Chapter 21: Fell

1.7K 40 2
                                    

Guuuuys! Giiiirls! LGBT! PWD! Aliens! (What?) Merry Merry Christmas sa lahat! Say 'I love you' to your parents and siblings okay? Celebrate holidays with the most important people in your life so you'll have no regrets. Yun lang. Regalo ko po ha. Hahaha 😂

PS. Malapit na mag Feb. And it means.. *drumrolls* The last part of the Fifty Shades Trilogy will come out in cinemas! Yehey!! *pasabog confetti* Oo yung FSOG lang ang pinansin ko. Hindi yung Valentine's Day. Haha kadate ko kasi niyan lagi ay si mommy since it's her birthday, so birthday ang sinecelebrate namin, hindi Valentines.

PPS. Soooooorry sa OA na habang Author's note. Mianhe. Scroll down to start reading. Enjoy! ❤

PPPS. This chapter is dedicated to Kkamjong_Galaxy. Hello! Thank you for your inspiring comments and votes. I really really appreciate it. *fingerhearts*

xoxo, kurisuchaaaan

Chapter 21: In the corner

Alex's POV

"Bakit, may dumi ba sa mukha ko?" Sabi niya saka nangunot ang noo. Umiling ako saka tumingin kay Zero na parang tinatanong kung nakikita niyang si Sicario Balentin nga ang kaharap namin.

Nangunot din ang noo niya saka muling tumingin sa librarian. "Pasensya na Lolo Riyo. Bago pa lang kasi siya dito."

Ngumiti ng tinawag niyang lolo Riyo saka tumingin sakin. "Pasensya na iha. Ako nga pala si Lorio Leev, namamahala ako ng mga libro ng paaralang ito sa loob ng dalawampung taon." Sabi niya saka inalok ako ng pakikipagkamay. Tinanggap ko naman ang kamay niya. "Alexandra Chant." Napatagil sandali si lolo nang marinig niya ang pangalan ko, ngunit agad din siyang nakabawi.

"Well, ano bang libro ang hinahanap niyo?" Sabi niya nang nakatingin sakin.

Namamalik-mata lang ba ako? Baka hindi naman siya si Sicario Balentin, at impossible iyon dahil matagal na daw itong namatay.

"Uhm may mga libro po ba kayo na isinulat ni Sicario Balentin?" Tanong ko.

Napataas ang kilay niya. "Eh bakit ka naman naghahanap ng libro niya? Isa ka bang mage?"

"Hindi po. May hinahanap lang akong history book na isinulat niya."

Napahawak siya sa kanyang baba na parang nag-iisip.

Mukhang hindi talaga siya iyon at siguro ay namalik-mata lang ako dala na rin siguro ng gamot na ininom ko kanina lang.

"Mula 13th aisle hanggang 15th aisle, nandoon ang mga history books. Naka alphabetical order naman iyon kaya hindi ka mahihirapan hanapin iyon sa 13th aisle."sabi niya saka ngumiti.

"Thank you po." Sabi ko saka naglakad papunta sa 13th aisle samantalang nasa likod ko si Zero.

"Bakit mo ba hinahanap ang libro niya?" Sabi niya sa likod ko.

"Uh.." Should I tell him?

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sakin. Hinawakan niya ko saka pinaharap sa kanya. Tumingin siya ng direkta sa mga mata ko at ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. I was taken aback with his actions.

"Anong nasa utak mo? Anong pinaplano mo?" He asked as if he's trying to read my thoughts. Naputol ang pagtitig niya sakin nang may nagsalita sa likod ko. Agad ko itong nilingon at nakita ko ang isang lalaking may cart na may mga libro sa tabi niya at may yakap pa siya na mga libro.

"Hi. I'm Luke, student assistant ni Lolo Riyo dito sa library. Can I help you guys in any way?" Sabi niya saka ngumiti na nagpalabas sa tigkabila niyang dimples na bumagay sa kanyang chinitong mata.

Tumabi sakin si Zero at siya na ang sumagot sa tanong ni Luke. "We need books, obviously." Sabi niya na agad ko namang sinaway.

"Sorry Luke for his his rudeness. I'm Alex. Kailangan ko kasi ng isang libro ni Sicario Balentin para sa uhm assignment, oo assignment." Sabi ko.

"Sige samahan ko na kayo. This way." Sabi niya saka pilit na itinataas ang librong yakap yakap na unti-unting nadudulas.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang dalawang malalaking libro sa kanya para tulungan siya. "Thanks."

Pero agad ding nawala ang libro sa braso ko nang kinuha ito ni Zero. Tinignan ko lang siya. "Just walk." Sabi niya saka tinignan si Luke.

Ano bang problema niya?

Nagsimula nang maglakad si Luke. "Anong year ka na?" Tanong ko sa kanya. May iilan akong estudyanteng nakita at taimtim na nagbabasa ng libro. I smiled. Mabuti naman at may ilan pang kabataan ang mas gugustuhing magbasa ng libro kesa tumitig sa phone.

"Same as you." Sabi niya saka lumingon para ngitian ako. I smiled back. Matapos ng ilang segundo ay narating na namin ang aisle 13. "Nandito na tayo. Gamitin mo ang hagdan kung may kukunin kang libro sa taas. Mag iingat ka ah?" Sabi niya saka hiningi na ang ilan pang libro niya mula kay Zero. I heard him mumbled a 'Thank you' but Zero didn't bother to reply. "Dyan lang ako sa aisle 16. See you around Alex!" Sabi niya saka umalis. I waved him goodbye.

Ibinalik ko ang tingin ko sa taas. Matataas ang mga bookshelves nila dito kaya para hindi mahirapan kumuha ng libro mula sa tuktok, nagprovide sila ng hagdan. Nakakabit ito sa bakal kaya pwedeng igalaw pakanan o pakaliwa, depende kung nasaan ang libro na hinahanap mo. Nagtaka nga ako kung bakit walang mahika man lang sa library na ito. Mamaya itatanong ko kay Luke.


Ginalaw ko ang hagdanan na nasa gitna ng pakanan, sa tingin ko kasi ay nandoon ang mga history books na isinulat ng mga may-akda na nagsisimula sa B. Tahimik naman si Zero na nakapamulsa nang silipin ko siya.

Galit ba siya sakin?

Iniisa-isa ko ang mga libro. "Balade.. Balar..  Balem.. Balen— ito na nga!" Sabi ko na ikina out of balance ko. Nadulas ang isa kong paa mula sa baitang ng hagdan na agad kong ikinahulog. Napapikit ako at hinihintay ang pagbagsak ng katawan ko ngunit wala akong naramdamang ganun, sa halip ay isang pares ng mga braso ang naramdaman ko sa likod ko at likod ng tuhod ko.

Napamulat ako at nakita ko ang itim na itim na mga mata ni Zero. Nakayuko siya at nakatingin din ng direkta sa mga mata ko. Nagsimulang magsayawan ang mga paru-paro sa tyan ko, at nagsimula ding uminit ang pisngi ko.

I therefore conclude na ako, Alex ay may gusto kay Zero.


Mas lalong uminit ang pisngi ko. Nawala ang mga iniisip ko nang mag 'tsk' siya. Nagsalubong ang kilay niya saka unti-unti akong ibinaba. Hinawakan niya ang tigkabila kong balikat hanggang sa makatayo ako ng tuwid. "Hindi ka nag iingat! Paano kung wala ako tapos nahulog ka? Sinong sasalo sayo?"

Bakit pakiramdam ko ay isa akong 5 years old na bata na pinapagalitan ng tatay?


Yumuko ako saka pinaglaruan ang mga daliri ko. "Eh magiging okay naman ako. Carpeted naman ang buong library." Sabi ko ng mahina.

"Kahit na! Magkakapasa ka pa rin kung mahuhulog ka mula sa taas na yan." Sabi niya nang nagpipigil ng galit.

"S-sorry na. Mag iingat na ako." Sabi ko saka hinawakan ang kamay niyang nakakuyom. Mukhang kumalma naman siya dahil nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Isinuklay niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok at muling bumuntong hininga. Bumuka ang kanyang bibig na parang may sasabihin pero tumingin siyang muli sa mga mata ko kaya naisara niya ang bibig niya.

"Damn it Alex, why can't I stop caring about you!" 

My heart immediately stopped.




❄❄❄❄❄

Maikli. Di kasi ako mitivated. Lol.Vote and comment please! Pang motivate lang para mabilis ang updates. Thank you! Mahal ko kayooooo! *fingerhearts*

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon