Chapter 26: Doubts

1.7K 31 4
                                    

LIKE a hawk. Iyon ang tinging ibinibigay sa kanya ni Zero habang paulit-ulit silang sumasayaw. Bawat lingon ni Alex sa parte nina Amber ay lagi niyang nahahagip ang mala-lawin na tingin nito sa kanya.

Parang naghihintay lang ito ng isang maling galaw mula sa kanya.

Bakit ba ganyan siya makatingin?
May alam na ba ito?
Teka, nasaan ba si Grapes?

Dahil sa mga iniisip ni Alex ay nawala ang kanyang konsentrasyon sa sayaw. Nang idinipa na siya ni Luke ay nagulat siya at napakapit sa likod nito. Luke was caught off-guard, too. Kaya ang resulta ay natumba silang dalawa, with Luke on top of Alex. Tumigil ang buong grupo dahil sa maliit na insidenteng iyon. A soft chuckle escaped from Alex's lips. "Sorry." She mumbled. Mukhang natauhan agad si Luke at umalis na sa ibabaw ni Alex. He then helped her up. "Ayos ka lang Alex?" Sabi ni Sierra nang makapunta agad siya sa pwesto ng dalawa.

Tumango na lang si Alex. "Sorry, it's my fault—" naputol ang pagsasalita ni Luke nang may malakas na kalabog silang narinig. Mukhang may nagsara ng pinto ng malakas.

"That was hilarious. Do that later okay?" Nang-uuyam na sabi ni Selene saka nagwalk out. Doon lang nila napansin na wala na si Zero. Maaaring ito yung nagsara ng pinto ng malakas kanina lang. Sierra hid her smile. She knew something was up between Zero and Alex.

Hindi na sila muling bumalik sa practice. Saulo naman na nila ang steps at formation kaya alam nilang magagawa nila ng maayos ang presentation mamaya.

"Bilisan mo. Nagugutom na ako." Sabi ni Sierra. Nahuhuli kasi sa paglalakad si Alex dahil na rin sa inaayos niya ang kanyang buhok na walang humpay sa pagsabay sa hangin.

Matapos niyang magpuyos ay tatakbo na sana siya upang maabutan sina Sierra nang mahagip niya si Ms. Noxrien. Sinundan niya ito ng tingin. Mukhang papunta ito sa kanyang opisina kaya minabuti na niyang sumunod.

Gusto niyang itanong kung bakit hindi siya nasabihan tungkol sa pagkawala ng kanyang lola. Napapansin niya rin ang tila pag iwas nito sa kanya.

"Ms. Noxrien!" Bati niya rito. Tumigil ito sa paglalakad saka nilingon siya.

"Gusto ko po sana kayong makausap." Agad na sabi ni Alex nang makalapit siya dito. Napansin niya kaagad ang pagkabalisa nito. She even dropped some papers she's holding.

"S-sige. Sumunod ka sakin." Sabi nito saka naglakad patungo sa kaniyang opisina.

Nang makapasok sila sa opisina ay pinaupo siya sa pang-isahang silya, at sa mahabang sofa naman sa harap niya naupo ito.

"Nasaan—"

"I'm sorry!" Natuptop ang bibig ni Alex sa biglaang paghingi nito ng tawad. Kumunot ang noo niya saka tinignan ng niya ito ng maigi.

"A-ano pong gusto niyong iparating?" Kinakabahang tanong ni Alex dito. Nagsimula namang lumikot ang mga mata ni Ms. Noxrien, bagay na ginagawa nito kapag kinakabahan.

"I know where she is but—" tuluyan nang napatayo si Alex nang marinig niya ito. She abruptly interupt Ms. Noxrien's explanation.

"Bakit hindi niyo po kaagad sinabi? Lola ko yun! Nag-iisang kadugo ko, Ms. Noxrien!" Hindi na napigilian pa ni Alex na humagugol sa harap ni Ms. Noxrien.

"Pero mapapahamak ka kung sasabihin ko sayo kung nasaan siya." Malungkot at sising-sisi ang tono ng guro. Nilapitan niya si Alex saka niyakap. Hindi naman pumalag sa yakap si Alex.

"We're doing everything we can to retrieve her." Pag-aamin niya.

Tumigil sa kakaiyak si Alex. Pinunasan niya ang kanyang luha saka malungkot na tumingin sa guro.

"Mauuna na po ako." Paalam niya saka walang lingon-lingon na lumabas sa opisina. Sa loob ni Alex ay disappointed siya sa naging sagot sa kanya ni Ms. Noxrien. Flame of hatred and disappointment started to spark inher heart.

All she wanted was to have her grandma back, but everybody seems to stop her.

Pumunta na lamang siya sa comfort room at doon ngpalipas ng ilang minuto. Namumula pa rin kasi ang kanyang ilong at mata dahil sa iyak kanina.

Nang sa tingin niya'y di na halata ang bakas ng pag-iyak ay lumabas na siya at nagpasyang punatahan na lamang ang kanyang mga kaibigan.

"Saan ka nanggaling? Halika na kumain ka na." Agad na pansin ni Sierra sa kaibigan. Kumain na lamang si Alex habang iniisip kung paano siya makakalabas mamaya.

Determinado na kasi siyang umalis at puntahan agad ang kanyang lola lalo na't ngayo'y alam na niya kung saan siya makikita. She doesn't want to waste time anymore.

Peromalaking palaisian ngayon kung paano siya makakalabas sa tagong paaralang iyon.

Ilang oras na lang bago magsimula ang birthday ball para kay Ms. Noxrien. Naging aligaga si Sierra para ayusan ang kanyang dalawang kaibigan. Siya mabuti na lang at maganda naman ang buhok ni Alex at Amber kaya iniwan na lang niya itong nakalugay. Kay Alex ay kinulot niya pa ng konti ang buhok nito sa dulo para ma-highlight ang mukha niya. Matapos ay nilagyan na niya ng light make-up ang dalawa dahil hindi naman kailangan ng heavy make-up. Matatakpan lamang ang natural na ganda ng dalawa.

HINDI naman mapakali si Alex sa loob ng banyo. Ayos na ayos na siya para sa ball na magaganap mamaya,pero heto siya't nakatitig lamang sa sariling repleksyon sa salamin. Iniisip niya pa rin kung paano siya makakalabas sa barrier ng school. Kailangan niya ng taong makakapagbukas ng barrier upang hindi nila malamang aalis siya. Ngunit sino? Siya lamang ang nakakaalam ng kanyang mga plano. Ni mga kaibigan niya'y hindi niya sinabihan.

Ang pusa niya lamang ang nakakaalam ng lahat.

Grapes? Tawag niya sa pusa sa kanyang isipan ngunit hindi ito tumugon. Sinubukan niya pa ulit itong tawagin ngunit wala pa rin siyang narinig na kahit anong reply galing dito. Kinabahan siya.

Kailangan ko si Grapes!

"Alex? Pupunta na tayo sa gym. Tara na." Tawag sa kanya ni Sierra.

"S-sige. Lalabas na ako." Sagot niya. Agad naman niyang binuksan ang nakatagong lalagyan ng kanyang gamot at uminom ng ilang tableta. Alam niyang aatake ang kanyang sakit kaya mas mabuti nang makainom na siya. Siguro'y dahil sa kamamadali ay nalimutan na niya isara ang lalagyan at tuluyan nang lumabas ng banyo.

KINAKABAHAN si Alex. Kaharap na niya kasi ang kanyang partner na si Luke at gwapong-gwapo ito sa suot na itim na tuxedo at kulay asul na tie na ibinagay naman sa kulay asul na off-shoulder gown niya. Kinakabahan siya dahil oras na matapos na ang sayaw nila ay aalis na siya. Iiwan niya muna pansamantala ang paaralan at ang kanyang mga kaibigan upang saklolohan ang kanyang lola na humihingi ng tulong.

"Let's give a round of applause for the A-list!" Anunsyo ng Master of Ceremonies. Bumikis ang pintig ng puso ni Alex, lalo na't nang sumulyap siya kay Zero ay nakita niyang nakatingin pala ito sa kanya.

Mas lalo siyang kinabahan sa gagawin niya.

Tama bang ipagpatuloy pa iyon?

---

Hi! Sorry hindi ko na napagtuunan ng pansin itong story. Pero promise tatapusin ko ito. Kailangan ko lang ng votes niyo and comments! Salamaaaaaaat.



Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon