Chapter 31: Dark Days

1.8K 45 6
                                    

Chapter 31: Dark Days

Napaluhod ang babae na naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang minamahal.

Ang kanyang puting bestida ay unti-unting naging itim, ang mga bulaklak na nakapatong sa kanyang ulo ay unti-unting nalagas, at ang damong kinasadlakan niya ay natuyo.

Ang mga luha ng babae'y tumulo sa damuhan na nagpauga sa buong paligid.

Mula sa mga luha nito'y unti-unting nabuo ang pitong nilalang.



-

"Dalhin mo siya sa ligtas na lugar, Sierra." Pakiusap ni Alex sa kanyang kaibigan. "Kayong dalawa ang ililigtas ko Alex."

Muling yumanig ang buong paligid. Ramdam nila ang kapangyarihan ng Enchantress na napupuno ng poot at galit. Alam ng A-list na wala silang laban dito, pero naglakas loob silang pumunta para lamang iligtas ang kanilang kaibigan.

Ito naman ang ayaw na mangyari ni Alex. Ayaw niyang mapahamak ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.

"Sierra please! Dalhin mo muna si lola. Balikan mo na lang ako."

Nag-aalangang tumitig sa kanya ang kaibigan. Mukhang ayaw niya ring iwan ito sa gitna ng labanan. "Babalikan kita." Pagpayag ni Sierra sa suhestiyon ng kaibigan.

Agad na pumunta at inaklay ni Sierra ang lola ni Alex saka maingat na inilayo ito mula sa lugar na iyon.

Nang makitang nakaalis na ang dalawa ay humakbang si Alex para sana'y puntahan ang kanyang mga kaibigan, ngunit may isang itim na nilalang ang humarang sa kanya. Ito ang kamukha ni Zero. "Don't. Or they will die."

Tumingin si Alex sa direksyon ng kanyang mga kaibigan at ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makita silang nakahiga at nanghihina.

Alam nilang wala silang laban mula sa kampon ng kadiliman, pero heto sila't pumunta pa rin.

All for her. For Alex. A nobody.

Mas naluha pa si Alex nang makita ang pagbagsak ni Zero sa tabi ng walang malay na si Amber. Nanghihina na ito at hirap nang imulat ang mga mata ngunit sinikap nito.

Nagkatitigan ang dalawa. Tuluyang lumuha si Alex. She can't bear to see them suffering, especially him.

"P-Please, huwag mo na silang sasaktan." Pakiusap niya ngunit mukhang hindi nakinig ang lalaki. Mabilis itong nawala at sumulpot sa harapan ng nanghihinang si Zero. May hawak na itong patalim at balak nitong saktan si Zero.

Naging mabilis ang kilos ni Alex. Hindi na niya inalintana ang sumisikip na dibdib. Basta't tumakbo siya papunta sa direksyon nito. Iniharang niya sa paparating na blade ang kanyang katawan.

Tumusok ang blade sa bandang puso ni Alex. "N-No!" Pilit na sigaw ni Zero nang makita nang buong- buo ang pagbaon ng patalim sa katawan ng babae.

Kahit nanghihina'y iniyakap niya sa kanyang braso ang papawalang-malay na si Alex.

"Sht, N-No Alex."

Isang maliit na ngiti lamang ang naibigay nito sa kanya bago tuluyang mawalan ng buhay.

"You'll pay for this." Mahinang banta ni Zero sa nakakatndang kapatid.


Nang sumara ang mga mata ni Alex ay umilaw ang katawan nito. Lumayo ang lalaking kamukha ni Zero mula sa katawan ni Alex saka pinanuod ang mga sumunod na pangyayari.

Hidden EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon