Chapter 22: Hidden in Secret Room

1.8K 40 3
                                    

Alex's POV

Pabalik-balik ang lakad ko sa aisle 13. Wala kasi dito ang hinahanap kong libro. May mga libro nga dito si Sicario Balentin, ngunit hindi iyon ang hinahanap ko.

Wala ang history book ng bayan ng San Terraza.

Napatigil ako ng lakad nang humarang sa harapan ko si Zero. Nakahalukipkip siya at nakatingin ng diretsyo sakin.

Hindi ba siya naiilang sa sinabi niya kanina?

Agad nag-init ang mukha ko nang maalala ko ang pag-amin niya kanina. Sa ibang direksyon ako tumingin saka tinalikuran siya para muling maglakad-lakad. Saan ba kasi mahahanap ang libro? Masyado akong dumipende sa library na akala ko nandito lahat ng libro. Baka naman nasira na ito o naiwala dahil wala na itong ibang kopya.

"Will you stop? Pinapagod mo lang ang sarili mo." Sabi ni Zero na agad ko namang sinunod. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga saka umupo sa sahig.

Paano ko mahahanap si lola gayong wala akong ideya kung nasaan ang sinasabi nitong bayan? Bigla akong nalungkot sa naisip ko, ni hindi ko na namalayang umuoo sa harap ko si Zero saka hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ako tanga Alex, alam kong may binabalak ka at nararamdaman kong hindi iyon maganda." Sabi niya. Naguilty tuloy ako. Iniisip ko lang ang kapakanan ni lola, ni hindi ko man lang sila naisip na maaari silang masaktan sa ginagawa at gagawin ko.

Pero kailangan ko silang iwan para mahanap si lola.

Ayokong malaman ni Zero ang binabalak ko. Ayokong pigilan niya ako dahil baka sundin ko siya, ngunit ayoko ring iwan si lola. Siya ang nag alaga sa akin simula nang mamamatay ang mga magulang ko.

Sinubukan kong pasayahin ang mga mata kong nakatingin sa kanya at ngumiti ako. "Maganda kasi ang librong iyon sabi ni lola kaya interesado talaga akong basahin iyon." Sabi ko ngunit mukhang hindi siya kumbinsido kaya agad kong natikom ang bibig ko.

Nag-isip pa ako ng ibang palusot kahit hindi ako sanay. "Sige kung wala iyon dito ay iba na lang hihiramin ko." Sabi ko saka binunot ang pinakamalapit na libro sa kanan ko. Isa itong kulay itim na libro. Hinila ko ito at laking gulat ko nang biglang gumalaw ang isang parte ng sahig. Bumukas ito ng walang ingay at tumambad samin ang hagdanan (ladder) pababa. Agad kaming napatayo at tumingin sa mukhang isang secret room dito sa library, at nabuksan ko ito ng hindi inaasahan.

Tumingin ako kay Zero na nakatingin din pala sakin. "Hindi mo alam na may ganito dito sa library?" Sinabi ko sa kanya ng mahina. Tinignan niya lang ako na magkasalubong ang kilay.

"Do you think I come here often?" Sabi niya na parang naiirita sakin.

"Hindi. Matalino ka naman eh." Sabi ko saka lumapit sa nabuksan naming lagusan pababa. Sinilip ko ito pero madilim at puro baitang ng hagdan lang ang nakikita ko.

Dahil curious ako kung anong meron sa baba ay tinahak ko na iyon. Dahan dahan lang ang pagtapak ko dahil kahoy lang ang hagdan at baka mabali o maputol ito. Hindi ko pa naman sigurado kung gaano na katagal ang hagdanang iyon dito.

Tahimik namang sumunod sakin si Zero. Nakakailang baitang pa lang siya ay sumara ang lagusan na nagpadilim sa buong lugar. "Don't move." Sabi niya at narinig kong may hinahanap siya sa kanyang jacket. Nang mahanap niya na ito ay nagkaroon ng liwanag. Napagtanto kong phone niya iyon at naka-on ang flashlight.

"Move. I'll light the way." Sabi niya saka tinutok ang phone niya pababa kaya nakikita ko na ang mga baitang ng hagdan. Tumingala ako sa kanya nang marealize kong nakahawak lang ang isa niyang kamay sa hagdan at posible siyang mahulog o mapahamak.

"Paano ka?" Sabi ko ng nakatingala sa kanya. "Concern ka sakin?" Nag-init na naman ang mukha ko.

"H-hindi ah!" Sabi ko saka pinagpatuloy ang pagbababa. Mukhang napalakas pa ang pagtapak ko sa isang baitang dahil bigla itong nabali. Napasigaw ako at napakapit ng mahigpit sa hagdan.

"Sh*t! Ayos ka lang?" Sabi ni Zero na agad kong tiningala. "Ayos lang. Nakikita ko naman na ang sahig." Nilaktawan ko ang baitang na iyon bago tuluyang makababa. Nagulat naman ako nang biglang talunin ni Zero ang natitirang baitang ng hagdan. Agad niya akong nilapitan. "Ayos ka lang talaga?"

Bakit ba ang kulit ng lalaking 'to?

"Ayos nga lang, ang kulit mo." Inagaw ko sa kanya ang phone saka inilawan ko ang buong paligid. Isang malaking bookshelf ang nasa harapan ko at punong-puno ng mga lumang libro. Sa gilid naman ay may isang mahabang mesa at nakapatong dito ang mga boteng iba't ibang hugis at laki na may mga lamang likido na iba-iba ang kulay. Sa dulong bahagi nito ay may malaking itim na kawa na nakapatong sa malaking pugon.

Anong lugar ito? Naitanong ko sa sarili ko. Nang may mailawan akong kandila ay agad kong tinignan si Zero kung may pangsindi siya. Mukhang nabasa niya ang isip ko at saka sinindihan ang kandila gamit ang kanyang kapangyarihan. Nakakunot ang noo kong tinignan siya.

"Paano ka nakakagamit ng kapangyarihan mo? Kanina lang parang hi—"

"Hindi pwedeng gumamit ng kapangyarihan sa library. Si Lolo Riyo ay may Disabing Magic, at batas niya ang hindi pag gamit ng magic sa library, dito ay mukhang hindi apektado ng kapangyarihan ni lolo kaya nakakaganit ako." Mahaba niyang paliwanag habang sinisindihan ang lahat ng kandilang nakikita niya, hanggang sa tuluyang lumiwanag ang buong lugar. Malaki itong lugar na punong-punong nga mga kagamitang pang witchcraft. May mga bote, kawa, mga sangkap na dahon, colored dust at mga mga lumang libro.

Lumapit ako sa isang malaking bookshelf na puno ng mga libro. Maalikabok na ito at may iilan nang sapot ng mga gagamba. Mukhang ilang buwan na itong hindi nabibisita. Kinuha ako ang isang libro at inihipan ang alikabok na bumalot dito. Isa itong itim na libro, walang pamagat o kahit anong nakasulat sa harapan nito.


Binuklat ko ito at laking gulat ko nang mabasang isa itong spellbook na isinulat ni Sicario Balentin. Anong ginagawa ng mga libro niya dito?

Agad ko itong ibinalik saka kumuha ng panibago. Isa ulit itong spellbook na isinulat niya. Lumapit sakin si Zero at tinanong kung ano ito.

"Mga libro ni Sicario Balentin." Sabi ko saka pinakita sa kanya ang hawak ko. Binasa niya ito at pati siya ay nagtaka kung bakit may libro siya rito at kung bakit mukhang itinatago ito.

Tumingala ako at may isang row ng mga libro ang hindi ko maabot. Mukhang mga spellbooks ang nakalagay sa bandang gitna at ilalim. Nagbabaka-sakali akong ang hinahanap kong libro ay nandito. Pero paano ko makukuha iyon?

Lumingon ako kay Zero at nakatingin siya sakin. A playful smirk is plastered in his face. "Need my help?"


Lumapit siya sakin nang di ako sumagot. Hinawakan niya ang mga balikat ko at inangat ang mukha ko para tignan siya. "I'll help, but promise me one thing."

"Ano iyon?" Sabi ko nang nakatingin sa kanya ng diretso.


"Just promise me you won't leave."



❄❄❄❄❄❄

Hi! Ever wonder kung anong nangyari sa mga bad guys sa story na ito? Well, don't. I guarantee you, they're just taking a long break. They will pop out soon in a chapter, so stay tune!

Ps. Vote and comments please! Mas nakakagana kasi magsulat kapag alam kong may nagbabasa at may sumusuporta sakin.

That's all. Saranghae. ❤

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon