Chapter 4: The Awakening

2.8K 45 0
                                    

Third Person's POV

Napatingin si Alex sa kanyang kwintas na ngayon ay kulay itim na at may bitak. Nanginig siya kasabay ng takot na unti-unting kumain sa kanya. Nagsimulang uminit ang pakiramdam ni Alex. Parang magkakaroon siya ng mataas na lagnat. Sumakit din ng todo ang kanyang dibdib. Napaluhod siya at pumikit, parang hinihila kasi nito ang kanyang ulirat. Narinig niya ang papahinang tawa ng impostora, hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

Ang impostora at ang kasama nito ay mga kampon ng demonyo. Ang misyon nito sa mundo ng mga tao ay makuha si Alex. Hindi nila akalain na maipapalabas nila ang pinakapakay nila. Ang Enchantress.
Napuno ng itim na usok ang loob ng bolang salamin kung nasaan si Alex.

Kinabahan si Gust na ngayon ay katabi ang katawan ni lola Den. Wala siyang alam sa totoong nangyayari. Ang sinabi lang sa kanya ni Lola Den ay may kapangyarihan si Alex. Humihingi ito sa kanya ng tulong upang bantayan ang kanyang apo, dahil malakas ang pakiramdam ng matanda na malapit ng magising ang kapangyarihan nito. Hindi dapat lumabas ang kapangyarihang ito sa katawan ni Alex, dahil maaaring hindi na makabalik si Alex at tuluyan ng ma control ang katawan nito. "Alex .."
Naiusal na lang niya sa hangin.

Ibinaba ng impostora ang bolang salamin na kanina ay nasa ere. Ramdam na niya ang kakaibang lakas ng diwata, pati ang poot at galit nito sa mga tao. Natahimik ang lahat ng magsimulang mabitak ang bola. Unti-unti itong nabitak hanggang sa tuluyan na itong sumabog. Lumabas ang itim na usok, kasabay ng nakakatakot na aura na inilalabas ng diwata. Lumuhod ang dalawang kampon ng unti-unting tumambad ang isang napakagandang babae. Mahaba ang buhok nito, maputi at makinis ang balat, maliit ang bibig at matangos ang ilong. Nakayuko ito at may suot na balabal na itim na tumatakip sa mata nito.

"Nagagalak po kaming makilala ka." Sabi ng impostora habang nakayuko bilang pagbibigay galang dito.
Ibinaba ng Enchantress ang kaniyang balabal at tumambad ang kulay ube nitong mga mata. Ngumisi ito at tumingin sa impostora na ngayon ay nakaramdam ng kakaibang takot. Bigla itong naglaho at sa isang iglap ay lumitaw sa harap ng impostora. Hinawakan nito ang leeg ng impostora at itinaas sa ere. "Nagagalak kang makilala ako?" Sabi nito at mas lalong ngumisi. Ang kasama naman ng impostora ay tumayo at inilabas ang espada nito. Itinutok niya ito sa Enchantress. Ang Enchantress naman ay tinignan lamang ito, umusal ng isang dasal at sa ilang sandali ay nagsimulang mangisay ang lalaki. Nabitawan nito ang kanyang espada na unti-unting nagiging abo, pati ang katawan nito, hanggang sa tuluyang maging abo ang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ng impostora. Basta na amang nawala ng ganun kadali ang pinakamalakas niyang kasamahan. Nagalit ito. Totoo ngang tuluyang naging masama ang Enchantress. Pumalag siya ngunit hindi siya makaalis sa hawak ng Enchantress. "Nakakaramdam ako ng matinding poot, at ngayon ay nagising ako.." Sabi ng Enchantress. Unti-unti namang dumilim. Ang kaninang maaliwas na tanghali ay natakpan ng makakapal at itim na ulap. Maya-maya ay biglang bumuhos ang ulan na may kasabay pang kulog at kidlat.
"Ngayon ay nagising na ako, hindi mo ba ako bibigyan ng alay?" Sabi nito sa impostora na tuluyan ng natakot. Pinilit nitong pumalag. Naglabas na rin ito ng iba't ibang atake na alam niya ngunit walang tumalab sa Enchantress. Hawak pa rin siya nito sa leeg. "Ako naman." Sabi ng diwata. Ngumisi ito, kasabay ng pagkinang ng mga mata nito. Itinapat niya ang kanyang bibig malapit sa bibig ng impostora. Unti-unti niyang kinuha ang lakas, kapangyarihan at ang kaluluwa ng nilalang na ito, hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Sa isang kamay naman niya ay may inilabas siyang apoy. Itinutok niya ito sa katawan ng walang buhay na demonyo. Agad na umapoy ito at itinapon na lang niya iyon sa gilid. Hinayaan niyang matupok iyon sa kakaibang apoy. Napapikit naman ang Enchantress ng maramdaman niya ang lakas na nakuha niya, ngunit kulang pa ito. She needed more.

Napatingin siya kay Gust. Nasa kandungan nito ang isang matanda. Nararamdaman niya ang kakaibang lakas ng mula sa ginang na iyon ngunit isang emosyon ang nagpatigil sa kanya. For the first time in many years, nakaramdam siya ng iba bukod sa galit. Nakaramdam siya ng lungkot habang nakatingin sa ginang na iyon.

"A-Alex, o kung sino ka man, ibalik mo Alex. B-buhay pa si Lola Den." Sabi ni Gust. Dahil sa sinabi niyang ito ay napatigil ang Enchantress. Something tugged at her heart, something she felt before but she can't remember what its called. Nasasaktan siya habang iniisip iyon. Ibinalik na lang niya ang balabal sa kanyang ulo at tinakpan ang kanyang mga mata. Pumikit siya, at unti-unting nabalot ng itim na usok. She will return, but not now. Hindi niya gusto ang nararamdaman ng bago niyang katawan. Masama ito kaya kailangan niyang makahanap ng bagong katawan.

Ang itim na usok na iyon ay nabalot ang buong katawan ng Enchantress, at ng mawala ay unti-unti namang lumitaw si Alex. Mukhang hinayaan siya na makabalik ng Enchantress sa katawan nito. Natumba ang walang malay na katawan ni Alex na nasalo naman ni Gust. "Damn it A-Alex. You s-scared me."  Pilit na sabi ni Gust na kinalaunan ay nawalan na rin ng malay dahil sa panghihina.

**

Alex's POV

Iminulat ko ang aking mga mata ng dahan-dahan. Una kong nakita ang puting kisame. Teka, kailan naging puti ang kisame ng kwarto ko? Pinilit kong umupo ngunit isang kamay ang pumigil sakin. Napatingin ako sa taong nagmamay ari ng kamay na iyon. Isang lalaking may kulay asul na mga mata. Matangos ang ilong niya at may manipis na labi. Kung sa school namin ito nag aaral ay agad siyang pagkakaguluhan dahil sa taglay niyang kakisigan at kagwapuhan.

Ano bang sinasabi mo Alex? Hindi ka pinalaki ng ganyan ng lola mo.

Lola?

Bigla kong naalala ang nangyari nung umagang iyon. Panaginip lang ba ang lahat? Nasaan si lola? Nagpanic ako at muli kong sinubukang umupo. "Don't. You'll strain your body. Hindi ka pa magaling." Sabi niya sa baritonong boses pero hindi ko siya pinansin. Pinilit ko pa ring umupo. "I said don't move!" Muli niyang sabi saka ginamit na niya ang dalawang kamay para mapahiga muli ako. "N-no! Nasaan si L-lola?" Pilit kong sabi. Bakit ang hirap magsalita? Anong nangyari sakin? Ano bang nangyayari sa katawan ko? "Damn it!" Biglang mura ng lalaking may asul na mga mata. Biglang bumukas ang pinto at napatigil ako. Nakita ko si Gust na puno ng benda sa mukha at braso. "Gust? N-nasaan si l-lola?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Huminahon ka lang Alex." Sabi niya. Nangunot ang noo ko ng hindi niya sinagot ang tanong ko. Bigla namang may itinurok sa aking braso. Dahil dito ay nakaramdam naman ako ng panghihina. "S-si lola.." Nasabi ko bago ako muling makatulog.

❄❄❄❄❄❄❄

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon