Chapter 32: A Darker Day

1.7K 31 6
                                    

Enjoy!

Chapter 32: A Darker Day

Nagising si Alex sa isang kwartong puti. Kinusot niya pa ang kanyang mga mata dahil sa di kalayuan ay may nakikita siyang imahe na kamukha ni Luke.

"Luke?" Tawag niya dito. Tumayo siya at muling tinawag ang kaibigan.

"Gising ka na pala." Sagot nito ng nakangiti.

Napangiti din si Alex, ngunit mas nangibabaw ang kuryosidad niya kung paano at nasaan siya, at kung bakit si Luke lang ang nandito. Luminga-linga siya sa paligid.

"Nasaan tayo? Nasaan sina Sierra?" Tanong niya. Napatingin naman siya sa kanyang suot: isang puting bestida. Nakayapak lang siya at nakalugay ang kanyang mahabang buhok.

"Bakit ganito ang suot ko?" Pahabol niyang tanong.

Tinignan lamang siya ni Luke, at makalipas ng ilang minuto ay saka pa lamang ito sumagot.

"Wala ka bang naaalala bago ka napunta rito?"

Alex was taken aback. Kumunot ang kanyang noo, pilit na inaalala ang lahat.

Napatakip siya ng bibig nang parang tubig na rumagasa ang alaala sa kanya. Mula sa pagtakas niya sa paaralan, sa pagtulong ni Luke, pagligtas sa kanya ng kanyang mga kaibigan at—

Napahawak sa kanyang dibdib si Alex. "Patay na ako?"

Isang malungkot na tingin lang ang ibinigay ni Luke sa kanya para makumpira ang kanyang hinala.

Tears started to fall from her eyes. Hindi siya makapaniwalang patay na pala siya. Unti-unting lumapit si Luke sa kanya hanggang sa niyakap siya nito.

Napahagulgol naman si Alex sa dibdib ng kaibigan. Her death was so sudden, that her soul didn't even had a chance to ready itself.

Alex cried her heart out. The lies, the revelations, the what ifs, everything.

-

Noxrien Academy was on high alert. Unti-unti na kasi nilang nararamdaman ang kadiliman na paparating.

Lahat ng estudyante sa paaralang ito ay mukhang napaaga ang pagtatapos. Lahat kasi ng kanilang natutunan sa paaralan ay para sa ikabubuti ng komunidad.

At ngayon ay isa-isang umaalis ang mga estudyante papunta sa mga naka assign na area sa kanila. Tumataas na kasi ang crime rate sa bayan. Ibig sabihin ay nakabukas ang bukana ng Hell, at ang mga masasamang elemento ay sumisingaw at sumasanib sa mga tao.

"Pang-ilang stick ng yosi mo na yan, Zero?" Tanong ni Sierra ngunit hindi siya pinansin nito. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana at humihithit.

"Alex wouldn't like that." Doon napatigil si Zero at agad na tinapon ang bagong sindi na sigarilyo.

"Tsk." Humiga na lang ito sa kanyang kama at sinikap na matulog.

A-list was restless. Nandoon pa rin kasi ang bigat sa pakiramdam na dala ng pagkawala ng kanilang kaibigan. Mabilis kasi ang lahat ng pangyayari.

And it all happened a week ago.

Maski si Lola Den na isa sa pinakamagagaling na spellcaster ay halos di na rin natutulog, makahanap lang ng isang spell na magpapabalik sa kanyang apo.

"If they decided to attack, we will be the first gate of humanity. Dapat mapuksa natin sila dito at wala akong pakialam kung masira ang school. We should stop them at all cost." Ito ang mga naging pahayag ni Ms. Noxrien sa kanyang mga estudyante.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon