Chapter 16: Flatline

2K 43 1
                                    

Hi! Sorry natagalan ang pag update. Sumali kasi ako sa isang writing competition and it dried up my mind. Lol. Anyway babawi ako sainyo. Here's chapter 16. Enjoy!

Third Person's POV

Tumayo at pinagpagan niya ang kanyang narumihang damit. It's time.

Pumikit at umusal ng dasal si Alex. Nanatiling pula ang mga mata niya mula ng makakuha siya ng kapangyarihan. Agad dumilim ang kalangitan at napuno ng kidlat.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Sierra kay Sir Mike. Nagtinginan lang sila ni Ms. Deen na ngayon ay nasa tabi na niya. "Hindi ko rin alam. Masyadong misteryoso ang kapangyarihan ni Alex, pero may hinala ako."

Hindi na sila lumapit kay Alex dahil kakaiba ang nararamdaman nilang kapangyarihan dito. Kakaiba kumpara sa nilalang na nakatunggali nila kanina.

Umangat sa lupa si Alex habang umuusal ng isang dasal. Unti-unting nagkaroon ng mga kulay pulang bola na paikot ikot sa paligid niya. Sa umpisa ay isang bola, dalawa hanggang sa dumami ito at maging sampu. Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang kumidlat na nagdulot ng pagyanig muli ng lupa.

Maya-maya'y lumiwanag ang buong katawan ni Alex, kasabay ng pagliwanag ng itim na kalangitan. Napatigil ang lahat nang makita nila ang isang anino ng nilalang na unti-unting lumalabas sa katawan ni Alex. Isa itong babaeng nakaitim at nakabalabal. Nang tuluyang makalabas ito sa katawan ni Alex ay bigla na lang itong nahulog. Naging maagap naman si Zero at nasalo ang walang malay na si Alex bago pa man ito bumagsak sa mabatong lupa.

"Hindi ako makapaniwala." Nanlalaking matang sinabi ni Ms. Noxrien. Napatingin naman sa kanya ang dalawang guro.

"Ang Enchantress.. totoo pala." Sabi niya sa sarili niya. Hindi siya makapaniwalang totoo ito, na totoo palang nabubuhay pa ang isa sa pinakanaunang makapangyarihang nilalang sa mundo.

Napangiti ang Enchantress dahil nagtagumpay siya sa kanyang plano. Naging mabilis at madali lang ang lahat dahil umayon lahat sa gusto niyang mangyari. Kahit wala siyang katawan ay ayos lang sa kanya. Basta ay malaya na siya at makakabalik na siya sa kanyang bayan. Ang bayan ng San Terraza.

Walang sabi-sabi'y naglaho siya at nag iwan ng nakakatakot na tawa sa buong paaralan. Agad namang nawala ang makakapal at maiitim na ulap at bumalik sa maliwanag at mainit na hapon ang paligid.

Alex's POV

Iminulat ko ang mga mata ko at ang unang nakita ko ay ang luntiang damong kinahihigaan ko. Tumayo ako at iginala ang paningin ko. Mukhang nasa gitna ako ng isang gubat at hindi ko maalala kung paano ako napunta dito. Napansin ko rin ang puting bestidang suot ko ngayon.

"Apo .." Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si lola!

"Lola?" Naglakad ako papunta sa direksyon kung saan naggaling ang boses ni lola. Nagpasikot sikot ako sa mga naglalakihang puno hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang matangkad at malapad na posteng gawa sa kahoy. Ginapangan na ito ng mga halamang gumagapang.

Tinignan ko ito ng maigi at nakita kong parang may nakaukit sa kahoy. "T..rraza .." Basa ko sa nakaukit.Nangunot ang noo ko nang mapagtantong isa itong marka ng isang bayan sa gitna ng gubat.

"Apo tulangan mo ako.." Muli ko na namang narinig ang pagtawag ni lola at mukhang nanggagaling iyon papunta sa bayang ito.

Tinahak ko ang matalahib na daanan. Napatigil ako nang may isang taong dumaan mismo sa gilid ko. Hindi niya ako pinansin at dumiretso lang siya papasok sa bayan. Nagtaka ako kung bakit hindi niya ako nakita o tinawag man lang kaya sinundan ko siya.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon