Chapter 5: Into the Forest

2.7K 47 1
                                    

Nagising akong muli sa isang silid na puro puti. Pinilit kong umupo, and this time ay wala ng mga braso ang pumigil sakin. Ng makaupo ako ay saka ko lang nakita ang isang IV na nakakabit sa aking kamay. Napansin ko rin na isang mahabang bestidang puti na lamang ang suot ko.

Ilang araw ba akong tulog?

Nakita ko ang isang basong tubig sa bedside table na may nakapatong na isang vase na puno ng pulang bulaklak. Ininom ko ito dahil nararamdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Pagkatapos ay ibinalik ko ito sa table at tinignan ang buong silid. May malaking bintana sa kanan ko at nakikita ko ang maraming punong kahoy. Maliban sa table at malaking bintana ay wala ng kakaiba sa silid na iyon. Nagpasya akong tumayo. Dahan-dahan kong inunat ang aking mga paa. Ng maikondisyon ko na ang mga ito ay hinila ko ang IV stand at ginawa ko iyong tulong sa paglalakad ko. May gulong naman ang IV stand kaya malaki ang naitulong nito. Gamit ang IV stand ay naglakad ako palapit sa malaking bintana.

I missed this. Parang ang tagal ko ng hindi nakakapunta sa gubat. Habang nakatingin ako sa tanawin ay unti-unti kong naaalala ang mga nangyari. Mula sa umuwi ako sa bahay at nadatnan ang isang nilalang na nagpanggap na lola ko, kay Gust na kayang manipulahin ang hangin hanggang sa senaryo kung saan nabasag ang amulet. Napahawak ako sa aking leeg kung saan nakalagay noon ang amulet. Matapos nun ay wala na akong maalala pa.

"How are you feeling?" Napalingon ako sa nagmamay ari ng baritonong boses na iyon. Siya ang lalaking may asul na mga mata. May dala itong isang tray na may lamang tubig at mga gamot. Pumasok siya at ipinatong sa mesa ang dala niya saka nakapamulsang lumapit sakin. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sakin. "I-ilang araw na b-ba akong—"

"Stop. Don't talk just yet. Your body is still adjusting. Are you sore?" Pagpuputol niya sakin. Ramdam ko ngang hindi ako nakakapagsalita ng maayos dahil maaaring naapektuhan ang boses ko. Pero hindi ko maalala kung paano naapektuhan ang boses ko. Dala ba ito ng mabasag ang amulet? Umiling na lang ako bilang sagot. "Good. Tatlong araw kang tulog." Sabi niya at naglakad pabalik sa mesa. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ang tagal kong natulog. Kinuha niya muli ang dala niyang tray at itinapat iyon sakin. "Drink and I'll take you there." Sabi niya saka tumingin sa tanawin na tinitignan ko.Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Nagliwanag ang mga mata ko at napangiti ako ng sabihin niyang dadalhin niya ako sa gubat. Tumango ako ako saka kinuha ang tatlong tableta ng gamot saka ininom ng sabay-sabay at uminom ng tubig. Pagkatapos nun ay tumingin ako sa lalaking may asul na mga mata na ngayon ay may maliit na ngiti sa kanyang labi. "Silly." Sabi niya saka ibinalik sa mesa ang tray. Bumalik siya sa tapat ko at hinawakan ay IV stand at ang kamay ko.

I blushed as I looked at our hands intertwined. Is this what they called holding hands? "Don't put a meaning to this." Sabi niya na agad nagpasimangot sakin. Ang galing niya manira ng moment!

Unti-unti naman kaming binalot ng itim na usok, at sa isang iglap ay nasa gubat na ako. Nakikita ko mula sa kinatatayuan ko ang bintana kung saan ako nakasilip kanina. Wait, did he just teleported?!

"D-did we j-just—"

Tinignan niya lang ako ng masama kaya agad napatikom ang bibig ko. Napabuntong hininga na lang ako saka naglakad papasok ng gubat. Nakailang hakbang pa lang ako ng pinigilan niya ako. "Hanggang dito lang ang pwedeng puntahan." Sabi niya. Umiling ako at itinuro ang mga puno. "S-seventh t-tree" sabi ko. Tinutukoy ko na sa pang pitong puno ako magpapahinga. "Fine." Sabi niya saka binuhat sa isang kamay niya ang IV stand at ang kamay naman niya ay pumulupot sa bewang ko. Hindi na ako nagreact sa pagkakahawak niya sa akin dahil alam kong susupladahan niya lang ako. Sa tulong niya ay mabilis kaming nakarating sa pang pitong puno. Isa itong malaki at mayabong na puno ng narra. Pumikit ako at inamoy ang sariwang hangin. I instantly felt at ease.

Umupo ako sa damo at sumandal ako sa katawan ng puno. Nakakuha naman ako ng kakaibang tingin mula sa lalaking may asul na mata. Iniwas ko na lang sa kanya ang tingin ko saka pumikit. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bukod sa nanghihina pa ako ay wala na akong ibang maramdaman. Hindi ko na rin alam kung gaano ako katagal nakaupo sa gubat, at hindi na rin ako inistorbo ng lalaking may asul na mata.

"Nandito ka lang pala apo." Napamulat ako ng marinig ko ang boses na iyon. Agad kong nakita si lola na nakatayo sa paanan ko. Tumayo ako at agad na niyakap siya. "L-lola.." Agad nag unahan ang mga luha ko ng mayakap ko na ang nag iisa kong kapamilya. "Napaka iyakin mo talaga apo ko. Tama na hindi pa ko patay. Huwag mo akong iyakan." Sabi ni lola na nakatanggap ng isang mahinang hampas galing sakin. She just chuckled and wiped my tears. "Naalala mo pa yung sinabi mo sakin sa gubat?" Tanong niya. "K-kwento.." Sabi ko na ikinangiti niya. "Ikukwento ko sayo lahat, pero hindi dito sa gubat apo ko." Sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Tumingin si lola sa lalaking may asul na mata saka tumango siya rito. Agad na lumapit ang lalaki saka hinawakan kami ni lola. Ako naman ay hinawakan ko ang IV stand.

Katulad ng nangyari kanina ay agad kaming nakabalik sa silid, pero hindi lang kami ang naroon. Nandoon si Gust na kaunti na lamang ang mga benda sa kanyang mukha at may kasama siyang babae na nakaputi. Isa lang ang napansin ko sakanya, her aura shouts authority.

Lumapit si Gust para sana yakapin ako pero agad na humarang si lola. "Aba, hindi porket nagpatulong ako sayo ay basta-basta mo na lang mahahawakan ang apo ko." Pagtataray niya kay Gust. Napakamot na lang siya sa batok at humingi ng tawad kay lola. Ako naman ay naupo na muna sa kama. "Apo, gusto ko sa'yo ipakilala ang principal ng school na ito." Napatingin ako kay lola ng sabihin niya iyon. Nangunot ang noo ko. Nasa isang school ako at hindi hospital? Nakita ni lola ang pangungunot ng noo ko. "Nasa infirmary ka ng isang school apo ko." Tumayo ang babaeng nakaputi na sa tingin ko ay nasa edad 25 pa lang. Tinapik niya si lola sa balikat. "Ako na po ang magpapaliwanag, Lola." Sabi niya at nginitian ang lola ko.

Lumapit siya at tumayo malapit sa kama kung saan ako nakaupo. Inilahad niya ang kanyang kamay. "I am Eila Noxrien. In behalf of all the students and professors, I welcome you to Noxrien Academy, Ms. Alexandra Chant."

❄❄❄❄❄❄

PS. Noxrien is read as No-ri-yen, not Nox-ryen or Nox-ri-yen.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon