Chapter 33: Darkest Days

1.4K 33 3
                                    

"Hindi ko ba pwedeng malaman kung anong nangyari sa kanila?" Tanong ni Alex kay Luke na kasalukuyang nakaupo paharap sa kanya at abala sa pagsusulat sa isang scroll.

"Kahit saglit lang Luke?" Dagdag niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Luke. Tumigil ito sa pagsusulat at tumingin sa kanya.

"It's forbidden Alex. Hindi pwedeng bumalik sa lupa ang mga kaluluwa para lang makita ang mga buhay. Kapag ginawa mo iyon, hindi ka na pwede sa afterlife. You'll be stuck there."

Nalungkot si Alex sa narinig. "Ibig sabihin, magiging multo ako?"

Nagkibit balikat si Luke. "Possibly. You'll be a wandering soul without purpose, pero hindi ko hahayaang mangyari iyon. I'm your reaper after all."

Napaisip si Alex. Kung pipilitin niyang makita sila ay maaaring ikapahamak niya.

But I don't want to go up there!

"Are you seriously considering what I've said? Hindi ka pwedeng bumalik sa lupa Alex. Iyon na yon. Huwag mo na—"

"Bakit ayaw mong bumaba ako? May hindi ba dapat akong makita?"

Luke was taken aback. Hindi niya inaasahan ang tanong ni Alex.

"Anong nangyayari? Sabihin mo ang totoo Luke." He saw the sadness in her eyes. Talagang bukal ang kalooban nito na maski sa kabilang buhay ay ang mga mahal pa rin ang iniisip.

He sighed. "Fine. I can take you to there pero isang oras lang ang itatagal natin."

Natuwa si Alex sa narinig kaya niyakap niya ang kaibgan. "Thank you Luke!"

"Pero may kondisyon."

Humiwalay si Alex sa yakap saka tinignan ang kaibigan. "Ano iyon?"

"We have to borrow energy."

"Borrow? Kanino?"

"Sa Enchantress."

-

"Not until you give back that body." Sagot ni Zero sa Enchantress.

"I can't do that, dear. This is mine now. And the girl you admire is probably up there, ready to leave you forever."

Nainis si Zero sa narinig. Alam niyang walang kasiguraduhan na maibabalik pa si Alex sa katawan nito pero sa kaloob-looban niya'y umaasa pa rin siya.

Inatake ni Zero ang isang halimaw na humarang sa kanyang harapan na mabilis lang niyang natapos.

"What happened to you? You were our protector, our guardian." Humigpit ang hawak ni Zero sa kanyang punyal.

"Yet here you are, destroying people's lives."

Napatayo ang Enchantress mula sa trono nito. "You did this to me! People did this to me! Ibinigay ko sainyo lahat lahat, pero hindi ako humingi ng kapalit. I never did."

Tumingin ito kay Wrath na kamukha ng lalaking una nitong inibig. Panandalian siyang nalungkot. Kung hindi lang ito nadamay sa gulo noon, magiging ganito kaya siya?

"But I fell, and the people took him from me. Iyon na lang nga ang kasiyahan ko kinuha niyo pa. Selfish people should suffer. They should be punished!"

Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi agad nakagalaw si Zero nang magpakawala ng isang malakas at mabilis na enerhiya ang Enchantress. Ang nagawa niya lang ay ang pumikit at hintaying tumama ito sa kanya.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon