Chapter 9: Enchanted Creature

2K 44 3
                                    

Third Person's POV

15 minutes remaining.

Napatingala si Alex ng marinig niya ang anunsyong iyon. Nakita niya ang timer sa itaas at malapit ng matapos ang oras. Nagmadali siyang maglakad.

Tumambad sa kanya ang isang malaking kweba. Sa loob nito nagmumula ang itim na usok. Nasa bungad na siya ng kweba ng biglang isang malakas na ungol ang nanggaling sa loob ng kweba. Sa lakas nito ay tumilapon si Alex at tumama ang likod sa isang puno. "Argh!" Daing ni Alex.

The monster growled again, and this time the earth shook. Unti-unti namang nabitak ang malaking kweba, tuluyan itong nawasak at lumabas ang dalawang pares ng malalaking pakpak sa likod ng isang napakalaking leon, mas malaki pa sa naunang nakita ni Alex.

Kulay abo ito at may mahabang buntot na patulis ang dulo. Tumayo ito na parang ito ang hari ng mga halimaw at sa pangatlong pagkakataon ay umungol.

Napalingon naman si Sierra ng marinig niya ang malakas na daing ng halimaw. Agad niyang tinapos ang halimaw na kaharap niya saka tumakbo. Nakita na niya ang lagusan palabas ng hall, ngunit nag aalala siya sa kalagayan ni Alex. Kanina ay nahiwalay ito sa kanya habang tumatakbo sila.

Naramdam niya ang malakas na hangin mula sa likuran niya. Agad niyang nalaman na si Gust iyon. "Nasaan si Alex?" Tanong nito saka sinabauan sa pagtakbo ang kapatid. "Nahiwalay siya sakin kanina. I tried to find her but I can't. Masyadong marami ang mga halimaw. Ms. Deen made it so hard this year." Paliwanag ni Sierra sa kapatid.

Napatigil ang lahat ng makarinig sila ng anunsyo.

Faunt Monterde with 1,356 points is now safe.

Zero Narvaz with 1,354 points is now safe.

Hurry up students! Less than 14 minutes remain.

Dahil sa narinig ay kanya-kanyang takbo ang mga estudyante. Hinila na ni Gust ni Sierra patakbo sa lagusan. "Bilisan natin!"

Tumakbo sila papasok sa dalawang punong magkadikit. Ito ang lagusan palabas ng hall na unang nahanap nina Faunt at Zero.

Sierra d' Mathre is now safe.

Gustav Von Oltre is now safe.

Hindi na napansin ni Alex ang anunsyo ng mga nakaligtas at nakalabas na. Ang kanyang mata ay nakatutok lamang sa napakalaking halimaw sa kanyang harap. Ang nakakapagtaka lang ay hindi siya nakaramdam ng takot. Tumayo siya at lumapit sa halimaw.

"Isang mahinang nilalang.." Nanlaki ang mata ni Alex ng makarinig siya ng boses sa kanyang isip. Lumingon-lingon siya upang tignan kung may ibang tao sa paligid, ngunit siya lamang at ang halimaw ang nadoon. Ang ibang kalahok ay maaaring nkaligtas na dahil panay ang anunsyo ng boses mula sa itaas.

Tinignan ni Alex ang halimaw at sinubukang kausapin gamit ang isip. "I-ikaw ang nagsalita?"

"Naive!" The monster growled and stomped its feet. Muli ay tumilapon si Alex sa lakas ng impact ng ginawa ng halimaw. Lumapit ito sa kanya. "Kill me." Hamon nito kay Alex ngunit umiling lamang ito. "I-I can't. Wala aking kapangyari—"

"Liar! Kill me or I'll kill you." Maotoridad na sabi ng halimaw saka muling umungol. Sa lakas nito ay nagsitumbahan ang mg puno, kasabay nitong tumilapon si Alex na ngayon ay nanghihina na.

Napatakip ng bibig si Sierra ng makita niya sa monitor ang kaibigan na si Alex na nanganganib ang buhay. "Kasalanan ko 'to. Dapat hindi ko siya iniwan kanina. Hinanap ko sana siya kaagad nung nawala siya." Papaiyak na sabi ni Sierra, ngunit wala silang magawa.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon