanan niya. Dahil tahimik sa bayang iyon ay rinig na rinig niya ang magandang tunog na nililikha ng dagat. Agad siyang tumakbo palapit doon, at bumungad sa kanya ang sinaunang lighthouse. Tanaw niya iyon sa kanyang pwesto ngunit kakailanganin niyang umikot sa gubat dahil nakatayo na siya isang bangin.

Sa ibaba niya ang asul na asul na tubig dagat. Hindi na siya nag aksaya pa ng panahon. Mulibsiya tumakbo papasok ng gubat, lumiko pakanan hanggang sa marating niya kung nasaan ang matayog na lighthouse.

Wala na itong pinto kaya dire-diretso lang siya. Inakyat niya ang pa-spiral na hagdaanan hanggang sa marating niya ang tuktok.

Halos mapaluhod si Alex nang makita na niya ang kanyang lola. Nakatali ang kamay nito sa dingding at nakahiga sa gitna ng isang bilog na napapaligiran pa ng maliliit at mamalaking bilog. May mga nakasulat din sa bilog na ito na hindi niya mabasa.

Agad niyang nilapitan ang kanyang lola na pumayat. Maaaring matagal na siyang nakatali roon. "Lola.." Paiyak na siya nang mag angat ito ng tingin sa kanya. Nagtaka siya nang mabilis na mangunot ang noo ng kanyang lola.

"A-Apo?"

"O-Opo lola ako 'to." hindi na napigilan pa ni Alex ang kanyang mga luha at kusa na itong bumuhos.

"A-Anong— bakit ka nandito? H-hindi ka dapat naririto apo! Tumakas ka na, paki—"

Naputol ang sinasabi ng matanda nang isang itim na portal ang lumitaw. Hawig ito ng mga portal na ginagawa ni Zero.

Napatayo si Alex nang makita kung sino ang lumabas doon.

"Hello, pathetic girl. You missed me?" Isang nakangising Chesca ang bumati sa kaniya. Nakakapanibago dahil medyo payat na ito at maikli na ang buhok, ngunit hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin.

Mas napansin niya kasi ang lalaking nakaitim sa gilid ni Chesca. Seryoso itong nakatingin sa kanya. They have the same dark orbs, stance and even aura. Kamukhang kamukha talaga ng lalaking iyon si Zero.




---
Anyeooooong! Sorry for the slow update.

Comments your thoughts! Vote niyo na rin para masaya.
You can also follow me and be friends! 💕

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon