Chapter 13: Rampage

1.9K 42 1
                                    

Mabilis akong bumangon at tinignan si Grapes sa braso ko. Hindi ko na pinansin ang sakit ng katawan ko. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko. Grapes took that ball for me. Nakita ko kung paano bumaon sa maliit na katawan nito ang bola. "Grapes?" I mumbled saka hinimas ang katawan niya. To my surprise, she wiggled and meowed at me. Mukhang hindi nasugatan o nasaktan man lang si Grapes.

"That is no ordinary cat, Ms. Chant." Napatingala ako at nakita ko si Sir Mike na nakalahad ang kamay sakin. Kinuha ko ito at tinulungan niya akong tumayo. "Amazing cat. If it weren't for her, you would be badly injured." Sabi niya saka tinignan ako.

Agad na lumapit si Sierra at Amber sakin. Nakita kong halos walang galos sa katawan si Sierra samantalang si Amber naman ay kakaunti lamang kumpara sakin. "Ayos ka lang ba?" Nag aalala nilang tanong. Tumango lang ako.

"Good morning students. I am Mike Espinas and I will be your P.E and History teacher." Sabi niya saka tumingin sa aming lahat. "As to my observations sa nangyari kanina, nag improve ang inyong reflexes and senses. Well of course except for the new recruits." Sabi niya at tumingin sa gawi namin ni Amber.

"So I've decided to give your midterm assignment."

"Hala, agad-agad sir?" Tanong ni Sierra.

"Sir, prelims pa lang tayo ah." Sabi naman ni Gust.

"I know. But what I am assigning you to do requires time quite frankly. So for your midterm examination, mangyayari ulit ang dodge ball. This time, it will be a lot faster. Your assignment is to teach and train the rookies until midterm."

"Woah." Reaction ni Faunt.

"You will train during the P.E class hours starting next week okay?"

"Yes sir." Sagot naming lahat.

"That will be all. May tira pa kayong 45 minutes sa oras ko. You can use it for rest. Bumalik kayo rito mamaya para sa history class." Sabi niya saka biglang nawala.

"Bumalik tayo sa dorm. Alex and Amber, magbihis kayo. Tatawagan ko ang registrar para sa spare uniform." Faunt and his commanding voice. Iba din pala ang epekto nito sa amin. Lahat ay napatango na lang at sumunod sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa gawi ni Zero at nakita kong nakatingin din siya sakin. Agad akong umiwas ng tingin.

Bakit ba lagi siyang nakatingin sakin?

Nakaalalay sa akin si Sierra habang naglalakad pabalik sa dorm. May mga nakasalubong kaming mga estudyante at kakaiba ang tingin nila sakin.

Malapit na kami sa dorm ng may humarang sa amin na tatlong babae. Nakahalukipkip sila at nakataas ang kilay samin. "Move Selene." Sabi ni Sierra.

Siya si Selene?

"Ngayon lang ako nakakita sa Class A na sugatan sa first day of school." Sabi naman niya saka tumawa. Nagsitawanan din ang mga kasamahan niya habang nakatingin sakin. Nangunot ang noo ko ng may makita akong kakaiba sa kanila.

"Yeah, maybe nagkamali ng desisyon ang leader."

"She's going to ruin A-list's reputation."

"Ano ba yan, ang hina naman. Haha!"

Hindi ko na napakinggan ang iba pa nilang sinabi. Nanlaki ang mata ko ng may unti-unting tymulong dugo mula sa ulo ni Selene. Pati sa mga kasamahan niya ay ganun din. I started to breathe heavily. Bakit hindi nila ramdam ang pagtulo ng kanilang dugo?

Tumingin ako kina Sierra at sa iba pang kasama ko. Pati sila ay may dugo sa ulo at sa damit.

Parang ako lang ang nakakakita nito.

"Ayos ka lang Alex?" Tanong ni Sierra ng napansin niyang hindi ako mapakali.

"Come on Selene. Move!" This time si Zero na ang sumigaw kaya naka ani na kami ng pansin mula sa ibang estudyante.

"Fine. Just because you said so babe." Sabi niya saka umalis kasama ang kanyang mga alipores.

Third Person's POV

Nagsimulang umiyak si Alex dahil sa nakikita niya. Bawat estudyanteng mahahagip ng tingin niya ay puno ng dugo. Hindi niya alam kung ilusyon lamang iyon o ano. Basta ang alam niya ay parang totoo iyon dahil amoy na amoy niya ang mapaklang amoy ng dugo.

"Alex? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Sierra kay Alex, ngunit nagsimula itong pumalag sa kanyang hawak.

"L-let me go! No!" Hiyaw ni Alex kaya nabitawan siya ni Sierra. Napaupo ito sa sahig. Lalapitan muli sana siya ni Sierra ng maramdaman nila ang isang malakas na pwersa na nanggagaling sa labas ng barrier ng paaralan. Pati ang mga guro at ang dean ay napatingin sa direksyong iyon.

"A-ang lakas!" Sabi ni Sierra.

Agad na nakapunta sa tabi ng A-list si Ms. Deen, sir Mike at si Ms. Noxrien.

"I've alerted already the other faculties." Sabi ni Sir Mike bago napansin si Alex na nakasalampak sa sahig. Hinawakan niya sa balikat si Alex. Laking gulat niya ng may malakas na kapangyarihan ang lumabas mula sa katawan nito. Tumilapon ang buong grupo sa malayo pero dahil sa kanilang kakayahan ay hindi naman sila nagalusan sa pagbagsak.


Sabay ng paglabas ng kapangyarihang iyon ay ang pag uga ng lupa. Sa lakas nito ay may bumukas ng lupa sa labas ng barrier ng paaralan. Ang mga puno malapit sa lupang ito ay bumigay at tuluyang nahulog sa bitak na iyon.

"Anong nangyayari kay Alex?" Tanong ni Sir Mike sa mga kasamahan nito.

"Hindi namin alam sir. Bigla na lang po siyang umiyak."Pagkukwento ni Sierra.

"Oh no. She's been triggered." Mahinang tugon ni Ms. Noxrien pero narinig ito ni Ms. Deen

A loud growl caught their attention. Nagmula ito sa bitak ng lupa malapit sa barrier.


"Demons." Bigkas ni Zero.

"That explains the power. Pero anong kinalaman dito ni Alex?" Tanong ni Amber.

Muli ay pumalahaw si Alex, sabay nito ay muling pag ungol ng halimaw. Isang itim kamay na may matutulis na kuko ang lumabas mula sa bitak. Agad itong nasundan ng isa pang kamay.

"Code Red!" Pag aanunsyo ni Ms. Noxrien, gamit ang kanyang kapangyarihan kaya narinig ito sa buong paaralan.

Matiwasay na nagsibalikan ang mga estudyante sa kanilang dorm.

Mas lumaki ang bitak ng lupa ng may halimaw na tuluyan ng nakalabas dito.

Isa itong matangkad na halimaw. Itim na itim ang kulay nito at may mapupulang mata at walang bibig. Payat ito kumpara sa ibang halimaw pero hindi mo aakalain sa kanya nanggagaling ang kapangyarihang iyon.



"Alex!" Sigaw ni Sierra ng mahawakan niya si Alex. Nakaupo pa rin ito at nakayuko. "Alex, kailangan nating—"



Napatigil magsalita si Sierra ng makita niya ang mga mata ni Alex. It was in deep crimson red, red as blood.


Nagsimulang maglakad palapit sa barrier ang halimaw. Nagulat ang lahat ng walang kahirap hirap nitong mawasak ang barrier.


Agad na nawala si Zero at lumitaw sa paanan ng halimaw. He chanted a few words, then a portal opened under the monster's feet. Nahulog ang halimaw sa portal na binuksan ni Zero, ngunit mabilis itong nakakapit sa lupa.



Umungol ito ng napakalakas bago magsalita.

"Huwag kayong mangialam dito. Hindi kayo ang pakay ko." Sabi nito sa nakakatakot na boses saka tumingin sa direksyon ni Alex.


"We need our queen back."






❄❄❄❄❄❄

Short I know. Sorry guys. Sembreak kasi pati ideas ko nasa sembreak din. Lol. Hi mga bes! Missed y'all. ❤

Vote and comment please. ✔

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon