Prologue: Enchantress

6K 107 7
                                    

(Story's timeline dates back to 500 years ago, uso pa ang witchcrafts, sorcerers or spellcasters)

500 years ago

Isang payapa at tahimik na bayan noon ang bayan ng San Terraza. Isa itong maliit na bayan sa gitna ng kagubatan na tinatawag na Enchant Forest. Pinaniniwalaan ng buong bayan na sila ay ginagabayan ng isang magandang babae ng kagubatan. Tinawag nila itong 'The Enchantress'.

Maganda at mabait na nilalang ang Enchantress. Pinatotohanan ito ng isang mangingisda na naabutan ng bagyo sa gitna ng karagatan. Sabi niya ay nakakita siya ng isang liwanag. Sa sobrang liwanag nito ay napapikit siya, at ng magmulat muli siya ng mga mata ay nakita na lamang niya ang sarili sa bukana ng bayan. Isang babae ang nakatayo sa isang puno at nakangiti sa kanya. Maganda ito, kaya natulala ng sandali ang mangingisda. Ng sumenyas ito ay saka pa lamang natauhan ang mangingisda at nagpasalamat siya dito. Ngiti lang ang itinugon ng babae saka agad na nawala. Simula noon, itinuring na nilang isang patron ang Enchantress, at ipinangalan nila dito ang kagubatan kung nasaan ang kanilang bayan.

Naging payapa at matiwasay naman ang buong bayan sa mga nagdaang taon. Nagbago lang ang lahat ng magkagusto ang Enchantress sa isang binatilyo. Isa itong makisig at gwapong binatilyo na nagmula pa sa malayong bayan. Napadpad lamang ito sa San Terraza dahil bumibisita ito sa kanyang lola.

Agad na nakaramdam ng malakas na pagkabog ng dibdib ang Enchantress ng una pa lamang niya makita ang binata, ngunit alam niya sa sarili na hindi sila maaari. Kaya naman, hanggat maaari ay iniiwasan niyang makita ang binata.

But fate was not in her favor.  Nagkataon na isang araw ay tinawag siya ng binata. Hindi daw kasi ito naniniwala sa mga diwata. Hindi sana siya magpapakita dito, ngunit ng makitang nasa panganib ang binata, hindi na siya nagdalawang isip na sagipin ito.

Nagulat ang binata sa nasaksihan niya. Isang magandang binibi ang bigla na lamang sumulpot sa kung saan at sinagip siya mula sa isang mabangis na hayop na handa na sana siyang sakmalin.

He was speechless for a while. Hindi niya akalaing totoo ang mga tsismis at kwento ng mga tagabayan. Asul na mga mata, matangos na ilong at manipis at mapupulang labi. Totoo nga ang diwata!

Hindi dito nagtapos ang pagtatagpo nila dahil paulit ulit na inilalagay ng binata ang kanyang sarili sa kapahamakan para lamang magpakita at iligtas siya ng Echantress. Kinalaunan ay umamin na rin ang binatilyo na sinasadya niya lamang ang mga pagkakataong nagkikita at inililigtas siya ng diwata. Imbes na magalit ay natuwa pa ang Enchantress sa kapilyuhan ng binata. Simula ng araw na iyon ay palagi na silang nagkikita, nagkakasama at nagpapalitan ng iba't ibang kwento. Dahil dito ay unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa.

Sa mga nagdaang taon ay puro masasayang pagkakataon ang ibinigay ng Enchantress sa binata. Pinakita niya ang magagandang tanawin na alam niyang magugustuhan ng binata. Ang binata naman ay sinuyo ang diwata sa paraang alam niya. Hinarana niya ito, binigyan ng bulaklak at binigyan ng kwentong galing sa kanyang sariling bayan. Lahat ng ito ay nagbigay ng kakaibang kaligayahan sa diwata, kung kaya't sa darating na pista ng bayan ng San Terraza, nais na niyang magpakita at magpakilala bilang isang gabay sa mga mamamayan.

Tatlong araw bago ang araw ng pista, dumating ang pinakamasamang balita para sa diwata. Nalaman niyang napatay ang binata sa isang kaguluhang nangyari sa bayan. Naghahanda ang lahat para sa pista ng bayan nang may lalaking kumuha ng kutsilyo at bigla na lamang nanaksak.Tatlong tao ang namatay sa pagwawala ng lalaking iyon, kasama ang nagugustuhang binatilyo ng Enchantress. Agad namang napigilan ng ilang kalalakihan ang lalaking mukhang nawala sa sarili, ngunit huli na dahil agad namatay ang tatlong lalaking nasaksak nito. Mukhang agad naman itong bumalik sa sarili matapos makapatay ng tatlong kababayan niya. Hindi na siya nag atubiki at agad tumakbo, paalis sa bayan ng San Terraza. Hinabol pa siya ng kanyang mga kababayan ngunit agad din itong nawala sa kagubatan.

Nagkataon naman na wala ang Enchantress sa kagubatan dahil may tinulungan siyang ilang mangingisdang nalulunod dahil natangay ng malalakas na alon ang kanilang bangkang sinasakyan.

Naramdaman niya ang bilaang pagtigil ng pintig ng kanyang puso. Natulala siya. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. Parang may biglang tumusok sa kanyang puso at unti-unting ibinabaon ito. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya. She felt ..

Betrayed.

All of her life and powers, she dedicated it to the people. Pero ang mga taong ito mismo ang naglayo sa nag iisang bagay na nagpapasaya sa kanya. They betrayed her. They had disrespected her.

Unti-unting napaupo sa damuhan ang Enchantress habang pumapatak ang kanyang luha. Kasabay nito ang biglaang pagsama ng panahon. Umulan ng malakas na may kasabay pang kulog at kidlat.

Her pure soul was now tainted. She felt hatred towards the people whom she served. This hatred has driven her dress to turn black, her eyes turned into a deep shade of violet and her power to wither. Unti-unting nalanta ang damong kanyang inuupuan, na dati'y tumutubo at namumulaklak pa kapag dumaraan siya.

Ang mga mamamayan naman ay natakot sa biglaang pagsama ng panahon. Hindi nila alam kung bakit, pero ramdam nila na masama ang loob ng Enchantress. Natakot sila dahil maaari silang balikan at saktan ng kanilang patron, pero nanaig pa rin ang kanilang tiwala dito na hindi sila sasaktan.


Kinabukasan na ang pista ng bayan ng San Terraza ngunit masama pa rin ang panahon. Kinutuban na ang mga matatanda sa lugar. Agad na lumikas ang ilan at nagtungo sa kabilang bayan upang humingi ng tulong sa mga babaylan.
Isang malakas at nakakatakot na tawa lamang ang ibinigay ng Enchantress sa mga hangal na narinig sa buong bayan.


Dumating ang araw ng pista ng San Terraza. Nakakamanghang maaliwalas at maayos ang paligid, parang walang nangyaring kaguluhan noong isang araw. Dahil dito ay tuloy ang pagdiriwang ng pista. Masasaya at nagtatawanan lahat, kabilang ang pamilyang namatayan. They didn't remorse, yet they celebrated their deaths. Ganito ka positibo ang pagtanggap nila sa pagkawala ng kanilang kapamilya. Ngunit kung gaano kapositibo ang pagtanggap nila ay ganoon kanegatibo ang pagtanggap ng Enchantress sa nangyari.


Gabi na pero malakas pa rin ang hiyawan at kasiyahan ng mga mamamayan ng San Terraza. Hindi nila napansin ang babaeng nakaitim na naglalakad. Nakayuko ito at mukhang lungkot na lungkot. Isang bata ang nakapansin sa babaeng ito. Agad niyang sinabi sa kanyang ina, hanggang sa marami-rami na ang nkakapansin sa babaeng ito. Tuloy-tuloy lamang itong naglalakad kahit halos lahat ng mamamayan ay nakatingin na sa kanya. Pinatigil nga rin ang malakas na tugtugan at sayawan.

Biglang tumigil ang babae ng mapansing natahimik ang San Terraza. Ngumiti ito ng nakakaloko. Ibinaba niya ang kanyang balabal na itim at saka tumingin sa mga tao.

Napasinghap ang ilang mamamayan. Hindi nila akalain na makikita nila ngayon ang Enchantress, ngunit sa ibang anyo. Nakaitim na ito, at nag iba ang kulay ng mga mata. Sa dating puting bestida ay napalitan ito ng punit punit na bestidang itim, at ang dating asul na mga mata ay naging kulay ube ito.

"Pinagsilbihan ko kayo sa mahabang panahon, prinotektahan ko ang mga buhay niyo at ang mga bagay na mahahalaga sa inyo. Pero ang kaisa isang bagay na nagpapasaya sa akin ay kinuha niyo. Kayo ang pinaka sakim na nilalang na nakilala ko. Kaya ngayon, matitikman niyo ang poot at galit ko!"

Tumingala ang Enchantress sa langit at umusal ng isang dasal. Natakpan ng makakapal na ulap ang mga bituin at unti-unting bumuhos ang ulan na lumalapnos sa balat ng mga mamamayan. Kanya kanya naman nagsitakbuhan ang mga tao habang sumisigaw at umiiyak sa mga lapnos na nararamdaman.


"Αφήστε το θάνατο να κατόπιν σας"

❄❄❄❄❄

Hi! Please don't forget to comment, vote and follow. Thanks a lot! ❤

-Kurisuchaaaan

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon