Chapter 1: Sekreto
Isang babaeng may puting pakpak na napakaganda. Malagintong buhok, kumikinang nitong kutis ngunit ang nakikita ko sa kanyang labi ay korte ng pagkalungkot.
~Hmmm... Naalala ko na naman yung napanaginipan ko noong mga nakaraang araw. Sino ba yun? At anong uri siya ng tao?
Nakahiga lamang ako dito sa aking silid na matahimik na tinititigan ang kisame.
"Bagong taon na! Ano kayang inihanda nina papa na pagkain? Matingnan na nga lang. "
Tanong ko sa aking sarili ng makitang malapit ng mag-alas dose sa orasan sa kaliwang bahagi ng aking silid.
Bumangon naman ako at sinuot ang sapin ko sa paa.
Nagsuot ako ng bistida at inayos ang itim kong buhok sa pagkatirintas nito.
Ng matapos ay kaagad akong umalis palabas ng aking silid at tinahak ang mahabang daan patungo sa hagdan.
Nakatira kami sa isang palasyo sa gitna ng isang tagong bayan kung saan piling tao lang makakalabas at walang tao ang makakapasok ng walang pahintulot.
Katulad ko na bata pa lamang, ay wala akong alam sa mga bagay na nasa labas ng bayang ito.
'Ni wala nga akong ideya kung bakit ba ganito ang aming kalagayan.
Medyo patakbo akong bumaba ng hagdan dahil kung babagalan ko pa ay aabutin ako ng ilang minuto bago maabot ang unang palapag ng palasyo kung saan gaganapin ang kasiyahan sa pagsalubong sa bagong taon.
"Wow! Ang daming pagkain!"
Manghang sabi ko ng makita ang halos sampung napakahabang lamesa sa silid kainan na halos umapaw na sa dami ng nakahaing pagkain.
Ngayon lang ulit kami naghanda ng napakarami, siguro dahil magpapakain kami sa buong bayan.
"Happy new year ate Xyrra!"
Ang bati sa akin ng pinakabata kong kapatid sa ama na apat na taong gulang pa lamang na si Xavier.
"Kumain ka na d'yan Xyrra."
sabi ni ate Xiera.Siya ang aking nakatatandang kapatid.
"Mauubos mo ba talaga yan? "
tanong sa akin ni ate Xiera habang ako ay tuloy-tuloy lang sa pagsandok ng mga pagkain papunta sa aking plato.
Umupo na ako katabi ni Xavier na ninanamnam pa ang bawat subo ng cake at sinimulan ko na nga ang pagkain.
"Ate dahan-dahan lang baka mabulunan ka! "
pagpapaalala sa akin ni Xavier ng tuloy-tuloy kong isinubo ang pagkain sa bunganga ko.
"Ilang taon ka bang hindi kumakain?"
Medyo natatawang tanong sa akin ni ate Xiera na tinawanan ko lang kaya tumalsik ang ilang bahagi ng pagkain na mula sa aking bunganga.
"Watch your manners! "
Sigaw ni Xavier na ikinagulat ko.~Wow hanep! Tandaan mo mas matanda ako sayo!
Gusto ko na sanang sabihin ang mga salitang yun pero narealize kong mali pala talaga ako haha!
BINABASA MO ANG
Fallen: The Half Blood [COMPLETED]
FantasyUNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all those who has black wings are bad. Not all demons serve Satan, and not all angels praise God. Remember...